Alden POV
"Galingan mo ahh kundi kaltok ka talaga sakin finals na to para champion tayo" sabi ni Maine at niyakap ako habang inaantay namin yung game magsimula
Kanina pa nagsimula yung mga game at wala kaming mga talo sa mga nakaraang game namin kaya last game na to kumbaga finals na!
DCU vs FAU (Dei Capili University vs. Felix Anton University)
Magaling din ang FAU dahil wala rin silang talo ang kaso nga lang mayayabang sila sobra!
Naka pants si Maine tapos yung pangtaas eh yung isa kong jersey dalawa pinagawa ko eh number 03 Faulkerson yung nakalagay... 03? Kasi Birthday ni Maine yun!
"Alden line na" sabi ni Sam
Tumango naman ako"Goodluck ahh" nakangiting sabi ni Maine
"Wala manlang goodluck kiss?" Nakangusong sabi ko
"*muah* yan na ang arte mo talaga" sabi niya pagkakiss sakin sa pisnge
"Hahaha thanks girlfriend" sabi ko at takbo na sa line
Sobrang rami ng tao ngayon dito sa gym punong puno syempre karamihan eh yung mga schoolmates namin kasi dito ginanap. Marami ring bisitang nanood taga ibang school ata tapos dadating pa ata yung may ari ng school kaya nandito din yung mga Teachers.
"WAAAAAAAHHHHH" tilian nung tinawag na yung line up namin
"WAAAHHH" tilian din nung tinawag yung kabilang line up
Pero hindi ko pinansin yun dahil nakatuon yung pansin ko dito sa isang lalaking player din na nakangisi sakin! Tsk kala mo gwapo!
Tinignan ko naman kung sino yung tinitignan niya dahil hindi na siya nakatingin sakin eh sa iba na paglingon ko si Maine .. si Maine ang tinitignan niya..
"Go Richard" dinig kong sabi ni Maine kaya napangiti ako
"Tsk" dinig kong sabi nung lalaking to! Tssss girlfriend ko na yan!
"GO! GO! GO! DCU! DCU!" malakas na cheer ng magsimula ang laban!
Aba! Etong lalaki pa ang nagbabantay sakin ahh
"Kapatid mo ba yun?" Biglang tanong netong pangit na to
"Ha? Sino?" Kunot noong tanong ko
"Yung babae kanina mong kasama" nakangising sabi niya
Si Maine ba sinasabi neto?
"Hindi ko kapatid yun" inis na sabi ko
"Ahhh pinsan?" Nakangising sabi niya
Aba! Tang ina neto ahh
"No" pikon na sabi ko
"She's my Girlfriend, so back off" dagdag ko sabay shoot ng bola ..... nginisihan lang naman ako neto!
"Waaahhhhh" tilian nung nakashoot ako
"Alden! Alden! Alden!" sigaw ng mga babae dito
____________________________________
Maine POV
Naiinis na ko dito sa lalaking nagbabantay kay Alden tingin ng tingin sakin lalo na pag nakakashoot siya eh anong pakilam ko sa kanya di ba? Si Alden ko tuloy kunot na naman yung noo.
"Waaaahhh ang galing talaga ng boyfriend ko" sigaw ko nakashoot kasi si Alden
Final quarter na kasi tapos yung score 91-90 isa lang lamang ng DCU eh 2 minutes na lang
![](https://img.wattpad.com/cover/61502642-288-k571969.jpg)
YOU ARE READING
This Girl (AlDub/MaiDen)
FanfictionSiya yung tipong babaeng SOBRANG layo sa Dream girl ko Pero Hindi ko talaga maisip na mamahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko.