Chapter 26

4.8K 175 1
                                    

Maine POV

"Anong problema dito?" Bigla dating ni Ninang Mik

Sya kasi yung inassign nila Daddy bilang parang Principal dito! Mukang hindi niya pa ko napapansin! Tssss yari na malalaman na ata!

"Hala ayan na yung Principal"

"Lagot na si Maine"

"Pero hindi naman talaga sya nauna eh Si Louise"

"Pero kasi sinagot niya si Sir Lacson" dinig kong bulungan ng mga tao dito ....tinignan ko naman si Louisa na nakangisi sakin

"Tsk" nakangising ring sabi ko sakanya

"Maam may nag away po kasing estudyante eh" mabait na sabi ni Sir Lason kay Ninang

"Girlfriend" alalang sabi ni Alden

"Bakit?" Nakangiting sabi ko sa kanya

"Hindot ka Meng makikick out ka na nakangiti ka pa dyan" sabat ni Val

Sus! Wala lang to!

"Ha? Bakit ngayon pa nang yari yan? Parating na yung President" natatarantang sabi ni Ninang

"Maam eto po yung estudyanteng nag away" sabi ni Sir Lacson sabay turo sakin

Wow! Ako lang tinuro?

"Maine?" sabi ni Ninang ngumiti naman ako sa kanya kaya maraming nagtaka

"Maam nandyan na po yung President"

Patay na talaga ako! Nagtago naman ako sa likod ni Alden!

"Good afternoon everyone! Please welcome The owner of Dei Capili University.... Teodoro Mendoza" dinig kong sabi

Pagsilip ko wow! Kompleto! Nandito si Dad, Mom si Kenneth atsaka si Sab!

"Good afternoon!" Dinig kong bati nila kila Dad

"Tito? Tita?" Biglang sabi ni Alden

Patay na talaga!

"Kenneth?" Sabi naman nila Sam

"Sabi sakin may nag aaway daw dito? Nasaan sila?" Biglang sabi ni Dad

Sumabat naman agad tong si Sir Lason

"President eto po yung nag away na estudyante" epal na sabi ni Lason

Si Louisa naman feeling mabait! Tapos sakin nakangisi! Tsk

"Nasaan?" Sabi ni Daddy

"Eto po" sabi ni Lason at tinuro muna si Louisa ako kasi nasa likod ni Alden eh

"Atsaka po eto" sabay turo samin ni Alden

"Alden?" Biglang sabi ni Mommy

"Sila po yung nag away pero po sinagot sagot po ako nung isa" pag susumbong ni Lason tsk!

"Sinong sumasagot?" Tanong ni Daddy

"Ayun po oh yung nasa likod po" turo sakin

Unti unti naman akong lumabas

"Hi" alangan na sabi ko

"Ayan ba?" Tanong ni Daddy

"Opo" nakangising sabi ni Lason tsss. Kala mo ahh

"Nasaktan ka ba ha?" Tanong ni Daddy sakin

"Baka masaktan" mayabang na sabi ko

"Meng" dinig kong sabi nila Pat

"Wala ka talagang galang! Sir ipapa kick out ko na po siya" biglang sabat ni Sir Lason

"Hindi pwede" sagot ni Daddy hahaha

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now