(56) First Quarrel

1.8K 56 2
                                    

Raxelle's P.O.V

After we finished all the Black Army who attacked us, napagdesisyonan na namin na pumunta na agad sa kweba para masiguro na hindi na mangyayari ang nangyari kanina. Kamuntik na yun.

"Guys..." Sabay sabay kami nung humarap kay Maddison at duon namin nakita na umiiyak siya. Naalarma kami kasi ito ang unang beses na nakita namin siyang umiyak sa pagkakatanda ko.
"Bakit ka umiiyak Maddison?"- Casie
"May nangyari ba?"- August
"Wala pa rin si Lei. Hinanap ko ulit siya pero wala talaga. Nag-aalala na ako sa kanya." Sabi niya habang umiiyak. Nilapitan ko siya atsaka pinakalma.
"Babalik si Lei. Sigurado ako na babalik sya. Alam ko rin na may dahilan kung bakit hindi siya nagpaalam sa atin nung umalis siya. Maniwala na lang tayo na babalik siya at ligtas siya."
"Pero..."
"Hihintayin natin siya pero kapag lumubog na ang araw at wala pa siya, wala tayong magagawa kundi ang umalis ng wala siya. Ipinapaalala ko din sayo Maddison, na ang pinaka mahalaga sa ngayon ay ang kaligtasan ng mga taong kasama natin. Malakas si Lei at kung nasan man siya, alam kong mapoprotektahan niya ang sarili niya at babalik siya sa atin."
"Raxelle..." Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

Hinahaplos ko ang kanyang buhok para pagaanin ang loob niya.

"Ganto ba ang pakiramdam ni Jed at Mackie nung nawala ka? Dahil kung oo. Sobrang sakit pala."
"Maddison..." May pagtatakang sabi ko sa kanya.
"Kayo at si Lei na lang ang meron ako. At hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. Ayokong mawala sa akin ang Best Friend ko. Lalo pa't..."
"Lalo pa't?" Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. Siguro ay nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba o hindi ang kanina niya pang gustong sabihin.
"Mahal ko si Lei."

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya atsaka siya hinawakan sa balikat upang malaman kung seryoso ba siya o hindi sa sinabi niya.

"T-totoo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Nilingon ko ang mga kasama namin at kagaya ko, mababakas din sa kanila ang gulat at saya sa parehong pagkakataon.
"Oo Raxelle. Simula nung nagpanggap kaming may relasyon sa harap ni John, nakaramdam ako ng kakaiba lalo na nung hinalikan niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nun. Ang akala ko, wala lang yun pero habang tumatagal, kada na lang mapapalapit ako sa kanya, bumibilis lagi ang tibok ng puso ko. Hindi ko agad inamin sa sarili ko. Kagaya ng sinabi mo, naging in denial ako pero...pero ngayon, inaamin ko na. Kaya ako natatakot na baka mawala siya sa akin yun ay dahil Mahal Ko siya at hindi ko kaya na iwan na lang nya akong bigla ng hindi ko man lang nasasabi yung nararamdaman ko para sa kanya."
"Maddison..." Kahit nakikita ko siyang umiiyak ngayon, masaya pa rin ako. Masaya ako dahil sa wakas, inamin na niya sa sarili niya.

Lumapit sa amin si Jed at kagaya ko, hinawakan din niya si Maddison sa balikat kaya naman, magkapatong ngayon ang mga kamay namin.

"Talagang mahirap kapag biglang nawala ang isang tao tapos hindi mo pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman mo. Pero Maddison...huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil kung maghihintay ka sa pagbabalik niya, duon mo mararamdaman na lalong lumalim ang pagmamahal mo at duon mo rin makukuwa ang lakas ng loob para masabi mo sa kanya yan." Pagkatapos niyang sabihin yun, tumingin siya sa akin. Oo na Jed. Alam ko na. Naku naku naku.
"Based on experience ba yan Jed?" Tanong ni Maddison sa kanya.
"Hindi aa. Hugot lang yan." Atsaka siya bumalik sa pwesto niya kanina. Hugot daw. Pwede ba?! XD

Hinila ko si Maddison para yakapin ulit. At alam ko na ikinagulat niya ang ginawa ko.

"Masaya ako para sayo Maddison. Hindi ka natakot na aminin sa sarili mo ang totoo. Sinisiguro ko din sayo na mas magiging maganda ang mga bagay-bagay sa pagitan nyo ni Lei once na sinabi mo yan sa kanya."
"Sigurado ka Raxelle?"
"Aha. Kaya ang dapat mong gawin ay hinatayin ang pagbabalik niya. Kaya tumahan ka na dahil alam kong ayaw ni Lei na umiiyak ka."
"Raxelle..."

Rise of the WarriorsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt