(68) Strategic Plan

1.6K 52 2
                                    

Raxelle's P.O.V

Kasalukuyan kami ngayong nasa locus dimension ni Jed pabalik sa kweba. Kailangan naming sabihin sa kanila kung anong nangyari at kung anong mangyayari sa Enchanted. Inaasan ko na, na kagaya namin ni Jed, mapupuno rin ng galit ang Warriors dahil sa ibabalita namin.

"Jed? Raxelle?" Si Casie. Grabe may balak ba siyang maging tindera ng gulay. Bagay sa kanya yung basket na puno ng halaman tapos nasa bewang niya. Yung ganung style. Basta yun. Haha ang sama ko. "Kamusta? Anong nangyari? Anong sabi nila?" Grabe. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Jed nung sunod-sunod ang naging tanong ko sa kanya.
"May kailangan kayong malaman. Nasaan ang iba?"
"Nasa kani-kaniyang kwarto. Natutulog."- Casie
"Katanghaliang tapat natutulog?"- Jed
"Ewan ko ba sa mga yan. Pati si Ro at Maddison tulog din."- Casie
"Haaay." Ang Warriors talaga. "Jed pasuyo naman. Pakigising."
"Sige. Akong bahala sa kanila."- Jed

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa sinabi ni Jed. Mali ata na siya yung inutusan ko para gisingin sila. Mahabaging bathala, pagkaingatan nyo po ang mga kasamahan namin laban kay Jed. XD

After 5 minutes...wala kami ngayong ibang narinig sa buong kweba kundi ang sigaw ni Mackie, August at Renz habang tumatakbo pabalik-balik sa harapan namin.

"3 down. 3 more to go." Nakangising sabi ni Jed pagkalabas ng kwarto.

Kumatok muna siya bago pumasok sa kwarto nila Ro at Maddison. Wala pang dalawang minuto, sabay sabay silang lumabas habang si Ro at Maddison hindi maipinta ang mukha habang si Jed ay nakangisi pa rin.

"Isa na lang. Nasaan si Lei?" Tanong ni Jed kay Maddison.
"Nasa kwarto nyo ni Raxelle."- Maddison
"Aba. At bakit siya nandon?"- Jed
"Wala naman daw kasi kayo kaya siya muna ang gagamit ng kwarto nyo. Maranasan naman daw niyang mahiga sa kama."- Maddison
"Aa. Ganun. Teka..."- Jed

Naglakad si Jed papunta sa kwarto namin at walang anu-anong binuksan ang pinto at isinara ng malakas.

"Grabeng manggising si Jed. Aatakihin ako sa puso." Nagtaka ako sa sinabi ni Renz. Ano ba kasing ginawa ni Jed at parang ewan na nagtatakbo at nagsisisigaw sila?
"Nako. Kung hindi lang siya ang top learner, nakatikim na sa akin yan." Nakasimangot na sabi naman ni Maddison. Now I'm lost. - -

Magtatanong na sana ako kay Maddison pero hindi ko na ito nagawa dahil sa pagsigaw ni Lei mula sa kwarto namin. Napatakbo kami ng wala sa oras papalapit dito at mula sa bukas na pintuan, kitang-kita namin ang isang taong apoy na papalapit kay Lei.

"Sheez. Napasok tayo."- August
"Teka...nasan si Jed? Anong nangyari kay Jed?" Nataranta na nag-aalala ako dahil hindi namin makita si Jed sa buong kwarto. Hindi ba't pumasok siya dito? Nasan na siya?
"Get your swords. Now."- Ro
"Paano niya nagawang makapasok dito ng hindi natin nakikita?"- August
"Baka naging invisible siya."- Casie
"Hindi ito maaari. Humanda na kayo. Bilis." Agad silang sumunod sa utos ko at ng balak na naming sugudin ang kalaban. Bigla itong humarap sa amin kaya agad kaming napahinto at nag-alangang lumapit.
"Anong balak nyong gawin?" T-Teka...si Jed yun aa.
"J-Jed?"
"Ako nga." Biglang nawala ang apoy na nakabalot sa buong katawan niya at ngayon...si Jed na ang nasa harap namin at hindi na yung taong apoy na akala namin ay kalaban. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa ginawa niya. Haay Jed. Ansarap mong tirisin.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay na tawa ni Maddison at Renz na ngayon ay nasa likod namin nila Ro. Sabay-sabay kaming humarap sa kanila at parang pinaractice namin ang sabay-sabay na pagcross-arm habang nakatingin ng masama sa dalawa.
"Hala. S-Sorry hehe. Nakakatawa kasi yung itsura nyo kanina."- Renz
"Oo nga. Ang sarap videohan nung reaksyon nyo nung makita nyo si Jed. Haha"- Maddison
"Tsssk. Hoy ikaw..." Itinaas ko ang espadang hawak ko at itinapat ito sa mukha ni Jed na ngayon ay natatawa na rin.
"B-Bakit?" Oh? Ano? Bakit ka namumutla ngayon?
"Alam mo ba ang ginawa mo?"
"Hindi. Anong ginawa ko?" Painosente niyang tanong sa akin.
"Kamuntik ka na naming sugudin at pagtulungan dahil akala namin, napasok na tayo ng kalaban. Ano bang pinaggagagawa mo?"
"Wala. Ginigising ko lang si Lei."- Jed
"ANONG GINIGISING? KAMUNTIK MO NA KAMO AKONG PATAYIN SA TAKOT. WOOOO. Akala ko may halimaw na nakapasok dito sa kwarto. Wooo." Sabi ni Lei habang pinupunasan ang pawis sa noo niya.
"Napaka talaga niyang si Jed. Painitin ba naman daw yung temperatura nung buong kwarto. Bangon tuloy kami ni Ro dahil para kaming niluluto sa init. Nasira tuloy yung tulog ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Tsssk." Nakasimangot naman na sabi ni Maddison.
"Mas malala naman yung amin. Akalain mo ba namang paapuyin niya yung mga binti ko. Grabe. Akala ko mapuputulan na ako ng paa."- Renz
"Akala mo ba ikaw lang? Ako din no. Pinaapoy niya yung tiyan ko. Akala ko mabubutas na yung katawan ko."- Mackie
"Ee ano pa yung akin? Yung buhok ko yung umaapoy. Akala ko makakalbo na ako." Sabay hawak ni August sa buhok niya.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now