(42) Mystery Unclosed

3K 105 0
                                    

Raxelle's P.O.V

Maaga palang, sinalubong na agad ako ni Ma'am pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Wala pang holder nuon sa room bukod sa akin, kaya ang conclusion ko, hinintay niya talaga ako duon.

Tumagal ng limang oras ang pakikipag-usap ko sa mga Elders. Sobrang daming bagay sa isipin ko ang nabigyan ng paliwanag. Ngayon naman, sa mga kapwa ko Warrior at sa mga kaklase ko ako magkwekwento ng kung ano ang eksaktong nangyari sa akin at kung bakit ako nawala.

Kinakabahan ako habang pabalik sa room namin. Dumagdag pa dito ang mga tingin ng mga kapwa ko holder sa akin. Sa twing titingnan ko naman sila, ibinabaling nila agad ang atensyon sa iba. Nagpepretend na hindi ako minamata at hinuhusgahan.

Pagkarating ko, kumatok ako ng tatlong beses at agad na binuksan ang pintuan ng room namin. Pagkapasok ko, nakatingin sa akin lahat ang mga kaklase ko, ganun na din ang mga Exceptional Learners.

"Raxelle, tapos ka na bang kausapin ng Elders?"
"Opo Ma'am."
"Sige. Halika sa tabi ko." Pagkasabi niya nun, lumakad ako palapit sa kanya. "Holders, alam kong alam nyo na natapos na ang Training ng mga Warriors natin pero ang hindi nyo alam ay kung anong nangyari sa kanila duon sa loob ng maraming buwan. Nagkaroon sila ng tatlong pagsubok sa Training Ground. Ang huling dalawang pagsubok, ang nagpalabas ng mga kakayahang nakatago sa kanila. Uhaw, gutom, pagod, paghihirap at sakit ang inabot nila mula sa mga pagsubok na yun. Hindi madali ang dinanas ng mga Warriors. Kung akala nyo simpleng training lang ang nangyari sa kanila, nagkakamali kayo. Alam nyo bang naging isang Zombie si Casie habang ginagawa nila ang ikatlong pagsubok?" Pagkabanggit na pagkabanggit nun ni Ma'am, nagtinginan lahat kay Casie. Kaya si Casie, medyo napayuko. "Hindi namin alam kung pano siya nakabalik sa pagiging tao. Pero nagpapasalamat na rin kami dahil may tumulong sa kanya."
"Ma'am sino pong tumulong kay Casie?" Tanong ng isa sa mga kaklase namin.
"Hindi naman alam kung sino ang tumulong sa kanya."
"Edi po ba namomonitor nyo lahat ng nangyayari sa Training Ground?" Tanong naman ng isa pa naming kaklase.
"Isa malaking katanungan rin sa amin kung bakit nagawa siyang tulungan ng kung sino man ng hindi namin nakikita. Hanggang ngayon, patuloy pa rin naming hinahanap at inaalam kung sino ba talaga ang naglitas kay Casie." Tumayo si Ma'am at pumunta sa harapan ng klase. Iminustra naman niya na lumapit ako at pumunta rin sa gitna. "Bukod sa nangyari kay Casie, nawala rin si Raxelle ng maraming buwan. Ni isa sa amin, walang alam sa kung anong nangyari sa kanya. Dumating yung punto na iniisip na lang namin na wala na siya. Hanggang sa nagulat kaming lahat sa pagbabalik niya." Heto na. Ito na ang oras para magkwento ako. "Kaya naman, kay Raxelle magmumula lahat ng paliwanag."

Pagkatapos niyang sabihin yun, umupo na ulit siya sa upuan niya at naiwan akong nakatayo sa harap ng mga kaklase ko at sa harap ng mga kasamahan ko.

"Isang araw, naghanda kaming mga Warriors para sa isang pagsubok. Isa-isa kaming pumasok sa portal na nakahanda papunta duon. Sa una inakala ko na nakarating ako sa destinasyong dapat kong puntahan ko pero sa isang madilim at mausok na lugar ako napunta. Inaasahan ko na isang pangkaraniwang halimaw lang ang makakalaban ko pero sandamak-mak na ahas at isang halimaw na anyong malaking gagamba na may dalawang mukha ng tao at nagtataglay ng mga galamay na anyong matutulis na espada ang nakaharap ko." Bago ako magpatuloy sa pagkwekwento, huminga muna ako para mawala ang kaba at maibsan ang bahagyang kirot sa puso ko sa pagbabalik ng mga masasamang ala-ala sa akin. "Bilang patunay ng hirap na dinanas ko mula ruon, ipapakita ko sa inyo ang mga markang iniwan nila sa akin." Hinubad ko ang jacket at pants na suot suot ko.

Napansin ko ang pagnanais na pigilan ako ni Mackie at Jed pero agad silang kinausap nila Lei at Maddison. Ang tanging natira sa akin ay ang mahabang puting damit na nakapaloob sa mga ito. Bahagya ko itong itinaas hanggang hita at duon lumabas ang tatlong marka sa babang parte ng aking katawan.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now