(50) Return

2.7K 90 2
                                    

Jed's P.O.V

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik ni Raxelle sa kweba habang magkahawak ang kamay. Eto ata yung tinatawag nila na HHWW. Wala kasi akong alam sa mga ganun. Kundi pa ako makakakita ng mga holder na sweet-sweetan sa Enchanted hindi ko pa malalaman ang mga bagay na kagaya nito. Nung una tinatanggal ni Raxelle yung kamay niya pero nung nakulitan ata sa akin, hinayaan na lang niya.

Sobrang saya ko ngayon dahil natupad na rin ang matagal ko ng inaasam, ang mahalin din niya ako. Totoong kapag marunong kang maghintay may mapapala ka. Hindi ko talaga inaasahan yung mga sinabi niya kanina. Yung bilis ng tibok ng puso ko kanina, daig pa ang tumakbo pabalik_ balik sa buong Enchanted. Mahal na Mahal ko talaga siya at araw-araw ko yung ipaparamdam sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi niya pagsisisihan na minahal niya rin ako.

"Napapagod ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Ang tahimik niya kasi masyado. Kanina lang pinapagalitan niya pa ako tas ngayon ni walang imik.
"Hindi naman. Ayos lang ako."
"Sabihin mo sa akin kung pagod ka na ha."
"Aa. Sige sige."

Bakit ba bigla siyang tumahimik? Ano kayang problema niya? Hindi naman daw siya pagod. Ano kayang meron?

"Raxelle may problema ba? Kanina lang ang ingay-ingay mo tapos ngayon para kang pipi diyan."
"Wala naman. Parang may narinig lang ako kanina na hindi ko maintindihan kung ano."
"Saan? Wala naman akong narinig aa." Bigla sya nung tumingin sa akin na may halong pagtataka ang itsura niya ngayon.
"Talaga?"
"Oo. Bakit? Ano bang meron?"
"Kanina kasi, bago tayo makalayo sa pwesto kung san tayo nakipaglaban sa mga Black Army, may narinig akong malagong at nakakatakot na boses na tumawag sa akin at may sinabi pa siya."
"Ano yun? Ano yung sinabi niya?"
"Balang araw magpapasalamat daw ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi ko maintindihan Jed. Marami pa siyang sinabi pero wala na akong naintindihan. Hindi ko alam kung sino yun o kung ano yun pero bigla akong kinabahan."
"Huwag mo na munang isipin yun Raxelle. Baka naman dala lang yan ng pakikipaglaban natin kanina. At kung totoo man yan at hindi mo lang basta guni-guni, bakit hindi ko narinig?"
"Siguro nga guni-guni ko lang yun Jed."
"Kaya kalimutan mo na yun. Guguluhin lang nun ang isipan mo. Masaya tayo ngayon kaya dapat tanggalin mo yung mga bagay na bumabagabag sayo." Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay niya at ganun din naman siya sa akin.
"Bilisan na natin. Hinihintay na tayo nila Yaya." Ngumiti siya nun sa akin at duon namin ipinagpatuloy ang paglalakad.

---

Ginawa ko ang paraang ng pagkatok ni Yaya Felly sa malaking batong nakaharang sa daanan papasok ng kweba. Tatlong beses ko itong ginawa  bago nila kami pinagbuksan. Siguro ay natatakot sila na baka kalaban kami.

"RAXELLE." Patakbong lumapit sa amin si Yaya Felly at sinalubong ng yakap si Raxelle.
"Awww Yaya." Oo nga pala. Yung sugat niya.
"Anong nangyari sayo? Bakit may dugo ang damit mo?"
"Maliit na sugat lang po yan Ya. Nakuwa ko kanina habang nakikipaglaban kami sa Black Army. Siya nga po pala..." Humarap siya sa mga kasamahan ni Yaya na bakas pa rin ang pangangamba. "Nagawa po naming talunin ang Black Army kaya wala na po kayong dapat ipag-alala." Sabay sabay na napabuntong hininga ang mga kasamahan ni Yaya at saka lumapit sa amin upang magpasalamat.

Nandito ako ngayon sa labas ng silid namin at hinihintay na matapos si Yaya Felly sa panggamot sa sugat ni Raxelle. Hindi pa man nagtatagal, lumabas na rin siya dala ang bendang gawa sa manggas ng damit ko.

"Sayo siguro ito no hijo?"
"Sa akin nga po Yaya Felly."
"Nakakatuwa kang bata. Hinayaan mo ang sarili mong lamigin para may magamit na benda ang aking alaga."
"Ayaw po kasing tumigil sa pagdurugo yung sugat nya kanina. Maigi na pong mahirapan na ako, huwag lang po siya."
"Ganun ba Hijo. Mukha namang mapagkakatiwalaan talaga kita kaya ihinahabilin ko na sayo ang kaligtasan ng aking alaga. Alam kong malakas siya pero maigi ng may poprotekta sa kanya kung kinakailangan. Huwag mo siyang pababayaan at hahayaang masaktan ha. Ikaw na ang bahala kay Raxelle, Jed."
"Makakaasa po kayo Ya."
"Nasabi na rin sa akin ni Raxelle na higit pa daw sa kaibigan ang tingin niya sayo at hiningi niya na rin ang permiso ko at dahil mabuti kang bata, pumapayag ako sa relasyon nyo. Kaya ikaw na ang bahala ha Hijo."
"Opo Ya. Ako na po ang bahala sa kanya."
"Oh siya. Ako'y mamamahinga na. Matulog na rin kayong dalawa."

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon