Chapter 15

4.9K 190 2
                                    

Maine POV

Pagpasok namin sa bahay sinalubong agad kami ng mga maid

"Good evening Miss Maine and Sir." Sabi niya kaya inabot ko naman yung bear ko

"Good evening! Sila Daddy?"

"Nandon po sa kwarto nila"

"Ahhh pakisabi nandito na ko"
Sabi ko sabay tingin kay Richard na hindi malaman ang itsura kung natatae ba o ano! 

"Are you okay?" Tanong ko

"Yes naman po future girlfriend medyo kinakabahan lang"

"Ahh ---"

"Menggay" tawag ni Mommy

"Hi Mom Dad good evening" sabi ko sa kanila at hinalikan sila sa pisnge

"Sino yan? " tanong ni Daddy

Napatingin naman ako kay Richard na hindi alam kung tatawa ba o ano!

"Good evening Maam Sir" nakangiting bati ni Richard

"Alden Richard Faulkerson po" dagdag nya at nakipag kamay sa parents ko

"Bat ka nandito?" Nagsusungit na sabi ni Daddy

"Ahhhmm-.... Ano po...ahh"

"Manliligaw ko Dad" mabilis na sabi ko ang tagal ni Richard eh

"Ahh yes po magpapa alam na rin po sana ako kung pede ko pong ligawan yung anak nyo"

"Ayoko"

___________________________________

Alden POV

"Ayoko" sabi ng Mommy niya.

Shet pano na to?

"Mom" sabi ni Maine

"Ayoko. Ayokong tumanggi hahahaha" napatingin naman ako sa nanay niya na nakangiti na sakin kaya awkward na ngumiti din ako sa kanya.

Alam ko na kung san nagmana si Maine.

"Maam --"

"Tita nalang o kaya mommy na hahaha" nakakalokong sabi niya

"Ma" sabi na naman ni
Maine napatawa naman ako

"Hmmm tita thank you po pumayag kayo" nakangiting sabi ko

"No prob" cool na sagot nya

"Ahh Sir?" Tawag ko sa tatay niya nakunot pa rin kasi ung noo neto eh

"Ano Dad payag ka ba?" Naiinip na sabi ni Maine

"Pero baby--"

"Hindi na sabi ako baby eh" nagpapa padyak na sabi ni Maine

"Pumayag ka na wag ka na umarte dyan" sabi ni tita

"Teka mag intay nga kayo pag untugin ko kayong mag ina eh" sabi naman ni tito.

Binatukan naman siya ni tita ...ang astig ng pamilyang to!

"Oo payag na pero wag mong sasaktan yung baby ko ah" sabi niya at nakipag kamay sakin

"Oo naman po" nakangiting sabi ko.

Yessss!!!! Payag na sila! Wooooohhh! Gusto kong sumayaw sa saya ko pero nahihiya ako nasa ibang bahay ako eh.

"Tara! Kain na nagugutom na ko" sabi ni Maine

"Wag kang tatanggi bawal tanggihan yung pagkain" sabi pa ni Maine sakin

"Oo hindi naman tatanggi eh"
Sabi ko at hinila niya ako
papuntang kitchen nila.

Masaya tong pamilya na to kala mo mag babarkada lang sila. Ang gulo din nila habang kumakain.

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now