Chapter 84

4.2K 128 5
                                    

Maine POV

"Chase ang dami na neto! Mauubos mo ba yan?" Tanong ko dito sa batang to pero ang loko nginitian lang ako tsss manang mana sa ama nya

"Yes Nay mauubos ko po yan! Hind ko naman po yan lahat kakain ngayon! Kaya nga po stock di ba?" Nakakalokong sabi niya kaya inirapan ko sya ... minsan masarap ding patulan yung mga bata eh hahaha

Halata naman kung anong ginagawa namin di ba? Nag gogrocery! Kami lang ni Chase dahil naiwan yung mag ama sa bahay dahil natutulog sila ayaw naman naming gisingin kaya kami na lang ni Chase! Sa isang buwan na lumipas eh nagiging ayos na naman si Chasel kahit paunti unti hindi na sya masyadong umiiyak kung minsan nga eh ngumingiti na sya at nagsasalita na rin sya pero tipid lang hindi katulad ng dati na napakahaba ng mga sagot nya! Pero okay na rin yon atleast may improvement sya! Bumalik na rin sa office si Alden pero MWF lang sya pumapasok ewan ko dyan! Buti hindi nalulugi yung kompanya nila ni Tito! Si Tito? Dumadalaw dalaw din sya samin kung minsan naman kami yung damadalaw sa kanya!

"Nay are you done?" inip na tanong ni Chase... tignan mo to palibhasa tapos na syang pumili ng mga pagkain nya kaya nagmamadali ng umuwi

"Hindi pa baby! Sandali na lang" sagot ko dito habang namimili ng mga kailangan sa bahay

"Nay dont call me baby! Nakakahiya po" sabi niya habang lumilingon pa sa paligid para tignan kung may nakadinig!  Arte arte eh baby pa naman talaga sya

"Okay! Just behave" simpleng sabi ko kaya tumango naman sya

Hindi rin nagtagal eh natapos na kami namili mabilis rin naman kaming nakarating sa bahay dahil may dala naman kaming sasakyan!

*BBBEEEPPP* * BBBEEEPP**

Bat walang nagbubukas ng gate? Umalis ba sila Kenneth? Sila manang wala? Si Alden tulog pa? Kila Dad muna kasi kami tumira pansamantala lang naman!

*BBEEEPPP* *BBEEEPP*

"Chase Wait here okay?" bilin ko sa kanya nakangiti namang syang tumango... bat laging nakangiti to? Nahahawaan na hata ng saltik to ni Kenneth!

Pagdating ko sa gate! Pucha! Nakalock! Kaya wala kong nagawa kundi bumalik sa kotse para kunin yung susi!

"Why Nay?" Tanong ni Chase

"Nakalock yung gate! Umalis sila siguro" sagot ko dito at bumalik na agad para mabuksan yung gate at mapasok yung kotse

"Nay una na po ko sa loob" paalam ni Chase pagkapark ko ng kotse kaya tumango na lang ako dahil kukunin ko pa yung pinamili namin sa likod ng kotse

"Chase? Bat nakapatay yung ilaw?" Tanong ko pagpasok sa bahay ... mukang wala ngang tao! San naman kaya sila nagpunta?

"Chase?" Tawag ko dito pero walang  nasagot kaya dumeretso na lang ako sa kusina para ilagay muna tong pinamili namin

"Chase where are you?" Tawag ko ulit dito at bumalik sa sala

Pambihira san na naman nagpunta yung batang yon?

"Alden! Chasel" tawag ko dito ... baka tulog pa kaya balak ko sanang umakyat sa kwarto pero napatigil ako ng biglang may liwanag na galing sa projector na lumitaw dito... madilim pa kaya kitang kita mo sya

"Babaeng pinakamaganda sa balat ng lupa! Oh ano? Maganda na ba yung line kong yon?" Nakangising tanong ni Nadz

Ano na naman to?

"Nico be ready ha?" Paalala ni James

"Hoy! Ano bang meron?" Tanong ko dito pero ang tanga ko din alanga namang sumagot yung projector tssss

"Meng walang iyakan ha?" Nakangiting sabi ni Val

"Oo nga! Pwedeng lang ngumawa wag lang umiyak" tumatawang sabi ni Sam

"Wag ka masyadong matouch dito" sulpot ni Jerald at Patring

"Promise nandito lang kami palagi" sabi naman ni Patring

ANo ba talagang meron ngayon? Friendsary ba namin ngayon? Pero teka ...wala naman kaming kaartehan na ganon

"Ppssstt Meng wag ka ng toyoin ha?" Si Bea naman

"Nga naman! Bawasan mo yon konti" dagdag ni Jake

Nagulat naman ako ng biglang lumabas yung mga anak ng barkada

"Please say YES Ninang" sabay sabay na sigaw nila kaya nagtaka ako

Yes?

"Hi Nay! Are you okay? I hope that your okay because this is a surprise! Dont cry okay? Please say YES! I love you Nay" nakangiting sabi ni Chase at kumakaway kaway pa sakin

"Hello Mommy! I love you! Please say YES" simple pero nakangiting sabi ni Chasel

Nagulat ako ng biglang tumugtug yung kantang 'A Thousand Years' instrumental lang naman kasabay nun eh yung mga picture namin ni Alden simula nung college pa kami!

Okay! Alam ko na kay Alden na pakulo to pero ano bang meron?

"Bat kayo nandito?" Tanong ko kila Nadz na biglang sumulpot kung saan

"Ano meron? Bat may ganto?" Tanong ko ulit ng bigyan nila ako ng rose

"Hoy! Ano bang nangyayari?" Takang tanong ko pero nilagpasan lang nila ko

"Pipi na ba kayo?" Tanong ko ulit pero sabay sabay lang silang umiling

Biglang sumulpot naman eh sila Cyrus na may hawak na lobo na may nakaprint na Please say YES? .... ano bang meron dun?

"Thank you" nakangiting sabi ko pagka abot nila

Dumudugo na yung utak ko kakaisip kung ano bang ganap ngayon! Birthday ba? Anniversary namin?

"Oh kayo din?" Sabi ko ng lumabas si Kenneth at Sab ... wala naman sila Daddy ngayon dahil nasa ibang bansa

"Nanay/Mommy" sabay na sabi ng kambal at nakapormal pa sila ... hindi lang naman yung kambal lahat sila as in nakapormal na damit ako lang hindi! Muka tuloy akong naligaw dito!

"We love you" sabay na sabi ng kambal kaya binitawan ko muna yung hawak ko at lumuhod para makapantay sila

"Please say YES Mommy/Nanay" sabi nila at hinalikan sa magkabilang pisngi atsaka lumapit kila Sab

Inaantay ko naman kung sino yung susunod na lalabas dahil alam kong si Alden na to! Kinukutuban na rin ako kung anong ibig sabihin nyang 'Please say YES' na yan kaya kinakabahan na ko!

Anak ng... ang gwapo nya sa suit na suot nya ngayon at may hawak pang Boque of flowers!

"Hi" mahinang sabi nya

"Hello" mahinang sagot ko rin

Pucha! Kinakabahan ako!

"For you" nakangiting sabi niya

"Thanks" sagot ko rin sa kanya

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya

Bigla naman syang kinabahan na ewan! Yung totoo kaya ba may ganto dahil nakagawa syang kasalanan?

____________________________________

Vote and comment!!!

Thankss ppooo!! Sorry ngayon lang nakapag UD ;)

Sad kasi eh dahil Tapos na yung kalyeserye :( pero babalik naman daw kaya aantayin ko yon! Promise!

Please read my 2nd story! Thank you! ;) Aldub you all <3

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now