Chapter 49

3.5K 117 3
                                    

Alden POV

"Pre tama na yan! Nainom mo na lahat ng alak dito" awat sakin ni Jerald

"Oo nga! Pucha naubos na yung alak ko dito ahh bayaran mo yan ah" sabi naman ni James ... nandito kasi kaming mga boys sa bahay ni James

"Oo babayaran ko!" Simpleng sabi ko

Hindi ako malasing eh! Talagang na iisip ko pa rin si Maine kahit anong pagpapakalasing ko!

"Kahit babayaran mo pa yan! Tama na!" Awat naman ni Sam

"Hindi pa rin ako kinaka usap ni Maine" sabi ko bigla

"Hayaan mo muna kasi pre" payo ni Jake

"Hayaan? Tatlong araw ko na syang hindi nakikita at nakakausap! Miss na miss ko na sya" parang naiiyak na naman na sabi ko

Wala akong pake kung nakikita nila na umiiyak ako eh sa naiiyak talaga ako! Wala silang magagawa

"Alam namin yon...pero palamigin mo muna yung ulo nya kasi sabi nila Nadz naka usap daw nila si Nico nung kahapon G na G pa daw" sabi ni James

"Anong G na G?" Tanong naman ni Sam at Jerald

"Bobo nyo naman! Galit na Galit" sagot naman ni Jake

Sa tatlong araw etong mga to lang yung kasama ko lagi kaming umiinom dahil sa gusto ko... pag gusto ko naman pumunta kila Maine eh pinipigilan nila ako dahil daw galit pa! Kaya nga kakausapin ko yung girlfriend ko eh para magkabati na kami! Hindi na rin muna ako pumapasok ng office alam naman ni Dad kaya nga nasapak din ako nun eh pero ayos na kami ngayon!

"Oy san ka punta?" Sabi nila nung tumayo ako

"Pupunta ko kila Maine" simpleng sabi ko

Miss na miss ko na talaga kasi sya ... yung boses nya miss ko na rin hindi nya kasi sinasagot yung tawag ko eh

"Dre! Wag nga muna" sabi nila at hinawakan ako sa magkabilang braso para hindi ako maka alis..... yan yung ginagawa nila para hindi ako maka alis

"Pre! Galit pa yon" sabi pa nila

"Kaya nga kakausapin ko na sya kaya bitawan nyo na ko" pagpupumiglas ko sa kanila pero apat sila isa lang ako kaya hindi ko kaya

"Hayaan mo muna sya sabi ngayon eh" sabi na naman nila pero hindi! Hindi ko na talaga kaya!

"Pare! Bitawan nyo na ko please! Pupuntahan ko na sya magpapaliwanag ako na wala talaga akong alam dun! Tatlong araw ko na syang hindi nakikita! Miss na miss ko na talaga sya! Hindi ko na talaga kaya! Gusto ko na syang makita kaya please! Hayaan nyo na ko! Bitawan nyo na ko please" pagmamaka awa ko sa kanila habang umiiyak na parang bata!

Nung lumuwag na yung hawak nila dali dali akong lumabas at pumunta kila Maine!

*Ding dong* *Ding dong*

"Sab si Maine? Nandyan ba sya? Pwede ko ba sya maka usap?" Tanong ko kay Sab na nagbukas ng gate

"Wala! Wala dito si Maine eh" sabi ni Sab at isasara na yung gate pero pinigilan ko

"Sige na please! Gusto ko lang sya makita! Papasukin mo na ko! Please" Umiiyak na naman na sabi ko pucha parang kong bakla puro iyak iyak!

"Sorry Alden ahh! Ayaw nya kasi talagang makipag usap eh" sabi ni Sab at sinarado na yung pinto

"MAINE! GIRLFRIEND! PLEASE! SORRY NA TALAGA!" parang tangang sigaw ko sa labas nila wala na rin akong paki kung mageskandalo ako dito basta ang mahalaga eh makausap at makita ko si Maine

"MAINE! KAUSAPIN MO NAMAN AKO OH! " umiiyak na sabi ko

Kung minamalas ka nga naman oh! Umulan pa pero hindi ako nagpatinag gusto ko talaga syang makita at makausap

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now