Chapter 90

6.1K 169 31
                                    

Maine POV

"Say Daddy... Da--ddy"

"Baby...Say Daddy" natatawa ako habang tinitignan si Alden habang tinuturuan si Claive bunso namin ... Marcus Claive M. Faulkerson

"Para ka na namang tanga dyan hindi pa nga makakapagsalita yan eh" natatawang sabi ko pero parang wala syang narinig at tinuloy lang yung pagtuturo nya sa 5 months old na si Claive parang shunga lang 5 months old magsasalita agad? Tssssss

"Misis kailan ulit tayo pwedeng magka baby?" Naningkit agad yung mata ko sa nadinig ko mula sakanya eh kung ingudngud ko sya ngayon hindi pa nga nakakalakad si Claive bagong baby na agad ang hanap nya?

"Joke lang naman eh hahaha" mabilis nyang sabi nung makita nyang babatuhin ko sya ng suklay na hawak ko

"MOMMY... DADDY" ayan na nadinig ko na yung matining na boses ni Chasel... Si Alden naman muntik pang mahulog sa sofa habang natataranta dahil nadinig nyang nasigaw na naman ang kaisa isang prinsesa namin

"Why Princess? May umaway ba sayo? Nasan? Ha? Ha?" OA na sabi ni Alden habang chinecheck si Chasel kung may galos o ano man... Ako? Eto nakatanga lang sa kanya eh lagi namang ganyan yan akala mo laging may umaapi kay Chasel eh wala naman! minsan OA lang din si Chasel O kaya nantitrip lang

"Hi Nay, Tay" casual na bati ni Chase sabay balibag ng bag sa gilid at upo sa sofa ... Kakauwi lang kasi nila galing school Grade 1 na sila.

"Daddy mataba po ba ko?" Tanong ni Chasel sa tatay nyang OA at kahit alam naming medyo mataba si Chasel eh ang isasagot nyan ni Alden ay...

"Hindi ahh! Sexy mo nga anak eh! Sino ba nagsabi na mataba ka?" Tanong ni Alden.... Sinabi yon ni Alden dahil baka umiyak si Chasel nakakarindi pa naman yan umiyak

"Si Cyrus... Sabi niya magdiet na daw ako kasi antaba ko na" umiirap pa sya sa ere habang sinasabi niya yon

"Dont mind him baby! Hindi ka mataba ....healthy ka lang" pag aalo ni Alden kay Chasel.. Buti naman nauto uto ni Alden si Chasel kundi iiyak na naman yan at pipiliting wag kumain eh hindi naman nya kaya atsaka bata pa lang nagdadiet na agad? Hello! 6 pa lang sya kaya natural lang na medyo mataba siya.

"How's school?" Tanong ko kay Chase habang inaasikaso si Claive

"Boring" sagot nya habang nakataas pa yung paa tssss bossy manang mana sa tatay

"Boring? Eh pinaiyak mo na naman si Mizzi" sabat ni Chasel

"Because she's too loud! Ang daldal nya" sagot naman ni Chase
"Woooohh you like Mizzi lang eh" pang aasar ni Chasel kay Chase

"Naahh! I dont like her" nakasimangot na sagot ni Chase kaya nginisihan lang sya ni Chasel

"Mommy look! I have stars" pagmamalaki ni Chasel sakin

"Wow! Very good naman yung baby ko" nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa pisngi

"Ikaw Chase? Meron ka ring stars" tanong ni Alden at inakbayan ako

"Syempre tay........ Wala " nakangiti pang sabi nya aba! Parang proud pa sya na wala syang star sa kamay

"Kasi Daddy binadtrip na naman nya si Teacher eh" sumbong ni Chasel habang kumakain ng cookies

"Why? Anong ginawa mo this time?" Baling ni Alden kay Chase habang nakasiksik na naman sakin

"Nothing.... She have a question for me so I answered her" sagot nya habang naglalaro ng ipod

"What's her question?" Tanong ko

"Ehem... Ehem.. Ano ang nakakaiyak na gulay sibuyas o kalabasa? Yan po yung tanong ni teacher sa kanya" ginagaya pa ni Chasel yung boses ng teacher nila habang nagkukwento sya

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now