(62) Killer of her Lover - Part I

1.9K 65 2
                                    

Jed's P.O.V

Dalawang araw na ang lumipas pero nanatili pa ring tahimik si Raxelle. Palagi siyang nagkukulong sa kwarto niya. Minsan lalabas siya para sumabay sa pagkain pero hindi siya nagsasalita. Isang beses nakita ko siyang umiiyak. Nung nilapitan ko siya, wala siyang ibang sinabi kundi 'Sorry. Kasalanan ko.'

Hindi kami sanay na makita siyang ganito. Wala mang nagsasalita sa amin pero mararamdaman mo ang pag-aalala sa bawat isa.

"aiisst." Hindi ko na kaya. Gusto ko na siyang makausap. Mas nahihirapan ako dahil hindi ko man lang alam kung bakit siya nagsosorry sa akin at kung bakit siya nagkakaganito.

Ibinaba ko sa mesa ang librong kanina ko pang binabasa pero sa totoo lang, wala akong naintindihan kahit isa dahil si Raxelle ang nasa isip ko habang nagbabasa ako. Alam nyo ba yun. Nakakaparanoid na.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Mackie at pinuntahan si Yaya Felly sa may Dining. Oo. Tama kayo ng dinig. Hindi kami magkasama ni Raxelle sa kwarto. Mabuti pa noon ee, di lang kami basta magkasama, magkatabi pa kami kung matulog. Nakakainis kasi. Kung bakit ba naman dumami ang kwarto dito sa kweba. Wala tuloy akong maidahilan. Asar.

"Yaya si Raxelle po ba nasa kwarto niya?"
"Oo Jed. Kakausapin mo ba siya?"
"Opo sana. Nag-aalala na po talaga ako sa kanya. Gusto ko na po siyang makausap."
"Sige Hijo. Baka sakaling matulungan mo siya."

Gusto ko pa sanang tanungin si Yaya kung ano yung tinutukoy niya pero maigi ng magmula ito kay Raxelle. Mukhang mabigat talaga ang dinadala ni Raxelle. Ano kayang nangyari sa loob ng bilog na yun? Sigurado akong kasalanan ng lalaking yun. Ano kayang ginawa niya kay Raxelle? Nakakainis. Bakit ba kasi wala akong nagawa? Edi sana hindi nagkakaganito si Raxelle. Kasalanan ko din ee.

"Raxelle."
"Jed?" Umupo siya mula sa pagkakahiga at hinarap ako. Ang sarap talagang marinig na tinatawag niya ang pangalan ko. Pakiramdam ko, may humahaplos sa puso ko.
"Kamusta ka na?"
"Okay naman ako." Nako. Nagsinungaling pa siya. Halata namang hindi ee.
"Sakin ka pa ba naman magsisinungaling? Kilala kita Raxelle. Alam kong may problema ka."

Yumuko siya nun at napa-close fist. Medyo kinabahan ako kasi baka may nasabi akong mali at baka maya-maya, makaramdam na lang ako ng matigas na bagay na tumama sa mukha ko. Ang daldal mo kasi Jed.

"Jed..."
"Hmmm?"
"Sorry." Ayan na naman tayo sa Sorry na yan.
"Raxelle bakit ka ba nagsosorry? Ano bang nagawa mo?" Humarap siya sa akin at mapait na ngumiti.
"Because of me...peace is not possible. Kasalanan ko Jed. Kasalanan ko."
"Ano? Ee wala ka namang ginagawa aa. Sa katunayan, tinutulungan mo pa nga kaming talunin si Guido di ba?." Hinawan ko ang kamay niya para maramdaman niya ang sincerity sa mga sinasabi ko. "Raxelle isa kang Warrior at ikaw ang Superior namin. Wala kang ibang ginawa kundi ang iligtas ang mundo at subukang manaig ang kapayapaan sa lahat."
"Jed... habang nabubuhay ako, hindi natin magagawang matalo si Guido."
"Anong ibig mong sabihin?" Nagulat ako ng bigla na lang siyang umiyak. "Uy bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba ako?"

Umiling-iling siya habang umiiyak. Dahil hindi ko alam ang sasabihin, mahigpit ko siyang niyakap.

"Raxelle hayaan mo akong pasanin ang dinadala mo. Alam mo ba habang nakikita kitang nagkakaganyan, nasasaktan ako. Pakiramdam ko, pinipiraso ako.  Ipinangako ko na hindi kita hahayaang masaktan, na poprotektahan kita pero eto ka ngayon, umiiyak. Mag-isa mong nilulutas yung problema. Pakiramdam ko, hindi ko natupad yung pangako ko sayo at kay Yaya Felly. Pakiramdam ko, wala akong kwenta."
"Jed..." naramdaman ko ang pagbitaw niya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong mukha. "Huwag mong sabihin yan. Natutuwa nga ako dahil sa lahat ng pagkakataon, nandyan ka. Palagi mo akong sinusuportahan at tinutulungan. Palagi mo akong pinapangiti at pinapasaya. Jed sobrang dami mo ng nagawa para sa akin. Napakaswerte ko nga dahil akalain mo ba naman, ang Top Learner na hinahangaan ng lahat ay nainlove sa isang tulad ko."
"Raxelle ang isang katulad mo ay nag-iisa lang sa mundo. Ako ang maswerte dahil minahal ako ng isang babaeng sobrang bait. Hahayaan niyang masaktan siya huwag lang ang iba. You're so selfless Raxelle. Kaya hindi ko pagsisisihan ang araw na minahal kita. Ang araw na hinayaan ko ang puso kong angkinin ng iba."
"Jed..."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now