Chapter 39

4K 153 1
                                    

Maine POV

Pagpasok ko sa school lahat ng nadadaanan kong studyante nakatingin sakin ... oh bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa? ... ahh hindi! Hala! Baka alam nilang late na ko sa first subject ko .... tae kasi tong si Alden susunduin daw ako pero ano? Inugat na ko sa bahay kaka antay sa kanya! Pero wala! Punyeta! Pag nakita ko sya dito babatukan ko sya ng malakas!

Pagkatapat ko sa room hindi muna ako pumasok inayos ko konti yung sarili ko... syempre para fresh pa rin .. okay! Okay! Tingin sa oras! 30 minutes pa lang akong late kaya pede pa to hahaha atsaka hindi naman highblood sakin yung first subject namin eh kahit late ako araw araw! Eto na! Binuksan ko ng dahan dahan yung pinto syempre pasuspend nye nye hahaha malay mo may topak ngayon yung teacher bigla akong hagisan ng eraser!

"Morning maam" nakangiting sabi ko

"Morning" O___O wow! Oo wow talaga dahil binati din ako ng teacher ng nakangiti ahh! Take note Nakangiti! Kadalasan naman kasi tumatango lang sya

Tinignan ko naman yung mga classmate ko na nakangiti lang... aba ang aga nila Nadz pati sila Sam pero nasan si Alden? Wala pa sya?

"Oh" abot ni Maam

"Ano po to?" Tanong ko sabay kuha

"Edi bulaklak!" Nakangiting sabi niya

Ha? Paglate ba may pabulaklak?

"Thank you po" nakangiting sabi ko ... syempre binigyan ako ng bulaklak

Nagulat ako nagsitayuan yung mga classmates ko ano meron? Dismiss na? Nak ng! Pumasok pa ko maaga naman pala uwian!

O______O

Oo talagang gulat dahil bago sila lumabas ng room binibigyan nila ako ng isang rose! Ano ba meron? Pag ba late ganto?

"Oh! Nico" hampas sakin ni Nadz ng rose ... gaga talaga to ...sila James nakangisi lang sakin!

"Nako kung wala lang bayad to! hindi ko gagawin to"

"Oo nga! Ang corny!" dinig kong bulong nila Val

"Ano meron?" Tanong ko sa kanila pero inisnob lang ako at dere deretso sila lumabas ng room

Nung kami na lang ni maam yung tao may inabot rin syang rose pero eto may papel na nakadikit

"Maam san ka punta? Dismiss na?" Tanong ko tumango lang naman sya at lumabas na

Ano bang nangyayare? Ayy teka! wag mong sabihin may admirer ako! hala! Baka magalit si Alden pero ang effort neto ah inpernes!

"Punta ka sa locker mo"

Yan ang nakasulat sa papel! Inu utusan ba ko neto? Pero nacucurious ako punta kaya ako? Teka baka magalit si Alden! Hindi yan! Titignan ko lang kung sino to! Oo tama! Gora!

Pagdating ko sa locker ko may nakadikit na namang rose na may papel kinuha ko yon at binasa

"Mali pala! Punta ka na lang sa Field"

Ginagago ba ko neto? O sadyang bobo lang sya? Tae to ahh kung hindi lang ako nacucurious hindi ko to susundin eh! Pag to mukang Nunu sa punso sasapakin ko to! Pinapagod ako eh!

Pagdating ko sa field ang daming studyante...hala! May away ba? Teka sasali ako! Hahaha!
Oh kaya baka may artista?

"Oyyy san kayo punta?" Tanong ko nung nagsitakbuhan sila

Syempre nakitakbo na rin ako baka may mamamatay tao dito kaya sila tumakbo .... pumasok sila sa loob ng Gym! Pagpasok ko naka upo na lahat ng studyate sa upuan at nakatingin sa projector kaya napatingin din ako!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now