(24) Protector in Disguise

3.6K 122 0
                                    

Raxelle's P.O.V

Isang linggo na rin kaming nandito sa T.G at medyo nagiging okay na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kung dati puro titigan lang ang ginagawa namin, ngayon nag-uusap na kami at minsan nagtatawanan. Yung first task namin parang nagawa namin siya habang lumilipas ang araw. Medyo nakilala na namin ang isa't isa.

"Raxelle." Napatingin ako sa tumawag na si Mackie.

"Bakit?"

"San ka pupunta?"

"Maggagala gala."

"Sama ako."

"Wag na. Babalik rin naman ako agad."

"Baka mapano ka."

"Hindi yan. Sige na. Alis na ako."

"Basta pag di ka agad bumalik dito, susundan na kita ha. Ingat ka."

"Sige."

Pagkatapos nun, tumakbo na siya papasok sa Boundary. Nakakakaba ngang umalis ng Boundary na mag-isa. Andami kasing kakaibang bagay na meron dito sa T.G. Yung nangyari kay Ro at August isa na sa halimbawa.

"Kakaiba talaga ang mga bagay dito."

Ang tataas ng mga puno tapos yung atmosphere sa lugar na ito kakaiba. Parang nakakatakot talaga sa lugar na ito kahit na maganda siya. Medyo malayo-layo na rin yung narating ko ng mapadpad ako sa isang ilog.

"Wow." Sobrang linaw ng tubig. Kitang-kita mo yung mga isda sa sobrang linis.

Nagkusa ang mga paa ko na lumapit sa ilog at nagtampisaw. I was enjoying the water when I felt someone behind me. Pero nung lingunin ko, wala naman akong kasama.

"Imagination ko lang ata yun." Napaparanoid na ako.

I decided na maligo dito sa ilog kaya naman, I took off my jacket, shoes and pants. Now, I'm wearing my sando and shorts. Hindi na rin to masama since ako lang naman ang tao dito.

I let my body enjoy the coolness of the water. Masarap talagang magrelax pag mag-isa ka lang. Iba pa rin talaga yung peacefulness and relaxation na mararamdaman mo kapag wala kang kasama.

"Stress out, good vibes in. Stress out, good vibes in. Stress out, good vibes in."

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Isinigaw ko yun sa abot ng aking makakaya para mailabas ko lahat lahat. And now, Okay na. Nailabas ko na lahat ng stress ko. :))

Ssshhhhhhhh.

O_______O Ano yun? Nagpaalingalinga ako sa paligid para malaman kung ano yung bagay na yun.

Ssshhhhhhhh.

"May tao ba diyan?"

Ssshhhhhhhh.

Eto na naman yang sshhh na yan. Nang-yari na to sakin dati ee. Bakit ba ayaw akong lubayan ng sshh na to?

Ssshhhhhhhh.

"Mackie, ikaw ba yan? Hindi nakakatawa ha. Wag kang manakot. Lumabas ka na diyan."

Ssshhhhhhhh.

"Mackie, ano ba? Effective na. Kaya tama na. Natatakot na ako."

"Raxelle."

"Sino yan?"

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now