Chapter 14

4.7K 184 2
                                    

Maine POV

Pagka upo nila Alden sa table namin ang gulo namin habang  kumakain. Syempre hindi mawawala sa barkada yung ganon.

"Den den" tawag ni Louisa ....tsk sapakin ko to eh.

Ipinagpatuloy ko na lang yung pag-inom ko ng zesto choco ko.

"Oh?" Tanong ni Alden

"Doon na lang tayo sa kabilang mesa" maarteng sabi niya. Sus gusto mo lang masolo eh kaya nagkatinginan kami nila Val at Pat.

"Bakit?" Tanong ni Alden may pagkatanga din talaga neto eh malamang gusto kang masolo.

"Eh ang ingay kasi nila eh hindi tayo makapag usap ng maayos" paawang sabi ni Louisa sabay ngisi sakin. Tssss Simulan na ang laban kala mo mananalo ka sakin ah!

"Richard" pagkasabi ko nyan nataranta naman agad si Alden sakin hahahaha.

Nginisihan ko naman si Louisa pati sila Val nakangisi hahaha talo na to!

"Bakit future girlfriend? Ano pa gusto mo?" Nakangiting sabi niya

"Den den may sasabihin ako sayo" agaw eksenang sabi ni Louisa kaya napatingin naman sa kanya si Alden tsk.

"Richard gusto ko ng Fries atsaka burger atsaka chicken" parang batang sabi ko

"Ha? Wait lang ibibili kita" sabi niya sabay tayo pero hinawakan ko naman agad yung kamay niya

"Dun na lang tayo sa labas kumain. Sa McDo"  nakangiting sabi ko

"Talaga?  Lalabas tayo? Tara na!" Excited na sabi niya wahahaha!  Napatingin naman ako kay Louisa na nakasimangot na hahaha

"Den den may sasabihin pa ko sayo eh" inis na sabi ni Louisa

Aba! Di ka pa rin sumusuko ah

"Richard gutom na ko" mabait kong sabi

"Mamaya na lang Louise gutom na kasi si Maine eh" sabi ni Alden hahaha

"Bye guys don muna kami" sabi ko kila Val na natatawa hahaha kala mo ah!

"Bye Louisa" pang asar na sabi ko

"Let's go future girlfriend" sabi ni Alden sabay akbay.

"Let's go!" Nakangiting sabi ko.

And the winner is Maine Mendoza whahahaha!!
____________________________________

Alden POV

Nandito kami ngayon sa McDo kumakain! Gusto kasi ni Maine dito

"Richard" kinikilig ako pag tinatawag niya kong Richard siya lang kasi ang natawag sakin nun eh hahaha bakla mo na Alden!

"Hmmm"

"Kaano-ano mo si Louisa?" Tanong niya habang kinakain yung chicken bago ko sinagot yung tanong niya pinunasan ko muna yung bibig niyang puro mantika.

"Kababata ko lang" simpleng sagot ko totoo naman yun eh

"Bestfriend?" Takang tanong niya

"Dati! Pero ngayon hindi na"

"Bakit dati lang?"

"Kasi simula nung nalaman kong may gusto siya sakin lumayo na ko"

"Bakit?"

"Eh nung sinabi niya sakin un sabi ko sa kanya na parang kapatid lang ang turing ko sa kanya ayun nagalit bigla"

"May tililing hata yun eh" natawa naman ako sa sinabi niya

"Ewan ko dun tapos lahat pa ng nadikit saking mga babae inaaway niya"

"Oh? May saltik nga"

"Kaya sabihin mo sakin pag inaway ka niya ah"

"Baka kaya niya" mayabang na sabi nito

"Kung sakali nga lang"

"Hindi ka nagkagusto sa kanya?" Tanong niya parin

"Hindi! Bakit?"

"Wala lang naitanong ko lang"

"Nagseselos ka?" Halos mabilaukan naman siya sa nadinig niya hahaha

"Hindi ah! Kapal mo" pairap na sabi niya wooooohhh selos ka lang eh

"Okay" nakangiting sabi ko

"Hindi nga" pamimilit niya

"Okay nga sabi ko diba! Defensive ka naman" nakangising sabi ko

"Hindi sabi eh! Ayoko na nga dito! Sa arcade na lang tayo" parang batang sabi niya.

"Tara!" Sabi ko sabay tayo at hawak sa kamay niya

"Nakakarami ka na ha lagi mong hawak yung kamay ko hindi pa naman kita sinasagot"

"Syempre baka ma agaw ka pa ng iba." Sabay higpit ng hawak sa kamay niya.

Pagdating namin sa arcade nag laro lang kami ng naglaro. Grabe ang hyper talaga neto.

"Ang harot kasi eh pawis ka na oh" sabi ko habang pinupunasan yung pawis niya.

"Richard don tayo" turo niya dun sa maraming malalaking teddy bear.

"Wooooww" mang hang sabi niya habang nakatingin sa mga bears. Nilabas ko naman yung phone ko at pinicturan siya.

"Gusto mo nyan? " tanong ko pagkatago ko ng phone ko.

"Ayoko!" Sabi niya habang umiiling

"Bakit?" Tanong ko. Kala ko pa naman gusto niya

"Hindi ko gusto dahil gustong gusto ko " sabi niya ng nakangiti

"Tara bili tayo" sabi ko sabay akbay.

Pagkabili namin ng bear niya nag aya na siya umuwi.

"Richard anong pangalan niya?" Tanong niya habang nag dadrive ako

"Ikaw ano ba gusto mo?"

"Alden na lang wala ako maisip eh"

"Langya ka ginawa mo pa kong teddy bear"

"Lugi ka pa ba? ang cute nga neto eh"sabi niya sabay yakap niya sa bear

"Tahimik mo ah" sabi ko sabay tingin sa kanya traffic naman eh.

Tae kaya pala tahimik tulog na habang yakap yung bear. 

Pinahiga ko naman konti yung upuan para hindi siya mahirapan.

Para siyang anghel pag natutulog ang ganda talaga kinuha ko ulit yung phone ko at pinicturan siya.

"Maine! gising na! Nandito na tayo sa inyo" tapik ko sa kanya

"Wait lang! 5 minutes" sabi niya

"Pasok ka sa loob ng bahay" sabi niya habang nakapikit

"Sige"

"Papakilala kita kila Daddy" bigla naman akong kinabahan. Tangna biglaan hindi ako ready!

"H-ha? S-sige" nauutal na sabi ko.  Dumilat na naman siya at nag ayos ng sarili

"Bakit? Itsura mo? Kinakabahan ka?" Nakakalokong sabi niya

"Oo eh"

"Oh wag ka na! Takot ka pala eh"

"Sabi ko kinakabahan hindi takot"

"Okay! Lets go na"

Kaya mo to Alden!

____________________________________

Vote and comment!

Thanks

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon