(58) Reconciliation

1.9K 74 1
                                    

Raxelle's P.O.V

Kung pwede lang sana na hindi bumangon hindi ko na pipilitin pa ang sarili ko. Kaya lang baka mag-alala sila sa akin. Baka isipin nila na may sakit ako o kaya naman dinibdib ko ang kasweetan nung dalawa, well kahit totoo naman ee ayoko pa ring isipin nila yun.

Matapos kong ayusin ang buhok ko at makapagsuot ng komportableng damit, lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko silang lahat na nakaupo sa Dining at masayang nagkwekwentuhan. Pahinga namin ngayon at hindi kami makikipagbunong braso sa mga Black Army. Sawang-sawa na rin kasi kaming makita ang pagmumukha nila.

"Oh ayan na pala si Superior ee." Masayang sabi ni Renz. Nako. Buti pa siya, masaya. Samantalang ako...di bale na nga lang.

Ngumiti na lang ako sa kanila at nung mapadako ang tingin ko kay Yaya Felly, matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya para mawala na yung pag-aalala niya.

Malapit na ako nun sa kanila ng biglang may matigas na bagay na tumama sa aking paa.

"Sheeez." Ayan na. Hindi Versace on the floor ang magandang ipamagat sa magiging itsura ko kundi Raxelle San Clarkson Lampa on the floor. Waaaa.

Bago ko pa maramdaman na nakikipagkissing scene ako sa lupa, isang bisig na galing sa isang matipunang lalaki ang pumulupot sa bewang ko kaya napaikot ako at dahil masyadong mabilis ang pagkakahila niya sa akin, na-out of balance kaming dalawa.

"Awwww." Rinig kong sabi niya. Teka...teka... bakit parang ramdam ko yung paghinga niya. Parang magkatapat yung mga ilong namin dahil parang kaming nagpe-Fencing ako gamit ang ilong. (Naks. Ang tangos xD) "Nasaktan ka ba Raxelle?" That voice. That manly husky voice. I knew it's him.

At sa pagmulat ng mata ko, duon bumungad ang nakakaakit niyang mata. Ang ganda ng mata niya. May pagkabrown na kapag tinitigan mo nagiging grey. Ilang segundo din akong na-mesmerized sa kanya nun ng biglang magsink-in sa akin ang pwesto namin.

Agad akong tumayo atsaka pinagpag ng sarili ko. Nakakahiya. Baka kung anong isipin niya at ng mga kasamahan namin. At sa pagharap ko sa kanila...hindi nga ako nagkamali.

"Ano Mackie? Na-fall ba si Raxelle?" Pang-asar na sabi ni Renz. Tiningnan ko ang iba at bukod kay Casie, Ro, Jed at Yaya Felly, lahat sila nakakaloko ang tingin.
"Siraulo." Lumapit sa akin si Mackie at chineck ako na parang ewan. "May sugat ka ba? Nasaktan ka ba?" Hindi ba dapat sa kanya ko itanung yan.
"H-Hindi. Okay lang ako. Ikaw? May masakit ba sayo?" Umiling-iling siya nun at parang ewan na ipinakita ang muscles ng braso niya.
"Sa lakas kong ito. Kahit ilang beses mo pa akong bagsakan, yakang-yaka yan." Pinalo ko siya nun kasi naman, Ang seryoso ng tanong ko ee.
"Ano nga?"
"Haha medyo masakit lang ang likod ko. Ambigat mo kasi ee." Sinamaan ko siya ng tingin. At anong ibig niyang sabihin? "Joke lang hahaha. Okay nga lang ako. Kahit ilang beses ka pang ma-fall nandito lang ako para saluhin ka." Sabay kindat niya. Inirapan ko na kang siya nun atsaka naupo sa tabi ni Yaya na kanina pang nag-aalala.
"Ayos ka lang ba Anak?"- Yaya Felly
"Opo haha."
"Pinag-alala mo ako dun aa."- Yaya Felly
"Sorry Ya." Malambing ko siyang inakbayan para kumalma siya.

Sa pagdako ng tingin ko sa lalaking nasa harapan ko, duon bumalik ang lungkot na kanina ay pansamantalang nawala. Oh, tinitingin-tingin mo. tsss

Iniiwas ko na lang ang tingin sa kanya at ibinaling ang atensyon ko kay Renz na kanina pang kinukulit si Mackie.

"Awat na Renz." Suway ko sa kanya.
"Tamo Raxelle. Kanina niya pa akong inaaway." Napatawa ako nun kasi parang bata si Mackie. Hahaha
"Ganun ba? Ay siya, tahan na." Nagtawanan ang lahat pero yung lalaking nasa harapan ko, parang nakakain ata ng semento dahil parang estatwa.

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon