(76) Good in Goodbyes

1.9K 67 5
                                    


'She made BROKEN look BEAUTIFUL and STRONG look INVINCIBLE. She walked with the UNIVERSE in her shoulders and made it look like a pair of WINGS.'

---

Raxelle's P.O.V

"Raxelle bakit? Hindi ba nangako ka sa amin? Hindi ba sabi mo hindi mo gagawin? Pero ano ito?" Matapos sabihin yun sa akin ni Jed pagkabalik na pagkabalik ng lakas niya, wala akong ibang nagawa kundi ang suklian siya ng ngiti na alam kong hanggang ngayong araw na lang niya makikita.
"Raxelle bakit ka nagsinungaling sa amin ni Jed? Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo?" - Mackie
"Sometimes promises are meant to be broken not just by own selfishness but for good and world success. Sa tingin nyo ba magiging masaya ako kung mag-isa lang ako? Alam nyo ba na parang pinatay na rin ako kung sa mundong ito.. wala kayo. Living without you is just like living in misery. Buhay pero unti-unting pinapatay. Jed, Mackie.. patawarin nyo ako kung nagawa ko mang sirain ang pangako ko. Minsan talaga.. may bagay kang dapat isakripisyo para maging masaya ka. And seeing you all alive is the best thing for me. Hindi man ngayon pero alam ko na maiintindihan nyo rin ako."
"Pero paano ka? Paano kung..."- Jed
"Kung mangyari man yun gusto kong mangako kayo na magiging masaya kayo kahit wala ako sa tabi nyo. Ayoko na makita kayong nalulungkot dahil malulungkot din ako. I suffered once and please, don't let me suffer twice."
"Bakit mo ba sinasabi yan Raxelle? Hindi mo naman kami iiwan di ba? Kasama ka naming babalik sa Enchanted hindi ba?"- Jed
"Jed.. nothing great was ever accomplished without making sacrifices. Kaya ngayon..susugal ako."
"A-Ano? Raxelle hindi ko maintindihan."- Jed

Without saying and explaining anything..nagsimula na akong maglakad palayo sa mga kasamahan ko and at this moment.. kailangan ko ng gawin ang bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa.

"RAXELLE TEKA.."- Jed
"Binabalaan ko kayo Warriors. Walang sinuman sa inyo ang maaaring mamakelam sa gagawin ko. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa akin dahil disediso na ako na gawin ito. Ngayon, kapag nangyari yun..sisiguraduhin ko na kahit nabubuhay ako, hindi nyo mararamdaman ang presensiya ko. Remember. I'm your Superior and it's your responsibility to follow me whether you like it or not. Nobody can interfere on my decision."
"Raxelle.."- Jed

Sorry Jed. I should be like this. Kung hindi ko ipapakita sa inyo na seryoso ako, walang mangyayari. Wala ka ng magagawa para pigilan ako dahil buo na ang desisyon ko. Handa na ako para dito. Kaya ipinapangako ko na pagkatapos nito, makakamit nyo na ang kalayaan na matagal ng ipinagkait sa inyo. Mawawala na ang takot at kasamaan na pumipigil sa inyo na mabuhay ng payapa at masaya. Manunumbalik ang sigla ng mundong tinanggalan ng kulay dahil sa kanya. Ipinapangako ko na kasabay ng pagkawala ko ay ang pagkawala rin ng taong puno't dulo ng lahat ng ito.

"RAXELLE..SANDALI LANG..RAXELL- TEKA..ANO BA? BITAWAN NYO AKO! ANO BA? MACKIE.."
"Jed..hayaan na natin si Raxelle. Alam mo naman na wala tayong ibang magagawa ngayon kundi ang pagkatiwalaan siya. Narinig mo naman ang sinabi niya hindi ba? Kailangan natin siyang sundin. Superior pa rin natin siya."
"Mackie..hindi natin alam ang balak niya. Hindi natin alam kung anong gagawin niya."
"Kaya nga magtiwala na lang tayo sa kanya. Alam naman natin na hindi gagawa si Raxelle ng ikasasama natin, hindi ba? Kaya kalma lang."
"Oo Mackie. Tama ka. Pero nakakasiguro ka ba na matapos ang gagawin niya, babalik siya sa atin? Nakakasiguro ka ba na walang mangyayari sa kanya, ha? Mackie..hindi natin alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Alam mong hindi na siya imortal, kaya napakalaki ng posibilidad na maaari siyang mawala sa atin. Kaya sabihin mo? Paano ako kakalma?" Mukhang nakuwa ni Mackie ang pinupunto ni Jed kaya bigla na lang itong tumingin sa akin. Yung mukha niya..mukha ng taong napupuno ng katanungan at naghahagilap ng kasagutan. Kasagutan na makakapagpaliwanag ng mundong napupuno ng ano at bakit.

Since I don't have anything to say, I just looked at the different direction avoiding his gaze. Hindi ito ang oras para ipaliwanag ang lahat. I'm sorry Mackie. Malalaman nyo din ang lahat sa takdang panahon. Pangako.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now