Chapter 82

4K 136 1
                                    

Maine POV

Lumipas na ang isang linggo hindi pa rin nagigising si Alden kaya halos dito na ko tumira sa ospital para bantayan sya at maalagaan sya kasi gusto ko ako ang una nyang makita pagdilat ng mga mata nya!

"Hello? Okay lang ba yung kambal?" Tanong ko kay Sab habang nasa telepono... sya kasi muna ang nagbabantay sa kambal pero minsan dumadalaw naman sila dito

"Oo! Okay lang sila! Kausapin mo ba? Chase Nanay oh" sabi ni Sab

"Nanay" dinig kong boses ni Chase

"Kumain na ba kayo baby?" Tanong ko dito

"Yes po Nanay! Ikaw po? Kumain na?" Balik na tanong nya

"Oo naman kumain na si Nanay! Si Chasel nasan?" Tanong ko dito

"Chasel! Nanay wants to talk to you" dinig kong sabi ni Chase pero medyo matagal bago may nagsalita

"Nay si Chasel na po yan" sabi ni Chase

"Hi Baby! Are you okay? I miss you" masiglang sabi ko pero wala akong nadinig na sagot... kasi magmula nung nangyari yon.. natrauma hata si Chasel kaya nagbago na sya.. hindi na sya madaldal katulad ng dati... hindi na sya nagsasalita laging iling lang at tango ang sagot nya..minsan naman bigla na lang syang iiyak at kung minsan eh natatakot sya pagmay ibang tao syang nakikita lalo na paglalaki!

"Menggay" tawag ni Sab .. siguro kinuha nya na kay Chasel yung cellphone

"Ganon pa rin ba si Chasel?" Tanong ko dito... hindi ko pa kasi sya masyadong maasikaso kasi binabantayan ko din si Alden dito sa ospital

"Ganun pa rin eh! Kanina nga umiiyak na naman eh tapos tinatawag yung Daddy nya" kwento ni Sab kaya napabuntong hininga ako

"Ahh ganon ba? Pagnagising na si Alden dadalhin namin sya sa Doctor" sabi ko

"Sige Sab salamat sa pagbantay sa kanila ahh! Pakisabi rin sa kambal na malapit na rin kaming umuwi" dagdag ko dito

"Naman basta ikaw! Sige! Ingat dyan" sabi niya kaya binaba ko na yung tawag

"Alden gumising ka na oh! Isang linggo ka ng tulog dyan siguro naman sapat na yon para sa pahinga mo? Pero kabog ka ha yung pahinga mo isang linggo samantalang ako oras lang yung pahinga ko! Ang daya mo naman eh sabi mo babawi ka sakin? Sabi mo ikaw naman yung mag aalaga sa kambal ngayon kasi ako na yung nag alaga nung baby pa sila? Bat ka natutulog dyan? Pano mo sila aalagaan kung natutulog ka dyan? Gumising ka na! Kaasar ka naman eh!" Nakangiti pang sabi ko pero maya maya lang eh naiiyak na ko

"A-alam mo ba? S-si C-chasel hindi na sya nagsasalita l-laging D-daddy lang yung s-sinasabi nya! S-siguro namimiss ka na nya k-kaya gumising ka na d-dyan may sakit si C-chasel pagamot na muna natin b-bago ka ulit m-matulog ha? G-gising na! P-puyat na ko l-lagi oh! A-alden n-namimiss ka na namin! Namimiss na kita... y-yung boses... mo k-kaya bumangon ka na dyan! P-promise pagnagising ka na n-ngayon ako pa m-mag aaya sayo na m-magpakasal na t-tayo" umiiyak na sabi ko

"T-talaga b-ba?" Napa angat naman agad ako ng ulo ng madinig ko yung boses na yon

"Waaaaahhhh Alden" iyak tawang sabi ko at umakap pa sa kanya

Si Alden gising na!

