SpecialChapter (Maximo Chase)

4.1K 88 6
                                    

Chase POV

"Mizzi can you stop talking? Ang sakit na ng tenga ko dahil sayo" naiinis na sabi ko

"Chase di naman kita kausap nagrereklamo ka pa dyan" naka irap na sagot niya

"Yon nga eh. Di nga ako yung kausap mo pero yung bunganga mo abot hanggang dito" balik ko sa kanya kaya binato nya ko ng ballpen

"TWINNIE YUNG KAPATID MO SASAPAKIN KO NA PROMISE!" nakasigaw na sabi niya kaya napatakip ako ng tenga

"SIGE LANG TWINNIE. GO LANG" nakasigaw din na sagot ni Chasel tssss bagay silang magkaibigan parehas bungangera

"Pwede bang wag kayong magsigawan? Napipikon na ko sa inyo" nabibwiset na nasabi ko... Pwede naman kasing mag usap ng tahimik atsaka sobrang lapit lang nila kung makapagsigawan kala mo nasa magkabila silang kanto

"Yang kapatid mo talaga laging beastmode" dinig kong sabi ni Mizzi

"Pabayaan mo lang yan. May crush kasi hata sayo yan eh" balik naman ni Chasel partida bulungan pa yung ginagawa nila ahh pero nadidinig ko pano pa kaya pag hindi? Edi sigawan na naman ang nangyari dito

"Nako po. Kung mag jojowa na lang din ako Twinnie don sa mabait hindi yung laging may mens" napatingin naman ako bigla kay Mizzi dahil sa nadinig ko

"Anong tinitingin tingin mo?" Tanong niya sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin

"You like Mizzi?" Biglang daldal ng katabi ko

"No! Never!" Mabilis na sagot ko kaya tumawa sya

"Okay hahaha" sumasang ayon ba sya o nang aasar?

"I said No Cyrus" diin ko dito

"I answered okay. Anong sinasabi mo dyan?" Natatawang sagot niya kaya di ko na lang siya pinansin at tumayo na

"Saan ka pupunta Chase? May klase pa" pigil sakin ni Chasel

"Dyan lang" simpleng sagot ko

"Bala ka magagalit na naman si Mommy" pananakot pa na sabi niya pero lumabas na ko ng room kahit nakasalubong ko pa yung next teacher namin eh wala kong pakelam

This our school so dont mess up with me or else tssss nevermind. Im Maximo Chase M. Faulkerson. Halata naman kung kanino kong anak di ba? Kay Nanay (Maine Faulkerson) at kay Tatay (Alden Faulkerson). Im second year college now taking up business administration.

"Don nga kayo sa kwarto" utos ko sa mga magulang ko na kung makapagharutan eh kala mo hindi sila magkasama araw araw

"Hi den sayo Chase" sarcastic na sabi ni Tatay kaya pasalampak ako umupo sa kabilang sofa

"Bat ang aga mo? Bat nandito ka na agad? Hindi mo pa out di ba? Nagcutting ka na naman? Pinalabas ka na naman ng teacher? Nagwalk out ka?" Tignan mo to si Nanay ang daming tanong daig pa yung mga boring kong teacher

"Wala lang" simpleng sagot ko at tinaas yung paa sa lamesa

"WALA LANG? ANG DAMI KONG TANONG WALA LANG ANG SAGOT MO? EH KUNG SAPUKIN KITA DYAN! PIGILAN MO KO ALDEN.... TATAMAAN SAKIN YANG ANAK MO" nakasigaw na sabi ni Nanay kaya napatakip ako ng tenga... Umuwi nga ko para hindi marinig yung bunganga ni Mizzi pero naman mas malala pa yung pumalit si Nanay tssss

"Pabayaan mo na yan Misis! Tara sa kwarto palalamigin natin ulo mo" nakangising sabi ni Tatay at pinapasan si Nanay etong si Nanay naman todo kapit

"Di pa ko tapos sayo Chase uunahin ko lang to... Mamaya ka" naniningkit na sabi ni Nanay bago sila umakyat sa kwarto nila... Nakakadiri sila harutan dito harutan don amputa hindi nagsasawa sa mga muka nila

This Girl (AlDub/MaiDen)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin