(16) Back-out

4.7K 133 11
                                    

Sa pagtama ng sinag ng araw nagising ako sa isang masamang paniginip. Si Isabel, umiiyak siya at nasasaktan. Naaawa ako sa kanya pero wala akong magawa. Kasalanan ko daw kung bakit siya nagkakaganun.


Sa pagmulat ng mga mata ko, nakita ko ang maamo at seryosong mukha ng isang lalaki na nakatingin lang sa labas.


Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. It's my fault after all. Because of me, may mga nahihirapan. Even if it is not my intention, naaapakan ko pa rin sila. All of the sudden, bigla na lang tumulo ang mga luha ko.


"B-bat ka umiiyak?"


Agad siyang lumapit sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Siya ang nagligtas sa kin. Yung taong hindi ko inaasahan na dadating, siya pang yung nagligtas sakin.


"Jed ayoko na."

"Ha?"

"Ayoko na. Ayoko ng maging warrior. Ayoko na dito. Dahil sa akin may mga nasasaktan. Dahil sa kahinaan ko marami akong natatapakang tao. Hindi ko man intensyon pero may mga nasasaktan gawa ko. Kaya ayoko na. Aalis na lang ako dito. Okay lang na saktan ako pero yung may masasaktan gawa ko, ibang usapan na yun. Jed alam kong galit ka sa akin kasi mahina ako pero pakiusap tulungan mo ako. Kahit ngayon lang. Ayoko ng ganito."

"Kahit hindi ka makiusap, handa naman akong tulungan ka. Pero may problema."

"Ano yun?"

"Hindi na pwedeng baguhin ang desisyon ng Elders. Wala pang sumusubok na magbago nun.""Kahit ano gagawin ko. Kahit na umalis pa ko dito gagawin ko. Ayoko na Jed."


Hindi ko alam kung may nasabi ba ako pero biglang tumahimik si Jed. Hindi ko naman mabasa ang mukha niya kasi wala naman tong reaksyon.


"May problema ba?"

"Wala. Sige. Magpahinga ka na. Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa plano mo. Aalis lang ako."


Bago pa man ako makaimik, umalis na siya. Ano kayang problema? May nasabi kaya ako?


---

Ilang araw na rin akong nananatili dito sa may Heal Station. Hindi kagaya nung unang dinala ako dito, matagal bago ako gumaling. May tapal ako sa mukha, braso, hita at may benda din ang gitnang bahagi ng katawan ko. Sabi ng Healer, may nabali daw na buto sa bandang pang-upo ko at kailangang magamot yun bago pa man sumapit ang pagsisimula ng training namin.


"Dahan-dahan lang Hija."

"Salamat po Healer."


Balak ko ngayong pumunta sa Psychiatric Infirmary kung nasan si Isabel. Sabi ni Jed, dun daw dinala si Isabel matapos yung insidenteng yun. Kailangan daw ng masinsinang panggagamot ang gawin kay Isabel. She needs Mental Illness Treatment. Dahil sa sobrang galit at inggit niya sakin nabaliw siya. Kasalan ko lahat yun. Ako ang dapat sisihin.


Tinanong ko rin si Jed kung pano siya napunta sa spot kung nasan kami ni Isabel nun at ang sabi niya, nakita daw niya akong lumabas ng bahay ko na maraming dala kaya nacurious siya kung ano daw kababawan ang gagawin ko. Sinundan niya daw ako nun at nung nakita niya na si Isabel ang kasama ko, nagtaka daw siya kasi ni minsan wala daw pumunta sa spot na pinagdalhan sakin ni Isabel. Kumbaga Torture Spot yun. Maraming holder ang pinahirapan at namatay sa lugar na yun at hindi ko yun alam. Pinagpatuloy niya lang daw yung pagsunod samin pero bigla siyang naligaw kasi kung san san kami lumiko ni Isabel at nung matagpuan niya kung nasan kami, yung scene na yun yung naabutan niya. Siguro nga kung hindi agad nahanap ni Jed kung nasan kami malamang sa malamang pinaglalamayan na ako. Sobrang pasasalamat talaga ang ginawa ko sa kanya. May utang na loob tuloy ako sa kanya.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now