Chapter 62

4.4K 145 6
                                    

Maine POV

"Mommy! Crush ko na po sya! Ang gwapo nya po eh tapos may dim----" tinakpan ko na agad yung bibig netong si daldalita kong anak at nagmamadaling bumalik sa table nila Val

"Chasel ang ingay mo" sabi ko

"Why mommy? He's so handsome naman di ba po?" Parang tangang tanong ni Chasel

Nako! Kung hindi ko lang anak to binatukan ko na to!

"Oo pero wag kang maingay magagalit si Chase pagnalamang may crush ka na" pang uuto ko dito kasi hindi titigil sa kakadaldal yan eh

"Ayy oo nga po! Shhh ka lang mommy na may crush na ko ah" sagot neto habang nakalagay pa yung kamay sa ilong na parang sinasabing wag maingay

"Oo kaya behave ka lang ah" sabi ko kay tumango tango naman sya.

Nak ng teteng! Sa dami ng magiging crush ng anak ko yung tatay nya pa!

"Oh bakit?" Tanong ko kila Nadz na nakakunot na nakatingin saming mag ina

"Anong bakit? Hindi ka ba magpapaliwanag samin?" Sabi ni Val

"Ninang! Pwede ko bang mahiram si Chasel?" biglang paalam ni Cyrus

"Mommy say No" utos ni Chasel sakin pero magkukwentuhan kami nila Bea alanga namang nandito sya edi nadinig nya yung pinag usapan namin may pagka tsismosa pa naman tong anak ko

"Okay! Sige! You can take her" nakangiting sabi ko

"No" nakasimangot na sabi ni Chasel

"Thank you Ninang" sabi ni Cyrus sabay hila kay Chasel na nakasimangot

"Anak mo ba talaga yon?" Parang tangang tanong ni Bea kaya nabatukan sya ni Nadz

"Magtatanong ka pa! Tignan mo oh Carbon copy ni Nico yon" sagot ni Nadz

"Pero pano? May asawa ka na?" Tanong ni Patring

"Wala" simpleng sagot ko sabay kain ng mga pagkain dito gutom na ko eh

"Wala? Sino tatay nyan? Ano? Nabuntis kang mag isa?" Tanong ni Nadz

"Syempre hindi! Parang kang tanga" sagot ko habang kumakain

"Ilang taon na ba si Chasel?" Intriga ni Patring

"4" sagot ko

"4? Kasing edad lang ni Cyrus? Bali kailan ka nagbuntis? Teka ikaw na nga magcompute Val mahina ako sa Math eh" sabi ni Bea habang nagbibilang sa kamay

"Kasing edad ni Cyrus? ibig sabihin kasabayan kitang magbuntis? Nabuntis ka agad kung san ka man galing?" Tanong ni Val kaya binatukan ko sya

"Ano kala mo sakin ganon? Ang shushunga nyo magsi isip nga kayo" sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain

"Kung di ka nabuntis don... bali dito ka nabuntis?" Tanong naman ni Bea

"Ahh so bago ka umalis dito buntis ka na?" Dagdag na tanong ni Patring kaya tumango ako

"So ang tatay nyan ay si.... teka sino nga ba?" Parang tangang tanong ni Val tssss kala ko pa naman alam na nila

"Sino lang ba yung lalaking minahal ko?" Tanong ko sa kanila

"Edi Si Alden" sagot nila

"Edi yon yung tatay...kaeng engan nyo pinapagana nyo na naman" nakangising sabi ko habang nakanganga sila sakin

"ARAY!" daing ko nung binatukan nila ako ng malakas

"Bakit ba? " tanong ko

"Eh kung sapakin kita dyan? Anak pala yan ni Alden tapos lumayas ang emote mo" naka irap na sabi ni Nadz

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon