Chapter 4

5.1K 202 1
                                    

Maine POV

Eto ako ngayon papasok sa school at syempre nakangiti ako bawal kasi ang sad.

"Hoy babae!" Sabi ng tatlong babae na nakaharang sa daanan ko.

"Oh bakit mga bakla?" sagot ko sa kanila kaya nagsitaasan naman bigla yung mga kilay nila

"Ayy sorry hindi pala kayo mga bakla? Eh ano kayo? Clown?" tanong ko hahaha parang natatae yung itsura nila

"Anong sabi mo ?" Tanong nung nasa gitna

"Ang sabi ko kung clown ba kayo kasi ang kakapal ng make up nyo eh" nakangiting sagot ko hahaha aasarin ko lang naman tong mga to eh ang pangit pala nila maasar

"How dare you to say---"

"AAHHH san ba yung childrens party sama naman ako kasi medyo gutom na ko eh para libre pagkain" nakangisi kong sabi pinutol ko na ung sasabihin nya pa how dare you how dare you pa to sungalngalin ko to eh

"Ikaw hindi mo ba kami kila----"

"Sus ayaw mo lang akong Isama eh edi wag" sabi ko hahaha mga itsura nila epic na

"Umayos ka nga" sabi nya sabay tulak hahaha pikon na agad beastmode ON na sya.

"Sus ayoko na nga beastmode ka na eh" sabi ko sapakin ko to eh

"Layuan mo sila Richard" utos nya kaya napaisip ako... sino ba si Richard?

"Sino ba yon?" Tanong ko

"Wag ka ngang magkunwaring hindi mo sila kilala kasama mo nga sila kahapon" sabi nung nasa kanan

"Woooaahhh nagsasalita ka pala kala ko pipe ka eh." Manghang sabi ko

"Oo naman anong kala mo sakin?" Tanong nya .... Good questions

"Kala ko kasi talaga mga clown kayo eh" sagot ko ohh pustahan tayo beastmode na naman to hahaha

"Umayos ka baka gusto mong masaktan" tinignan ko naman itsura ko baka may mali eh

"Naka ayos naman na ko ah nakadamit hmmm nakasapatos naman anong hindi maayos?" Pang asar na tanong ko

"Gusto mo talagang masaktan no?" Tanong nung nasa gitna

"Ayoko" mabilis kong sagot ehh sino ba naman gustong masaktan no sagutan lang ako pero pag kinakailangan ng lumaban eh labanan na.

"Eh ayaw mo naman pala eh edi umayos ka"

"Nakaayos na nga ako kanina pa may mali ba sa suot ko?"

"GUSTO MO TALAGANG MASAKTAN NO?" Oh Ow super beastmode na

"Ayoko nga sabi eh kulit naman" simpleng sagot ko

"Damn this girl! Basta layuan mo si Alden" sus si Alden lang pala

"Sus si Alden lang pala ung sinasabi mo may pa Richard Richard ka pa" ang dami namang dak dak neto

"Nabibwiset na ko sayo ah"

"Ako ba tinatanong mo kung hindi pa ko nabibwiset sainyo" sagot ko sabay tingin sa relo. Naku po! Malalate na ko

"Aba---"

"Okay sige lalayuan ko na yun" sabi ko malalate na ko eh

"Madali ka naman palang kausap eh pag nakita ka pa naming dumidikit sa kanya hindi mo alam ang gagawin namin sayo" echos to baka matakot ako sakanila wews

"Edi sabihin nyo na kung anong gagawin nyo sakin para alam ko na" hahaha beastmode na naman kaso late na ko kailangan ng tapusin to

"Sige alis na ko babye" sabay takbo papuntang room.

Pagpasok ko sa room nandon na yung prof. Bwiset kasi ung mga clown na yun eh pero okay lang nag enjoy naman akong asarin sila

"Maam sorry po nalate ako kasi may mga clown po kong nakasalubong eh" dahilan ko

"Clown?" Nagtataka nyang tanong

"Opo tinatanong ko nga po kung san ung party eh makikikain sana ako" sabi ko habang pumupunta kung san nakaupo si Valeen

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong nya tsk may pagka engot din pala ung mga teacher

"Wala po" sagot ko na lang.... sakto namang andito na ko sa upuan ko

"Anyari sayo?" Bulong ni Valeen sakin

"May tatlong babaeng clown na humarang sakin kanina" bulong na sagot ko rin

"Ahh baka sila Nathalie" sabi nya

Inpernes name palang pang demonyita na ahh

"Ahh baka nga sila"

"Ano sabi sayo?" Tanong nya

"Edi layuan ko daw yung Alden" simpleng sagot ko habang kunwari nakikinig ako sa teacher sa harapan... sus alam ko na ung tinuturo nya math lang eh kung english yan nga nga ko

"Sabi na nga eh sinaktan ka ba?"

"Hindi ah! Asa naman! Pikon nga yung mga yon eh "

"Pano mo naman nasabi?"

"Wala naman inasar ko lang kanina beastmode agad" kwento ko dito

"Hahaha pa keme lang dito yan sa school eh" natatawang sabi niya

"Oh--"

"Miss Montenegro and Miss Mendoza are you listening?" Tanong ng prof samin. Ano ba yan! Istorbo kitang nagkukwentuhan eh

"Yes" sabay nasagot namin ni Valeen

"Okay kung nakikinig kayo sagutan nyo tong nasa board" utos nung Prof.

basic tsk tsk

"Okay" sagot namin sabay tayo

"Baby Val gusto mo ako na lang yung sasagot sayo baka mapagalitan ka pa eh" sabi ni Jerald kay Valeen

"No thanks atsaka pag ikaw ung nandon at magsasagot siguradong mali" sagot nya kay Jerald sabay irap

"Okay baby chicheer nalang namin kayo" naglakad na lang kami ni Val papuntang harap

"GO BABY VAL!"malakas na sigaw ni Jerald sinamaan naman sya ng tingin ni Valeen

"GO MAINE" napatingin naman ako dun sa sumigaw hahaha

si Sam lang pala may typewriting pa silang hawak tapos may nakasulat na Go baby Val ung kay Jerald tapos Go maine naman kay Sam mga abnormal talaga eh.

___________________________________

Vote and comment!

Thank you!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now