Chapter 33

4.2K 151 1
                                    

Maine POV

"Ano bang nangyari Girls?" Sabi ni Ninang Mic

Nandito kami ngayon sa Office eh dito kami dinala ni Sir Lason

"Sino ba ang nauna?" Nagtanong ulit si Ninang nung walang sumagot

"Maine?" Baling sakin ni Ninang

"Ninang! Hindi po kami ang nauna" sagot ko agad

"Louise?" Baling ni Ninang kay Louisa

"Hindi po kami ang nauna siya po" sabi ni Louisa sabay turo kay Nadz

Ayy Shit oo nga pala nauna si Nadz kanina! Nasira ang Plan A. Plan B naman.

"Hindi po pinagtanggol lang po ko ni Nadine" mabait na sabi ko tinignan ko naman tong si Nadz parang wala lang sa kanya tinitignan niya lang yung kuko niya!

"Sige na Louise mauna na kayo" biglang sabi ni Ninang

Asus! Napangisi naman si Louisa bukas ka samin!

"Maine walang pang dalawang buwan may record ka na agad anak ka talaga ng teteng oh" sabi ni Ninang paglabas nila Louisa

"Ninang----"

"Tae ka Maine wag mo kong tawaging Ninang sayang naman tong outfit kong pang Principal" pairap na sabi niya

Ito pinaka close kong Ninang eh bestfriend kasi sila ni Mommy!

"Okay! Maam! Ano pong gagawin namin?" Sabi ko

"Wala! Ilista nyo na lang yung pangalan nyo dito! Tapos lumayas na kayo! Nakakaloka kayo" sabi niya

Naglista naman agad kami! Sanay na ko dito! Lagi pa ba namang nasa Office sa dati kong school eh!

"Bye! Ninang!" Sabi ko sabay labas ng Office ng nakangiti

Natanaw naman namin agad sila Alden na naghihintay sa labas!

"Oh anong nangyari?" Tanong agad ni Alden pagkalapit namin

"Wala naman!" Simpleng sagot ko

"Ano parusa nyo?" Tanong ni Pat

"Parusa? Wala! pinalista lang pangalan namin" sagot ni Val

"Ayy ang babaw dapat pala mas grabe yung ginawa nyo kila Louisa para may parusa kayo" sabat ni James

"Bakit gusto mo ba kami maparusahan?" Tanong ni Nadz

"Hindi! Para kung suspended kayo ng one week aabsent din kami! Oh di ba wala tayong pasok" masayang sabi ni Jake

Mga baliw talaga to! Pero may Point sya ah!

"Ayy oo nga no .... sayang... next time na lang" nanghihinayang na sabi ni Bea

"Tara punta tayo Mall" suggest ni Jake

"Tara" sabay sabay na sabi namin

Pagdating namin sa mall pumunta agad kami sa Mcdo syempre pinagtitinginan kami kasi ang haba ng mesa namin tapos ang dami pang pagkain at syempre puro magaganda at gwapo hahaha

"Oh ano? Hanggang ngayon hindi nyo pa rin nasasagot yung tanong ko nagkarambol na at na Office na kami" inis kong sabi

"Easy ka lang kasi Nico" asar ni James

"Oo nga Atat ka eh" dagdag ni Jake

"Che! Ano nga? Nagpalipat kayo o nakick out din?" Tanong ko

"Nakick out din gaya sayo" simpleng sagot ni Nadz
____________________________________

Alden POV

"Nakick out din gaya sayo" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Nadine

Nakick out? Si Maine?

"Ha? Anong Kick out?" Tanong ni Val

"Ikaw Maine?" Tanong din ni Pat

"Oo" simpleng sagot ni Maine habang kumakain

"Bakit?" Takang tanong ni Sam

"Eh nakick out eh" sagot ni Maine

"Bakit nga?" Tanong naman ni Jerald

"Naparambol" sagot ni Bea

"Bakit?" Tanong ko

"Oo nga pala! Hindi pa ko nakakaganti don ah! Nasan na yon?" Tanong bigla ni Maine

"Nakaganti ka na wag kang mag alala" simpleng sagot ni Nadine

"Ha?" Takang tanong ni Maine

"Kaya kami nakick out dahil ginanti ka namin" nakangising sagot ni James

"Oh? Hahaha buti naman" masayang sabi ni Maine

"Atsaka nakaganti ka naman kay Yumi" simpleng sabi ni Jake

"Ha? Teka nga hindi ko magets" sabi ni Sam

"Kasi nga sa dati namin school may kaaway kami dun na isang grupo" sabi ni Bea

"Laging ramble yon sa school! Syempre lagi kaming nasa office at pinapagalitan" nakikinig lang naman ako sa sinabi ni Nadine

"Tapos isang gabi mag isa lang umuwi si Nico sa kanila hindi namin nasamahan dahil may ginawa din kami!" Sabi naman ni James

"Eh inabangan pala si Maine don sa may dadaanan niya kaya ayon nabugbog" dagdag ni Jake

"Eh bakit si Maine yung na kick out?" Inis kong tanong

"Eh kasi nga Boyfriend ako yung nauna non" kumakaing sagot ni Maine

"Eh bat kasi ikaw ang nauna?" Tanong naman ni Val

"Syempre! Mga lima sila kahit anong galing mong makipaglaban kung madami sila bali wala rin! Kaya nauna na kong sumugod pinatumba ko muna yung leader nila na si Yumi bago nila ako napatumba atleast nakaganti ako sa leader no" mahabang paliwanag ni Maine

Tangna pagnakita ko yung grupo na yon maka isang sapak lang talaga! Kahit babae yon nako!

"Oh anyare pagtapos?" Alam kong nakikitsismis lang tong si Sam eh

"Edi dinala si Nico at si Yumi sa ospital" simpleng sagot ni Nadine

"Tapos pagpasok ni Meng napag alaman na nag away sa labas ng school kaya nakick out sila" kwento naman ni Bea

"Tapos ginawa namin ginantihan namin sila para makaganti si Nico kahit papano" nakangising sabi ni James

"Oh? Bat pati kayo nakick out?" Tanong ni Jerald

"Syempre! Dahil gusto naming sundan si Meng sinumbong namin yung sarili namin na nakipag away kami sa labas" masayang sabi ni Jake

"Ahhh natouch ako " biglang sabi ni Meng

Kakaiba tong magkakaibigan na to

"Buti natapos nyo muna yung 3rd year college nyo dun bago kayo napa alis" sabi ni Pat

"Hindi namin natapos no" sagot ni Bea

"Ginawan lang ng paraan ng mga magulang namin" dagdag ni Nadz

Tumango tango naman kami!

"Buti girlfriend di ka pinagalitan nila Tito" sabi ko

"Nako! Hindi nga ako pinalabas ng bahay nung bakasyon eh! Tapos dun pa ko sa school namin inenroll kahit ayoko" busangot na sagot niya

"Oo nga ang daya mo sabi mo dun tayo sa NCC papasok kaya nagenroll na kami dun" inis na sabi ni Bea

"Tapos kakana ka na dun ka sa school nyo" sabi naman ni Jake

"Ang arte nyo! Bat di na agad kayo lumipat dito nagstay pa kayo dun ng one month" sagot ni Maine

"Wala lang! Pinagtripan muna namin yung school na yon bago kami lumipat dito" nakangising sabi ni James

Pinapangako ko na wala ng makakasakit kay Meng kahit kailan!

____________________________________

Vote and comment

Thanks po hahaha

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now