Chapter 47

3.8K 122 0
                                    

Alden POV

"Sir eto na po yung pipirmahan nyo" nagpapacute na sabi ng secretary dito.... tsss ang boring talaga dito puro pirma dito pirma don kaasar dapat sinabi ni Dad na eto lang trabaho ko edi sana don na lang ako sa office ni Maine para nakikita ko pa sya... dalawang araw ko na syang hindi nakikita hayss! I miss her! katamad dito! Pagka uwi kasi namin galing boracay nagwork na agad kami pero nagtatawagan at nagtetext kami lagi pero hindi pa nagkikita! I miss Maine so much!

"Here" sabi ko pagkatapos kong pirmahan yon!

"What?" Tanong ko nung hindi pa umaalis tong babaeng to sa office ko

"Sir you want coffee or me?" Maharot na sabi nya at halos makita na yung cleavage nya dahil bukas yung dalawang butones ng blouse nya! Tssss! dont get me wrong ah! Kasi magmula ng dumating ako dito puro pagpapacute at pagpapansin ang ginagawa ng mga babae dito! Kala mo naman kagaganda eh wala pa sa kuko ng paa ni Maine yan eh!

"Wala na akong kailangan pwede ka ng umalis" pagtataboy ko dito... ni hindi ko nga alam pangalan neto eh wala naman akong balak alamin kung sino man sya!

"Okay! Call me if you need me ayy ow sorry call me if you need something pala " maarteng sabi niya at lumabas na ng office ko!

*KKRRINNNG---*

"Hello girlfriend" wala pang dalawang ring sinagot ko na agad yung tawag nya hahahaha miss ko na talaga sya eh

"Hi! .... Tara kain tayo" aya nya... bigla naman nagliwanag yung muka ko hahaha makikita ko na sya sa wakas! kasi puro sya work kaya hindi kami nagkikita nung tinanong ko naman kung bakit ganun eh ang sagot niya lang eh 'Nagmamagaling ako ngayon sa office eh hahaha nagpapakitang gilas dahil kakasimula ko pa lang' pumayag naman ako dahil trip nya yon eh!

"Sige! Wait mo ko sunduin kita dyan" nagmamadaling sabi ko

"Hindi wag na! Papunta na ko dyan ngayon eh wait mo na lang ako sa labas" sabi niya

"Okay! Take care! See you! I love you" sagot ko

"See you! I love you too" sabi niya at binaba na yung tawag

"Sabing papasukin mo ko eh" dinig kong sabi sa labas ng office

"Hindi nga pwede dahil wala ka namang appointment kay Sir" dinig kong sabi nung secretary

Ano meron?

"Oww sir! Do you need me na?" Maarteng sabi nung secretary pagkalabas ko

"Hindi at kahit kailan hindi kita kailangan! " sabi ko

"Hi Alden!" sabi ni Mayu? Bat nandito to?

"Bat ka nandito?" Naka kunot noong tanong ko

"Wala lang! Dinalaw lang kita! Nga pala tanggalin mo na tong secretary mo ayaw akong papasukin kanina" inis na sabi nya

"Tsk" pairap na sabi nung secretary

Ano bang nangyayari sa kanila? Maka akto to daig pa girlfriend ko! Pagnakita pa to ni Maine baka pag untugin pa tong dalawang to eh!

"Hey Miss?" Baling ko sa secretary

"Miss Claire na lang sir" nakangiting sabi niya

"Sabihin mo kay Dad aalis ako ngayon" utos ko sa kanya kaya sumunod naman sya agad.... aalis na ko baka nandon na yung girlfriend ko no

"Wait! Alden san ka punta?" Pigil sakin ni Mayu

"Wala ka na don" inis kong sabi
Ang dami kasing mga daldal neto eh baka nag aantay na don si Maine

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now