Chapter 6

5.1K 193 5
                                    

Alden POV

"AAAAAAHHHHHHH" sigaw ko sa sobrang inis

"Matulog ka na! Anong oras na oh may pasok ka pa" sabi ko sa sarili ko at sinubukan ko ulit matulog pero failed .shit its already 3 AM ...7 pasok ko

"Damn you Maine dahil sayo hindi ako makatulog" bwiset na Maine yan dahil sa lecheng kiss na yan hindi ako makatulog Lintek! Ano bang meron dun eh hindi naman yun ang first kiss ko.

"Makareact ka Alden kala mo sa labi ka hinalikan sa pisngi lang naman yon" Fuck ngayon naman kinakausap mo na yung sarili mo puchat nababaliw na ko with gulo pa ng buhok yan

Bandang huli hindi na ko natulog naka tulala lang ako sa kisame

***KKKRRRIINNGG***

Pucha tumunog na yung alarm ko hindi pa ko nakakatulog.

No choice ako kundi maligo na
5 Am na eh.

Habang nasa kotse ako nakita ko si Maine na pasakay sa Jeep sa dulo sya umupo kaya kitang kita ko sya. Muka syang tanga! Naka earphone pa habang kumakanta hata? Tangna wag mong sabihin hindi ako nakatulog dahil dyan sa baliw na yan?

Hindi ko na lang pinansin at pinaharurot ko na lang yung kotse at nauna na sa kanya.

Pumasok ako sa room ng naka shades.

"Oh pre may sore eyes ka?" Parang tangang tanong ni Sam

"Gago wala" sagot ko

"Eh bat ka naka shades?" Kulit nya

"Wala lang" sagot ko sabay tanggal ng shades

"Anak ng, naka shabu ka ba?" Tarantadong Sam to ginawa pa kong adik

"Gago hindi" inis kong sagot

"Eh bat ganyan mata mo namumula atsaka yung eyebags ang lalim ah"

"Tanga! Puyat lang" sagot ko

"Eh bat di ka nakatulog?" Tanong niya

"Eh kasi----"

"GOOD MORNING CLASSMATES!" pasigaw at masayang bati ni Maine nasa likod naman nya sila Val,Jerald at Patring

"Ah alam ko na dahil ba dun sa kiss ni Maine?" bulong sakin ni Sam

"Gago hindi. Asa ka naman" mabilis kong sagot sabay batok sa kanya

"Ahhh okay" nakakalokong sagot nya

"Hindi nga" pamimilit ko sa kanya

"Ohh defensive ahh sabing okay na nga eh" nakangising sagot nya
"Oh Alden bakit tatlo yung bag mo?" Nagtaka naman ang lahat sa tanong ni Maine. Ehh isa lang naman ung bag ko eh

"H-huh?" Tangna ka Alden bat ka nauutal sa harap nila... Niya

"Oh bat ka nauutal Alden? kinakabahan?" Pang asar na bulong ni Sam

"Ha? Hindi ah gago parang tanga kasi yung tanong ni Maine" sagot ko habang nakaharap kay Sam

"Anong sinasabi mong tatlo yung bag....." nagulat ako dahil pag harap ko ang lapit ng muka ko sa muka ni Maine

"K-ko?" Pagpapatuloy ko nakatingin lang sya sa mata ko shit! ako naman pinagpapawisan
dito.

"Tatlo naman talaga ahh. One yung bag mo" sabay turo sa bag ko

"O-oh asan yung dalawa pa?" Damn. wag kang mautal sa harap niya

"Two and Three" sabi nya habang hawak nya yung ilalim ng mata ko

"Ito oh ung dalawa mong eyeBAGS" nakakaloko nyang sabi sabay upo sa tabi ko

"Hahahahaha" nagtawanan naman yung mga barkada. Leche

"Hahaha" huling tawa ni Sam tangnang to slow talaga. Nagulat ako ng may nagpunas sa pawis ko .....si Sam lang pala.

"Hindi pala kinakabahan ahh" nakangising sabi nya. Tinapik ko naman yung kamay nya at ako na yung nagpunas sa sarili ko.

"Hindi nga" inis kong sagot.

"Oh Maine bat umuwi ka kahapon?" Tanong ni Sam

"Eh kasi gutom na ko ayoko dito kumain may istorbo eh" sagot niya ng nakangiti. Ang ganda niya kapag nakasmile. Fuck ano ba tong sinasabi ko?

"Hoy. Hoy. Alden" kalabit sakin ni Maine

"B-bakit?" Punyeta talaga bat ka ba nauutal?

"Mag present ka tawag ka na ni Ma'am" sabi ni Maine

"Present" sigaw ko

"HAHAHA" nagtawanan naman ang lahat lalo na sina Maine. Shit.

"Mr. Faulkerson bat ka nag pepresent?" Tanong ng prof.
Engot ka Alden nagpauto ka sa kanya

"Wa-wala po" nahihiya kong sagot.

"Sorry" sabi ni Maine habang naka peace sign.

"Hahaha" tawa pa rin ng tawa tong si Sam

"Tawa pa" sabi ko kay Sam bwiset napahiya na nga ko tumatawa pa kaibigan ko ba to?

"Pre uto uto ka na pala hahaha naisahan ka ni Maine ah"
nakakalokong sabi ni Sam

"Fuck you"

"Uto uto hahaha" asar ni Jerald pati to nakikisama pa

"Guys wag nyo namang asarin si Alden.... bwisiten lang natin hahahaha" sabi ni Maine

___________________________________

Maine POV

Nandito na kami ngayon sa Canteen. Kumakain ako ng spaghetti atsaka zesto choco.

"Maine san bahay mo?" Tanong ni Patring

"Dyan lang malapit lang isang sakay lang ng jeep" sabi ko habang kumakain ng spaghetti

"Sama ka samin mamaya ah" sabi ni Val

"Saan kayo pupunta baby?" Tanong ni Jerald

"Wala ka na don. Girls only!" sagot agad ni Patring

"Ikaw na pala yung baby ni Jerald... makasagot kala mo sya yung tinatanong eh" sabi ni Sam

"Hanggang dito lang usapan oh dito lang oh dito lang!" Sabi ni Patring habang naghahati pa kung hanggang saan

"May pupuntahan lang kami" sabi ni Val

"Saan nga?" Pamimilit ni Jerald

"Oo nga saan ba tayo pupunta?" tanong ko tangna o oo ako hindi ko alam kung san pupunta malay mo pakamatay tong dalawa dadamay pa ko.

"Basta" pinandilatan ako ng mata ni Val

"Okay! Okay! Sasama na" sabi ko habang tumatango.

Saan naman kaya kami pupunta? Sana wag muna sa hell gusto ko pang mabuhay para magkaboyfriend hahahaha the best talaga yung reason ko.

___________________________________

Vote and comment!

Salamat!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now