Chapter 38

4K 157 1
                                    

Maine POV

Pagmulat ko ng mata muka agad ni Alden ang nakita ko .... asowss ang gwapo ng boyfriend ko! Hinalikan ko siya sa noo at tumayo para pumunta ng banyo nakita ko naman na natutulog pa sila Nadz

"Ang aga kong nagising ahh" sabi ko sa sarili ko nung nakita ko yung oras 7:30

Naghilamos lang ako at nagsipilyo at lumabas na.

"Morning" antok na sabi ni Nadz

"Morning" sagot ko at deretso ulit sa kama

"Oyy James gising na" sabi ni Nadz

"Bat mo ginigising? Maaga pa naman" sabi ko kay Nadz

"Eh may gagawin kami eh" nakangising sabi ni Nadz

Alam ko na yan!!

"Gusto mong sumali?" Tanong niya

"Ayoko" sagot ko at higa ulit

Nakita ko naman na bumangon na sila at lumabas sa kwarto!! Alam ko na yung trip ng dalawang yan pupunta yan sa kabilang kwarto tapos mantitrip kundi manunulat ng pentel sa muka mambubulabog yang dalawang yan .... bagay sila! Mahilig mantrip!

"Good morning" sabi ko nung nakitang dumilat na si Alden

"Good morning Girlfriend" antok na sagot niya at siksik sa leeg ko

"Tayo na! Mag ayos ka na! Baba na tayo kakain na" tapik ko sa kanya

"Hmmm... 5 minutes" antok na antok na sabi niya .... pinaglaruan ko na lang yung buhok niya

"5 minutes is over! Wake up na" sabi ko

"Hmmmm"

"Gutom na ko" nakangusong sabi ko

"Eto na nga po oh tatayo na" sabi niya at punta sa banyo

Hahaha di ako matitiis nyan pag sinabi kong gutom na bibili na yan

"HAHAHAHA" malalakas na tawa agad ang nadinig namin pagkalabas ng kwarto kaya dali dali kami pumasok sa kabilang kwarto

"Hahahaha" hagalpak na tawa ko pagkakita ko kila Sam

Eh pano sila Jake,Sam at Jerald may sulat ng pentel yung muka hahaha muka silang panda itim na itim talaga hahaha mga girls lang ang walang drawings

"Anong nilaro nyo kagabi pre?" Pang asar na tanong ni Alden

"Gago " sagot ng boys

"Sila James?" Tanong ni Jake ... alam nya na agad kung sino yung may gawa nyan hahaha ginawa na sa kanya dati yan eh

"Aba! Ewan!" Kibit balikat kong sagot

"Bumaba na kayo pagtapos nyong mag ayos ah hahaha" tumatawang sabi ko at bumaba na nakasunod lang naman sakin si Alden

Pagkapasok namin sa kusina sila James at Nadz agad ang bumungad samin na prenteng prenteng naka upo at kumakain

"Bahay nyo?" Tanong ko at upo para kumain

"Hindi!! Sige kain na kayo" utos nila

"Si Mommy?" Tanong ko nung napansin kong wala pa sila Dad

"Tulog pa ata Nico! Pero yung mga parents namin umuwi na kaninang pang umaga" sabi ni Nadz habang kumakain

Pagkadating nila Jake deretso agad sila kay James at binatukan

"Leche ka! Ang hirap tanggaling nung pentel" pikon na sabi nila

"Pagtapos nyong kumain magsi alis na kayo dito sa bahay ang daming pakalat kalat eh" sabi ko

"Talagang aalis na ko dito.. ayoko ng katabi si Sam" napangisi naman ako sa sabat ni Patring

"So... magkatabi kayo kagabi? Kala ko ayaw mo?" Pang asar na tanong ko

"H-hindi.... ay shet... napilitan lang ako kasi wala akong tutulugan" dahilan ni Patring

"Napilitan daw... eh kung makayakap kala mo mawawala ako" bulong ni Sam

"Ano sabi mo?" Tanong ni Pat

"Wala po" sagot ni Sam

"May pasok na ulit bukas! Agahan nyo pasok ahh" singit ni Bea

Aba! Anong nakain neto? Bat aga papasok?

"Babe! May sakit ka ba? Bat maaga papasok?" Tanong ni Jake habang chinicheck si Bea

"Tanga! Wala! Trip ko lang bakit" malokong sabi ni Bea

"Oo nga... agahan nyo pasok... yung mga late dyan ah" natatawang sabi ko

"Sino kaya etong laging late?" Parinig ni Val

"Oo nga at magbubunganga dun sa eskwelahan" sabi naman ni Nadz

"Oo nga no! Sino kaya yon? Ikaw ba yon Alden?" Patay malisya kong sabi kahit alam kong ako yung pinariringgan nila hahaha
____________________________________

Alden POV

Pagkatapos din naming kumain nagsi uwi din kami magkikita naman kami ni Maine eh pupunta sya dito sa bahay ngayon kasi nag aya sya ng movie marathon ... tsss movie marathon daw pero tutulugan naman niya di na lang niya sinabi na makikitulog sya

"Oh RJ aalis ka ba?" Tanong ni Dad

"Hindi po! Dadating si Maine" sagot ko

"Ah okay... Hi mo na lang ako sakanya.. sige alis lang ako" sabi ni Dad at labas ng Bahay

Maya maya rin eto na si Maine

*Ding dong* * Ding dong*

Pagka bukas ko ng pinto dere deretso sya akyat sa kwarto ko.. Oh sabi ko naman sa inyo kung feel at home ako sa kanila mas feel at home to. Nakapang bahay lang at tsinelas ang suot niya

Pagkapasok ko sa kwarto naabutan ko syang nakaupo  na sa kama habang kumakain nung nasa garapon... ano yon? Lupa?

"Girlfriend ano na naman yang kinakain mo? Lupa? Buhangin?" Tanong ko at upo sa tabi niya

"Anong lupa? Buhangin? Oh tikman mo! Mik mik yan" sabi niya subo sakin nung mik mik daw!

"Oh ano? Masarap?" tanong niya tumango naman ako.. masarap naman!

"Anong papanoodin natin?" Tanong niya... tignan mo to makatanong ng papanoodin kala mo naman manonood eh tutulugan lang naman niya yan pero okay lang naman kung matulog sya sa kama ko ng magdamag basta lagi ko siyang nakikita

"Eto na lang" sabi ko at salang ng CD sabay higa

Pagka ubos ni Maine ng Mik mik niya tumabi na din sya sakin at umunan sa braso....

Maya maya lang naramdaman ko na malalim na syang huminga hudyat na tulog na sya

"Kala ko ba manonood ka?" Para akong tanga na kinaka usap ko yung tulog

Tumayo ako kasi pinatay ko yung pinapanood namin inayos ko na rin yung pagkakahiga niya

"Malapit na pala monthsary natin no? Ano kayang magandang gawin? Surprise? Date? Eh kung mamasyal na lang kaya tayo?" Daldal lang ako ng daldal dito habang yung kausap ko tulog na tulog

"Sleepwell Girlfriend! I love you .... so much" sabi ko at hinalikan sya sa noo, ilong at labi

Maya maya rin eh nakaramdam na din ako ng antok kaya nakatulog na rin ako.
____________________________________

Salamat kung may nagbabasa man hahaha

Vote and Comment!

Aldub you all!!!! ;) :* <3

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now