"A-aray! A-ang s-sakit" mahinang sabi niya

"O-ooppss s-sorry may sugat ka nga pala dyan" parang tangang sabi ko habang nagpupunas ng luha

"Bat ka umiiyak?" Tanong nya kung wala lang tong sugat sinapok ko na to eh

"B-bwiset ka k-kasi eh" umiiyak na naman na sabi ko

"Bakit ako?" Nakangiting tanong nya

"P-puyat na kasi ako a-ang tagal m-mong gumising dyan h-hindi pa tuloy tayo m-maka uwi ng bahay! I-isang linggo na tayong n-nandito namimiss ko na yung u-unan ko!" Parang tanga na namang sabi ko pero tumawa lang sya

"T-tumawa ka pa dyan" dabog ko dito

"Ang cute mo pala pagpuyat" nakangiting sabi niya pero maya maya eh naging seryoso na sya

""Si Chasel okay lang ba sya? May sugat ba sya?" Lalo kong ngumawa sa tanong nya

"S-si C-chasel may sakit sya A-alden hindi na sya n-nagsasalita D-daddy na lang hata yung a-alam nyang word" parang batang umiiyak na sabi ko

"Ssshhhh dadalhin natin sya sa Doctor baka natrauma lang sya" pag aalo nya sakin

"Aayy teka lang tawagin ko daw nga pala yung Doctor pagnagising ka na" nagmamadaling sabi ko

Thanks God! Gising na sya!

____________________________________

Alden POV

"Okay na sya! Pwede na syang lumabas kahit mamaya" nakangiting sabi ng doctor

"Ayy ganun po ba? Sige lalabas na po sya agad mamaya" malokong sabi ni Meng at hinatid pa yung Doctor sa labas

Ano kayang nangyari? Nakulong kaya si Prince? Namatay ba?

"Ano iniisip mo?" Biglang tanong ni Meng

"Anong nangyari kay Prince?" Balik na Tanong ko

"Ayon! Nabulok na sa kulungan muntik na nga sa libingan eh ayaw kasing tigilan nila James" kwento nya habang hinahanda yung pagkain ko

"Ahhh mabuti naman!" Seryosong sabi ko

Dapat talaga mabulok sya don kundi papatayin ko na lang sya baka saktan nya na naman yung mag iina ko

"Serious naman masyado! Oh kain na para maka uwi na agad tayo mamaya! Masusurprise sigurado sila Chase" excited na sabi niya at sinubuan ako

"Anong nangyari nung tulog ako ng isang linggo?" Tanong ko

"Wala! Tulog ka lang samantalang ako puyat! Papalitan lang ako ni Kenneth o kaya yung barkada pag naliligo o kaya pag umiiyak si Chasel ... minsan kasi ayaw nya tumigil sa pag iiyak eh hindi naman kaya ni Sab kaya umuuwi ako pag ganon! Yung Daddy mo naman pa uwi pa lang nasa ibang bansa kasi" paliwanag nya kaya tumango tango lang ako

"Gusto mo matulog ka muna? Bago tayo umuwi?" Suggest ko sa kanya

"No! Hindi na! Sa bahay na lang ako matutulog... ayoko dyan muka akong pasyente" umiiling na sabi niya

"Okay! May damit ba ko dyan? Gusto kong maglinis feeling ko ang lagkit ko na" reklamo ko

"Oo meron dito! Tara tulunga na kita" sabi niya at inalalayan akong makatayo para pumuntang banyo

"Ano? Kaya mo ba? Gusto mo ako na magbihis sayo?" Natatawang sabi niya

"Pag sinabi ko bang hindi ko kaya? Ikaw magpapaligo sakin?" Nakangising sabi kaya napa irap

"Letche kaya mo na yan! Dito na lang ako hahanda ko yung damit mo" sabi niya at lumabas na ng banyo

Salamat Lord at hindi nyo pa ko kinuha sa pamilya ko!

____________________________________

Vote and comment!

Paki basa din po yung 2nd story ko 'Our LoveStory' po yung title!

Salamat po hahaha


This Girl (AlDub/MaiDen)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora