(69) Plead

1.7K 52 5
                                    

Raxelle's P.O.V

"August kamusta? Anong nangyari? Ilang kuta ang nagawa nyo mapabagsak?" Agad kong tanong kay August na kararating lang mula sa misyon nila.
"Nakatatlo kami ngayong araw."
"Nakakailan na ba tayo?"
"Kung pagsasamahin ang bilang simula nung isang araw, nasa sampu na Raxelle."
"Ganun ba? Marami-rami na rin pala. Sige. Magpahinga muna kayo. Nakahanda na ang pagkain. Sumabay na kayo kina Jed. Kakatapos lang din nila sa training."
"Sige Raxelle. Ikaw ba?"- August
"Mamaya na ako. Hindi pa naman ako nagugutom."
"Sige. Mauna na muna ako."- August
"Sige."

Kung titingnan mo, maayos naman ang naging daloy ng plano. Hindi ko alam kung aware na ba o hindi si Guido sa ginagawa naming paunang pag-atake. Pero ang nakakapagtaka dito, kung alam na niya... bakit hindi pa siya kumikilos? Ano kayang binabalak niya? Kailangan talaga naming maging handa lalo na ngayon. Dalawang araw na rin ang lumipas mula ng sinimulan ang misyon.

"Raxelle..." Si Jed. Ano yung dala niya? Pagkain? Grabe. Ang dami naman.
"Oh Jed? Para sa yan?"
"Para sa atin. Hindi ka na naman kasi sumabay sa pagkain. Alam mo bang hindi maganda yan. Ilang araw ka ng ganyan."
"Hindi naman ako nagugutom ee. Andami naman niyan." Grabe. Punong-puno talaga yung plato niya. Lahat na ata ng pagkain na nakahain duon sa loob ay inilagay niya sa plato na to. Balak niya ba akong pasabugin.
"Sus. Tapos palagi ka pang nandito sa labas ng Arena. Pano kung may biglang sumugod sayo?"
"Edi lalabanan ko sila."
"Alam kong kaya mo yun. Pero hindi mo pa rin maaalis sa akin ang mag-alala."
"Aysus. Oo na po."
"Ano? Tara na sa loob?"
"Sige na nga. Nagutom din akong bigla dahil diyan sa dala mo. Sinong nagluto? Bakit ambango?"
"Edi ako. De joke lang. Sina Ma'am."
"Kamuntik mo na akong maloko dun aa."
"Haha sorry naman."

Naupo kami sa pinaka dulong part ng Arena at duon nilantakan ang dala niya. XD

"Oh Raxelle. Tikman mo to." Sabay subo sa akin ni Jed nung hawak niya.
"Ano yun?"
"Ewan ko. Feeling ko kasi masarap kaya ipinatikim ko sayo." Aba! Loko to aa. Pano kung ampalaya pala yun. Waaa. Ay kennat -____-

Hindi ko alam kung paano namin napataob ang isang balawbaw ng pagkain. Grabe lang. Pakiramdam ko...sasabog ang tiyan ko sa kabusugan.

"Waaa. Nasusuka ako."
"Oh? Bakit naman?"
"Andami mo kasing pinakain sa akin. Yung figure ko."
"Figure. Figure. Sa susunod nga huwag ka ng magtatanggal ng damit mo kapag magswiswimming ka. Pinagnanasahan ka nila Renz ee."
"Hala siya. Hindi kaya."
"Hindi kaya ka diyan. Akala mo lang yun. Kung hindi lang natin sila kaibigan, matagal ko ng tinusta yung mga yun."
"Alam mo...ang bad mo. Hayaan mo sila. Naaappreciate lang nila yung katawan ko. Iniingatan ko kaya to."
"Hala. Basta. Kapag ginawa mo yun, huhubarin ko rin ang damit ko at siyang isusuot ko sayo." Napaka-conservative nito. - -
"Oo na po. Oo na po. Susunod na po ako." Oww Men. Huwag nyo po sana akong putulan ng dila sa pagsisinungaling ko. Hahaha syempre hindi ko masasabi. Gusto ko ulit matry magswimming ng naka-two piece no.

Sabi ni Jed kailangan daw naming kausapin ang Elders at Officials para magpapaalam. Hindi ko naman alam kung para saan yung pagpapaalam na yun pero wala na akong nagawa dahil hinila na agad niya ako papalapit sa Elders at Officials. Minsan talaga, hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng lalaking to. Mabibigla ka na lang sa mga bagay na pinaggagagawa niya.

"Elders...Officials...payagan nyo po sana kaming pumunta ni Raxelle sa loob ng T.G." T.G? As in Taong Gutom xD Joke lang. What I mean is Training Ground? Ano namang gagawin namin dun?
"Bakit Mr. Matthews? Anong gagawin nyo sa Training Ground?" Tanong ni Elder Layla.

Biglang lumapit sa kanila si Jed at may ibinulong na nagpa-lighten up sa mukha ng Elders. Ano kaya yun? Palagi na lang siyang ganun. Ayaw niyang nalalaman ko ang mga pinaggagawa niya. Kaya ayun...nabibigla na lang ako na parang aatakihin sa puso sa kaba.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now