(14) Isabel Rickman

4.7K 134 5
                                    

Almost everyday, iniisip ko kung bakit nga ba isa ako sa napili, at the same time, hindi pa rin ako maka-get over about dun sa unknown savior ko. Pakiramdam ko, hindi ako buo hangga't hindi ko siya nakikilala.


"Good Morning Holders."

"Good Morning Ma'am."

"By the way, I want to excuse the Exceptional Learners and also you, Ms. Clarkson. Kailangan nyong pumunta sa Elders' Room, naghihintay sa inyo dun si Ma'am Magnificent and ididiscuss niya kung ano ang mga mangyayari about sa training nyo."

"Okay po Ma'am." Sabay sabay naming sagot.


Kagaya ng sinabi ni Ma'am, isa-isa kaming lumabas ng room at hinanda ang sarili sa mga maaaring malaman namin maya-maya lang.


"Aaaa."

"Hala. Sorry Isabel."

"Okay lang Raxelle."

"Pasensiya na ulit."


Ayan kasi, ayaw mong mag-ingat Raxelle. Nakabangga ka pa tuloy.


"Aa. Raxelle?"

"Bakit?"

"Saan kayo pupunta?"

"Sa Elders' Room. Kakausapin daw kami ni Ma'am Magnificent."

"Aa. Ganun ba?"

"Tabi."


Sabay kaming napatingin ni Isabel sa nagsalita. Eeeer. Kumukulo ang dugo ko.


"A-a J-jed. A-ano K-kasi..." may gusto bang sabihin si Isabel kay Jed? Ano kaya yun?

"Hindi ako kumakausap sa mahihina."


Napaka sama talaga ng ugali ng Jed na to. Hindi siya dapat ganun kay Isabel.


Oo nga pala, Siya si Isabel Rickman, Hand Tool ang tawag sa kanya. Kaya niyang iform sa kahit anong tool ang kamay niya. Sabi ng ibang holder, delikado daw kasama si Isabel, kaya naman palagi siyang mag-isa kasi natatakot sila sa kanya. Kagaya ko, malimit pahirapan dito sa Enchanted si Isabel. Tahimik lang siyang tao. Wala siyang pakelam kahit na kinakawawa na siya. Para sa akin, napakabait niya.


"Hoy. Sabi ko tabi aa."

"Tsss."

"Halika na. Naiwan na nila tayo." Sabay hila niya sa akin. Kawawa naman si Isabel. Bastos kasi tong isang to. Nagwhisper na lang ako ng sorry kay Isabel at mukha namang naintindihan naman niya yun.

"Pakibitawan naman ako." Tumingin muna siya sa kamay namin tsaka to binitawan. Gulo talaga ng takbo ng isip ng isang to.


Ilang oras din ang lumipas bago natapos ang discussion about sa training.


"Ang hirap pala ng gagawin natin sa training."

"Oo nga Mackie. Bawal palang gumamit ng kapangyarihan dun."

"Kaya nga, di ako sanay."

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon