(36) Larvien

3.1K 99 1
                                    

Mackie's P.O.V

Kasalukuyan na kami ngayong nag-aayos para sa panibagong task namin. Sabi ni Ma'am, kakaiba daw ang mga halimaw na makakalaban namin ngayon dahil hindi kagaya ng mga nakaraang halimaw, may mga kapangyarihan na daw ang mga ito. Maaari ding kagaya namin ang mga kapangyarihan na taglay ng mga ito.

"Medyo kinakabahan ako ngayon aa." Agad kong binalingan si Renz ng tingin na kasalukuyang inaayos ang sapatos niya.
"Wag kang kabahan. Mas maganda nga ngayon dahil sama-sama na tayong walo. Hindi yung tigdalawa lang."
"Pero iba ee. Yan nga ang iniisip ko, na magkakasama tayo pero hindi ko pa rin maalis yung kaba. Sana wala lang to."
"Kaya natin to Renz."
"Sana nga."

Sana lang, walang mapahamak sa amin dahil ayoko ng may mawala pa.

"Guys, make sure na hindi kayo mahihiwalay sa grupo. If possible na mangyari yun, shout and get our attention quickly." Sabi ni Lei habang naglalakad.

We're now on our way papunta sa unang station. Ang bawat pagsubok daw ay may katumbas na station at ang pinakahuli ay sa Dungeon of Evil. After matapos ang pagsubok saka lang maaaring magpahinga at kumain. Kaya wala kaming magagawa kundi tapusin ang mga pagsubok pagod, gutom o uhaw man. Sinisiguro ko na mas mahirap ang pagsubok ngayon. Dahil simula pa lang ang hirap-hirap na.

Sa pagpasok namin sa Portal kanina, agad na bumungad sa amin ang madilim, mausok at mapunong parte ng gubat. Gumawa si Casie ng torch gamit ang sanga ng punong dinaanan namin at nilagyan naman ito ni Jed ng apoy. Napapalibutan kami ngayon ng Water Shield ni Lei na poprotekta daw sa amin kung sakaling may umatake sa amin. Pero kung sakaling water type din ang kapangyarihan ng aatake sa amin, wala daw saysay ang water sheild niya.

"Nasan na ba tayo?"- Maddison
"Medyo malayo-layo na din ang nalalakad natin aa."- August
"Parang wala namang halimaw dito. Sadyang nakakatakot lang ang lugar."- Renz
"Bakit ba kasi ang tahimik dito. Yabag lang natin ang maririnig ee."- Lei
"Gusto mo bang kantahan kita Lei para maiba sa pandinig mo?" Kumikislap na matang sabi ni Maddison. Nagpoker face lang si Lei saka hindi pinansin si Maddison. "Ang sama mo Lei. Tsssk. Di bale na nga. Ganda-ganda ng boses ko ee."

Nako. Kung wala lang kami sa gantong sitwasyon baka kanina ko pa tinawanan tong si Maddison.

Ssssshhhhhhh

Napatigil kaming lahat sa paglalakad at nagpalinga-linga sa paligid.

"Narinig nyo ba yun?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko namang tumango silang lahat atsaka nagmasid muli sa paligid.
"Baka yung halimaw na yun."- Lei
"Pakinggan ulit natin."- Casie

Tumahimik kaming lahat at sinubukang pakinggan ang paligid. Ilang minuto pa man ay wala na ang tunog na narinig namin kanina.

"Baka naman hangin lang yun."- Renz
"Baka nga. Wala na ee. Di na natin narinig ulit."- August
"Napaparanoid lang tayo."- Maddison
"Magpatuloy na nga lang tayo." At kagaya ng sinabi ni August, naglakad muli kami.

Nakakailang hakbang pa lang kami ng biglang yumanig ang lupa kaya naman medyo nawala sa concentration si Lei at humina ang water shield na bumabalot sa amin.

"Lei yung..."

BOOOOOGSSSSS.

"LEIIIIIIIIIIIIIIII."

Napatakbo kami sa pwestong binagsakan ni Lei. Anong nangyari?

"Lei. Lei. Lei." Sinubukang gisingin ni Maddison si Lei pero wala itong epekto.
"Anong nangyari kay Lei? Bakit bigla na lang siyang tumalsik?"- Casie
"Hindi ko alam. Casie, gamutin mo si Lei please." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Maddison. Talagang nag-aalala siya para kay Lei. At ganun din kami.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now