(54) Diadem

2.2K 74 2
                                    

Casie's P.O.V

"Teka lang Mackie."

Hinabol ko si Mackie at nung maabutan ko siya, agad kong hinawakan ang wrist niya.

"M-Mackie." Umiiyak siya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. At ang masakit para sa akin, umiiyak siya dahil sa babaeng mahal na mahal niya.
"Umalis ka na Casie. Gusto kong mapag-isa." Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha niya. Ansakit. Nasasaktan din ako dahil nakikita ko siyang nagkakaganito.
"Mackie...If you need someone to lean on, nandito lang ako." Pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at saka ngumiti. Yung ngiti niya, ang sakit makita. Pilit at punong puno ng sakit.

Pinagmamasdan ko ang paglayo ng lalaking sobrang nasasaktan ngayon. Ang paglayo ng lalaking dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Kahit mali... sinundan ko siya. Pinapanood ko siyang umiyak. Pinapanood ko siyang masaktan. Parang pinipiraso ang puso ko dahil sa nakikita ko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Wala akong magawa para pagaanin ang loob niya. Wala akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"Kung pwede lang sana na kunin ko ang kalahati ng sakit na nararamdaman mo, nagawa ko na. You don't deserve to be like this Mackie. If only I can be with you, I'll stay beside you forever."

---

Raxelle's P.O.V

Hindi ako mapakali. Ilang oras na rin ang nakakalipas buhat nung nangyari yun pero hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit ng makita kong umiiyak si Mackie dahil sa akin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa twing maiisip ko ang pangyayari yun. Pakiramdam ko, hindi ako patutulugin nito kung hindi ko maaayos ang misunderstanding sa pagitan namin ni Mackie ngayon.

Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad pauwi sa kanya-kanyang bahay. Hindi na rin bumalik si Mackie sa Infirmary. Ang sabi ni Casie, nauna na daw unalis si Mackie. Hindi rin daw niya ito nakausap dahil pinaalis siya nito.

Hawak hawak ni Jed ngayon ang kamay ko at ramdam ko na pinapagaan niya ang loob ko sa pagitan ng pagpisil-pisil dito. Tumingin lang ako sa kanya atsaka ngumiti para malaman niya na ayos lang ako.

"Nasan na kaya si Mackie ngayon? Grabe naman yung revelation kanina. Kaya pala iba yung kinikilos niya lately yun pala inlove pa din siya sayo Raxelle. Akala namin nakapag-moved on na siya nung nawala ka. Hindi pa pala."- Maddison
"Yun nga lang, huli na bago niya pa naparamdam yun. Sana lang ee maging maayos na ang lahat."- August
"He needs time. Siguro kailangan niya muna ng space para makapag-isip siya."- Lei
"Siguro nga." Nabulong ko na lang.

Tahimik lang kami nung naglalakad ng biglang umimik si Maddison.

"Wait. May naalala ako."- Maddison
"Ano naman yun Madd?"- Lei
"Yung sinabi ni Renz kanina. Yung papunta pa lang tayo sa infirmary. Yung about sa magboyfriend thingy."- Maddison
"What about it?"- Casie
"So...Si Jed at Raxelle pala yung tinutukoy mong magboyfriend na hindi pa natin alam."- Maddison
"Oo. Sila nga."- Renz
"Ee bat di mo sinabi sa amin? Bakit ang sinabi ko kami ni Lei?"- Maddison
"Ee nakakatakot si Jed. Kung sinabi ko yun baka kinatay na niya ako."- Renz
"Inang. Kaya naman pala ang sama ng tingin niya sayo kanina. Alam ko ba na pati ako natakot sa tingin niya. Kakilabot."- Maddison
"Ee pano mo nalaman na sila na?"- Lei
"Nakita ko silng magkayakap nun sa may Tree House. Balak ko na nga sanang sabihin sa inyo kaya lang, sabi ni Jed lagot daw ako sa kanya kapag nalaman nyo."- Renz
"Haay. Brutal talaga niyan."- Maddison
"Oo nga. Sadista."- Renz
"Naririnig ko kayo." Seryosong sabi ni Jed. Natigil bigla yung dalawa kaya naman napatawa na lang kami sa kanila. Mukhang natakot na naman. Hahahaay... si Mackie. Kahit anong gawin ko, pumapasok pa rin siya sa isip ko.

"Alam ko na."
"Ha?" Sabay sabay na sabi nila. Napakamot tuloy ako nun sa ulo dahil nai-voice out ko yun bagay na dapat sa isip ko lang. Kasi naman Raxelle. "Ha ha ha. Wala." Nasabi ko na lang.

Rise of the Warriorsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن