Chapter 34

4.3K 162 3
                                    

Alden POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Meng wala lang tambay lang Sabado naman at wala kaming pasok!

"Girlfriend tara gala tayo!" Nakangiting sabi ko nasa kwarto kami nya at nakahiga nanonood kami ng movie

"Mamaya tignan mo oh 1:00 pm pa lang ang init pa mga 3 na tayo alis" sabi niya habang humihikab

Inaantok na naman to! Tuwing nanonood kami ng Movie wala pang kalahati tulog na siya eh!

"Inaantok ako" inaantok na sabi niya sabay higa sa tyan ko

"Edi matulog ka muna gisingin kita mga 2:30" sabi ko at pinaglaruan ang buhok niya

Makalipas lang ng ilang minuto nakatulog na agad sya kaya binuhat ko siya at inayos ang higa!

"Wait lang girlfriend ah" sabi ko at halik sa noo niya

Baba lang ako sandali kukuha ng pagkain hahaha sabi ko naman sa inyo eh feel at home ako dito ....ganun din naman si Maine pag na samin mas malupit pa nga yan eh talagang nakapang bahay lang sya!

"Oh! andito ka pala?" Tanong ni Kenneth na kasama si Sab sa Sala kaya umupo muna ako dun

"Dinadalaw lang kita Kuya" nakangising sabi ko hahaha inambahan naman ako ng suntok

"Hahaha joke lang" sabi ko agad

"Buti nakakatiis ka dyan sa kapatid ko no? May tililing yan eh" biglang sabi ni Kenneth kaya natawa ako

"Syempre ganun talaga! Mahal ko eh" nakangiting sabi ko

"Oh edi wow" nakangising sabi niya

"May tanong lang ako" sabi ko

"Ano?"

"Nakwento kasi sakin ni Maine kung bat sya nakick out sa dati nyang school! Nandito ka ba non nung nangyari yon?" Wala lang naitanong ko lang

"Oo naman.... ang dami ngang pasa at sugat nun ni Meng eh kaya mga 3 days sya sa ospital nun" nakikinig lang naman ako sa kwento niya

"Dapat nga gagantihan ko  yung mga yon eh pero ayaw ni Meng kaya pinabayaan ko na lang sya sa gusto niya" pagpapatuloy niya

"Bakit? Kaya mo bang gumati?" Nakangisi kong sabi hahaha wala lang pangbwiset

"Oo bakit? Hindi mo ba ko kilala?" Nakangisi ding sabi niya

Ha? Sikat ba siya?

"HAHAHA! Sab hindi ako kilala neto oh!" Tumatawang sabi niya

"Seryoso ka hindi mo siya kilala?" Tanong ni Sab umiling naman ako bilang sagot

"Sa bagay hindi naman kasi ako nang gugulo sa school namin kaya siguro hindi mo ko kilala" sabi ni Kenneth

"Si Kenneth leader siya sa isang Gang" sabi ni Sab

Tinignan ko naman siya ng parang 'weh? Di nga?'

"Totoo nga! Wala ka bang nababalitaan na laging may rambol siya si Kenz" dagdag ni Sab

Kenz? Kenz?

"Kenz? Ahh yung napabalitaan na nanapak ng Prof" sabi ko agad

Siya pala yon? Marami akong nababalitaan tungkol sa kanya na puro rambol!

"Di totoo yon! Hindi ko sinapak yon" sabi niya

"Hindi siya na nanapak ng Prof. Pwede pa studyante! Ewan ko kung bakit napabalita yon" kibit balikat na sagot ni Sab

"Eh bakit di ka na lang sa school nyo nag aral?" Wala lang! Nakikitsismis lang

"Ayaw ko don! Tignan mo pati si Meng ayaw don napilit lang yon dahil nga sa nangyari" sabi ni Kenneth

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now