Chapter 45

4.4K 142 5
                                    

Maine POV

"Congratulations to all Graduates"

Tama kayo ng dinig graduation na namin hahaha Sa wakas nakagraduate na!

"Congrats Princess" bati sakin nila Mommy

"Thank you" nakangiting sabi ko

"Congrats anak kala ko hindi ka na makakagraduate eh" pang asar na sabi ni Tito Seth kay Sam kaya nagtawanan kami lahat

"Dad naman! Makakagraduate naman talaga ako" reklamo ni Sam

"Maraming salamat Patricia kung hindi dahil sayo baka maging Suma dito si Sam" laking pasasalamat ni Tito Seth kay Patring

"Ano pong Suma? Sumacomlaude?" Tanong ni Pat

"Sumasampung taon dito sa college" nakangising sagot ni Tito kaya hagalpak agad kami sa tawa wahahahaha

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Jerald kay Val

"Hindi pa! Okay lang ako" nakangiting sabi ni Val

Hindi naman nagalit si Tito Lance nung nalaman na buntis si Val nagtampo lang kasi dapat daw sya yung unang naka alam .... naka attend pa rin si Val ngayon ng graduation dahil hindi pa naman masyadong halata yung tyan nya parang busog lang eh two months pa lang kasi!

"Congrats! Sa wakas makakalayas na yung mga may toyong studyante dito" biglang sulpot ni Ninang Mik

"Grabe ka naman maam hindi mo ba kami mamimiss?" Tanong ni James na ikinairap ni Ninang hahaha

"Sawang sawa na ko sa mga pagmumuka nyo lagi kayong nasa office ko lalo na kayong dalawa Nadine at James" sagot ni Ninang

"Totoo ba yon anak?" Tanong ni Tito Kai kay Nadz

"Di naman po masyado" nakangising sabi ni Nadz

"Anong hindi masyado? Napuno nyo na nga yung notebook ng pangalan nyo tapos hindi masyado?" Reklamo ni Ninang

"Talaga? Im so Proud of you anak" masayang sabi ni Tito Kai at niyakap pa si Nadz

"Ano Babe? Kala ko hindi na tayo gagraduate" masayang sabi ni Jake kay Bea

"Tanga! Kala mo lang yon basta ako nakagraduate hahaha" sagot ni Bea

Kumain muna kami sa labas bago nagsi uwi pero kami ni Alden magkasama pa rin ngayon kasi aalis kaming dalawa eh

"Alis na po kami" paalam ni Alden kila Dad

"Sige lang! Kahit wag mo ng iuwi yan" asar ni Dad

"Dad wag kang magbiro dyan" sabi ko

"Hindi sya nagbibiro kahit di ka na umuwi! Okay lang!" Sabat ni Kenneth

"Nako! kunwari pa kayo pag di ako umuwi todo tawag naman kayo" natatawang sagot ko

"Ingat Menggay, Alden" sabi ni Sab kaya nginitian namin sya si mommy at si Sab lang makaka usap mo ng matino dito sa bahay eh

"Ingat Princess! Ingatan mo yan Alden ah" paalala ni mommy kaya humalik na kami sa kanila

"Bye" sabi namin

"BABYE" OA na sigaw nila

Kala mo naman san kami pupunta dyan lang naman sa boracay magbabakasyon kaming dalawa 3 days lang bago kami magwork sa office oh di ba may trabaho na agad kami.... kahit ayaw kaming tanggapin ng magulang namin sa office eh wala silang magagawa kami rin magpapatakbo nyan balang araw .. . Ayaw nga nila eh baka daw malugi yung kompanya grabe sila samin ahh hahaha

"Girlfriend"

"Hmmm"

"Pano pag may work na tayo? Magkikita pa rin tayo araw araw di ba?" tanong nya habang nagdadrive kaya napatingin ako sa kanya

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now