(45) Memories

2.8K 97 2
                                    

Mackie's P.O.V

"Raxelle." Kagaya ko, hindi na rin malaman ni Jed kung ano ang gagawin niya. Alam kong gusto nya ring tulungan si Raxelle pero wala syang magawa kahit na siya pa ang Top Learner.

Lumakad papalapit si Ro sa nakahandusay na si Raxelle at biglang tumingin kay Jed.

"Nasasaktan ka ba ngayon Jed dahil nakikita mong nahihirapan ang babaeng pinakamamahal mo?"- Ro
"Pinakamamahal?"- Casie
"Oo. Si Raxelle ang babaeng kinahuhumalingan ng Top Learner."- Ro
"Ro tumigil ka na."- Jed
"Jed, alam mo bang mas nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako na makitang magkasama kayo ni Raxelle. Okay na sana ee kaya lang, bumalik pa siya. Matatanggap ko pa sana kung pareho tayong walang napala sa pag-ibig pero bumalik siya at ipinamuka niya sa akin natalo niya ako. At alam mo ba kung ano pang mas masakit dun, ang matalo ako ng mahinang ito sa pagiging Superior. Hindi ako makakapayag na nasa kanya ka na nga pati ba naman ang titulo ng pagiging Superior ay nasa kanya rin. Hindi siya karapat-dapat sa pagiging Superior dahil mahina siya. Mahina si Raxelle."
"Nagkakamali ka."- Jed
"Ha?"- Ro

Sa pagkakataong ito, natahimik ang buong Arena. Lahat kami naghihintay sa susunod na sasabihin ni Jed.

"Ikaw Ro ang mahina. Mahina ka dahil nagpatalo ka sa inggit at galit mo kay Raxelle. Para sa akin, ikaw ang hindi karapat-dapat na maging Superior. Hindi lang lakas ang kinakailangan para sa titulo ng pagiging Superior pero pati na rin ang kabutihan ng puso at kalooban. Sa pinapakita mo ngayon Ro, pinapatunayan mo lang sa amin na inggetera ka at mapanghusga. Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi ikaw ang nakatadhanang maging Superior. Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa? Alam mo Ro, binigyan mo ako ng dahilan para mas mahalin si Raxelle at binigyan mo din ako ng dahilan para ikahiya ka bilang kasamahan ko."

Dahil sa sinabi ni Jed, unti-unting nagpatakan ang mga luha sa mga mata ni Ro. Mukhang nasaktan siya sa mga narinig niya. Pero hindi namin masisi si Jed dahil yun ang gusto niyang sabihin.

"Kung ganun. Tama lang pala na tapusin ko na si Raxelle para hindi lang ako ang masaktan. Jed, damay-damay na ito." Sa paglingon ni Ro sa pwesto ni Raxelle, dun niya nakita na wala na ito dito. Teka... Nasan na si Raxelle? Hindi ko rin napansin na wala na siya duon.
"Ako ba ang hinahanap mo?" Automatic na napalingon kami sa itaas ng Arena at duon namin nakita ang mala-anghel na si Raxelle. Bakit mala-anghel? Dahil sa puti at itim niyang mga pakpak. Nakakamangha ang kapangyarihan niya. "Mukhang nakalimutan mo na Ro, kaya kong gayahin ang kapangyarihan mo kaya walang epekto sa akin ang Deoxygenation na kakayahan mo. Oo sa una meron pero ng magawa kong iimitate ito, nagawa ko na ring kontrolin ang hangin sa paligid ko." Bamababa si Raxelle sa harap ni Ro at mataman niya itong tiningnan. "Hindi mo ako kagaya Ro kaya hindi kita papatayin. Tatapusin ko na ito dito dahil ayokong mas lumala pa ang dwelong ito. Pero sa susunod na subukan mo ang kakayahan ko at maliitin ang pagkatao ko, hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka. Hindi ako pumapatay ng walang dahilan kaya huwag mo akong bibigyan."

Unti-unting nawala ang mga pakpak ni Raxelle, ganun na rin ang barrier na nakabalot sa kanila. At sa pagkawala ng mga ito, kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ni Ro.

Patakbo kaming lumapit sa kanila at agad na nilapitan ni August si Ro.

"Huwag kang mag-alala August. Pinatulog ko lang siya. Dalhin mo na siya sa Heal Station para maasikaso agad ang mga sugat niya."- Raxelle
"Pero pano ikaw Raxelle? Gusto mo bang ako ang gumamot sayo?"- Casie
"Wag ka ng mag-abala Casie. Ayokong sayangin mo ang lakas mo para sa akin. Kaya ko na ang sarili ko." At pagkatapos nyang sabihin yun, biglang may lumitaw na portal sa harap namin at agad siyang pumasok ng walang sinasabi.
"Raxe-"
"Hayaan na muna na tin siya Mackie. Kailangan niyang mapag-isa."- Ma'am
"Pero... Aist." Napabalik upo na lang ako sa inis.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now