Chapter 27

4.8K 160 2
                                    

Maine POV

Lumipas ang isang linggo matapos yung Foundation day!
Okay naman ang lahat, okay din ang barkada at syempre okay lang kami ni Alden.

Marami rin nangyari sa isang linggong yon katulad ng boring yung klase, boring yung klase at syempre boring yung klase.

Hindi naman masyadong nagbago yung tingin nila sakin kahit nalaman nila na pamilya ko yung may ari ng school.

"Girlfriend" sabi ni Alden habang naglalakad kami papuntang room

"Hmmmm"

"Nagreview ka ba?" Tanong niya

Review? Anak ng! Ano meron?

"Bakit?" Takang tanong ko

"May quiz sa english girlfriend hindi mo ba alam?" Simangot ng tanong niya

"Ha? Hindi ko alam eh malay ko ba " simpleng sabi ko

Totoo naman! Inaantok kasi ako pag time ng english parang sinasabi kasi ng prof 'sige tulog ka na! Inaantok ka di ba?' Kaya lalo akong nakakatulog!

"Pano pagbumagsak ka?"

"Hindi yan eto naman! Wala ka bang tiwala sakin?"

"Aba! Syempre meron. Nag aalala lang naman ako" mabilis na sagot niya

"Wag mo ng intindihin yun" sabi ko at pasok sa room!

Aba naka ayos na yung upuan ahh medyo magkakalayo na english time na kasi eh pagtapos ng break time. Umupo naman ako sa upuan ko. Sa kanan ko si Alden sa kaliwa si Sam sa unahan niya si Patring sa harap ko si Jerald tapos sa likod ko si Val.

"Get ready! Mag ququiz na" bungad ng prof pagpasok niya

"Pass" sabi niya

Pagtingin ko sa test paper ko. Tae napag aralan ba to? Dudugo ilong ko puro english malamang english subject to hahaha medyo matagal kong tinignan yung lahat ng tanong pucha! Wala man lang pagpipilian? Kaya no choice ako. Kundi sagutan yung name date achuchu achuachu sa taas sabay yuko! Itutulog ko na lang to! Wala naman akong mainitindihan at masagot eh.
___________________________________

Alden POV

Pagkatanggap ko ng test paper tinignan ko muna si Maine na seryosong nakatitig sa test paper niya medyo matagal din siyang nakatingin dun sabay sulat .. maya maya bigla na siya yumuko. Ano yun? tapos na sya? Kala ko ba hindi sya nagreview? Pero ang bilis niya sagutan yung quiz. Hindi ko na lang muna siya inintindi tapos na naman sya eh kaya nagsagot na ko. Papakopyahin ko pa naman sana sya kaya lang tapos na siya eh

***
"Meng bilis mo naman natapos sa quiz" sabi agad ni Val pagkalabas ng prof

"Oo nga! Ang hirap nga eh" dagdag ni Sam

"Oh? Mahirap?" Sagot naman ni Meng

Wow! Di manlang nahirapan yung girlfriend ko! Galing!

"Oo medyo mahirap! Di mo alam?" Sabat ni Jerald

"Alam nyo baka madali lang sa kanya kasi matalino siya" nakangiting sabi ko syempre proud boyfriend hahaha

"Ha? Mahirap pala hindi ko naman alam, hindi ko naman binasa yun" halos bumagsak naman ako sa upuan sa sinabi ni Maine

"Ha? What do you mean?" Takang tanong ni Pat

"Hindi ko binasa! Wala akong sagot" simpleng sabi niya

"Eh ano yung nagsulat ka kanina?" Tanong ko

"Sinulat ko yung pangalan ko baka kasi maghanap si Maam pag wala akong score" simpleng sagot niya

Anak ng!

"Sinulat mo pa zero ka rin naman" sabi naman ni Val

"Tanga! Atleast may attendance ako" pangangatwiran niya

Kakaiba talaga tong girlfriend ko!

"Tsss. Tara na nga" sabi ko na lang

"San tayo punta?" Tanong nung mga girls

"San ba gusto nyo?" Tanong ni Jerald

"Mall" sabi ni Val

"Coffee shop" sabi naman ni Pat

"Ice cream parlor" masiglang sabi ni Maine tsss hyper na naman

"Okay! Ice cream parlor" sabi ko

"Ha? Hindi gusto ko coffee" sabat ni Pat

"Edi kayo dun kami ni Alden ice cream parlor" sabi niya sabay hila sakin

"Babye" sigaw pa nya bago kami makalabas

"Sus! Gusto mo lang ako masolo eh" pang iinis ko

"Ang kapal naman pala ng muka ng boyfriend ko kung gusto mo bumalik ka dun at ako na lang mag isa" parang batang sabi niya kaya inakbayan ko naman siya

"Joke lang naman girlfriend eh" sabi ko

***
"Chocolate flavor " nakatawang sabi niya pero maya maya bigla ding sumimangot bipolar talaga

Nandito na kami sa ice cream parlor at nag oorder

"And you sir what's your order" nagpapacute na sabi nung waitress tsss. Kaya pala nakasimangot si Maine

"Same na lang" simpleng sabi ko

"Okay wait for me--- i mean wait for the order" maarteng sabi niya sus!

"Subukan mong bumalik dito masasapak ka na" bulong ni Maine

"You okay?" Tanong ko

"No!" Mabilis na sagot niya

"Bat nakabusangot ka?" Tanong ko hindi kasi maipinta yung muka eh

"Ang pangit kasi nung muka nun parang nasampal ng 20 times kaya ang pula nung pisnge" inis na sabi niya

"Are you jea---"

"No! Im not!" Mabilis niyang sagot tsss itatanong palang eh

"Okay" simpleng sagot ko

"Hindi nga! Hindi ko pagseselosan yung ganyang muka" inis na sabi niya tignan mo to nanlait pa

"Alam mo---"

"Sir here's your order" nakangiting sabi nung waitress tsk! At dahan dahan nilapag sa harap ko

"And Maam" pairap na sabi niya kay Maine at di maingat nilagay yung ice cream kaya natapon tuloy sa braso ni Maine

"Shit" nakapikit na sabi ni Maine na parang kinakalma yung sarili

Tinignan ko naman yung waitress na nakangisi lang.

"Hoy! Anong tinatanga tanga mo dyan? Kumuha ka na ng tissue di mo ba nakita yung ginawa mo sa girlfriend ko?" Inis na sabi ko sa babaeng to! Mabilis naman syang kumilos para kumuha ng tissue

"Sorry sir" sabi niya at abot ng tissue lumapit naman agad ako kay Maine

"Wag ka saking magsorry sa Girlfriend ko ikaw magsorry tsss" sabi ko habang pinupunasan yung braso ni Maine

"Sorry Maam" parang walang pakelam na sabi nya

"Let's go! Bago ko bangasan yung muka nyan" sabi ni Maine at hila sakin palabas

"Wag ka ng mapikon dyan ibibili na lang kita ng sarili mong Icecream parlor" bulong ko paglabas namin napangiti naman siya agad

"Loko hahaha"

____________________________________

Vote and comment!

Thank you po!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now