Chapter 46

3.8K 136 1
                                    

Maine POV

Alam nyo ba yung feeling na yung bakasyon nyong Dalawa lang eh may asungot! Anak ng putakte talaga oh kahit san kami pumunta biglang may susulpot na 'Oh andyan pala kayo' 'pwede ba kong makijoin' 'Alden sama naman ako' syempre nung una sige! Pumayag ako pakikisama kahit plastikan lang dito sa maarteng to pero ngayon puta isang malaking HINDI! Nuknukan sya ng epal! Pag ako na bwiset tutulak ko na to sa beach eh ayaw kaming tantanan! Alam kong naiinis na din tong si Alden kasi nakasimangot na pero hindi masabi dahil napaka daldal netong si Maya kung madaldal ako Mas madaldal to!

"Girlfriend! San gusto mo kumain?" Tanong ni Alden sakin

"Doon na lang----"

"Ayy ako may alam na masarap na kainan! Doon lang yon oh! Tara!" Kana na naman netong si Maya! Pucha isa na lang talaga! Tatamaan na to sakin!

"Girlfriend san mo gusto?" Hindi pinansin ni Alden yung sinabi ni Maya

"Doon na lang tayo----"

"Doon nga! Meron! Tara" epal na sabi ni Maya tapos hinawakan sa braso si Alden tapos hihilain! Thats it! Napikon na ko kaya hinawakan ko sa kamay si Alden para pigilan sya sa pag hila.

"What?" maarteng tanong nya
What? What Whatin ko to eh!

"Kung gusto mong kumain don ikaw na lang mag isa" sabi ko sabay hila si Alden patabi sakin

"Eh masarap nga don eh" pagpipilit nya

"Edi ikaw don! Doon kami" inis kong sabi sabay hila kay Alden

"Sige na nga doon na lang" sunod nya samin... anak ng igorot talaga to oh! Bwiset!

**
"Ayy mas masarap doon sa tinuturo ko kanina eh" daldal na naman ni Maya habang kumakain ... katabi ko si Alden tapos kaharap ko si Maya tutusukin ko na to ng tinidor pag di tumahimik to kaasar!

"Sabi ko naman kasi sa inyo eh doon na lang tayo! Ikaw kasi Maine eh pinilit mo dito" sisi nya sakin Pucha isa na lang talaga ako na yung lalayo sa babaeng to baka kasi mabangasan ko yung muka nya ngayong araw eh

"Bakit ka pa kasi sumama dito?" Inis na sagot ni Alden

"Syempre nandito ka" nakangiting sagot ni Maya kaya padabog kong nilapag yung kutsara at tinidor ko sabay alis matutulog na lang ako! Nababadtrip ako sa babaeng yon Nakakainis yung muka nya

"Girlfriend wait lang" sunod sakin ni Alden kala ko hindi sya susunod eh magsama sila kung gusto nya bwiset!

"San ka punta?" Tanong nya

"Sa hotel! Matutulog ako ayoko ng mamasyal" pikon na sabi ko nagliwanag naman bigla yung itsura neto oh ano? Masaya sya dahil malaya sya habang tulog ako?

"Oh bat nakangiti ka dyan?" Inis kong tanong

"Sabi ko naman kasi sayo kahapon wag na tayong mamasyal sa kwarto na lang tayo di ba?" Nakangising sabi niya alam ko na sinasabi neto

"Oo dapat di na tayo lumabas ng kwarto may nakasunod tuloy sating tipaklong na gutom" bwiset na sabi ko

"Tipaklong na gutom?" Tanong nya

"Si Maya" simpleng sagot ko kaya hagalpak sya bigla ng tawa

"Hahahaha" natatawa na din ako sa kanya dahil parang nakakahawa yung tawa nya

"Tara na para tayong tanga dito" natatawang aya ko kaya pumunta na kami ng hotel tapos dumeretso sa kwarto namin!

"Oh anong papanoodin?" Tanong ko. Oo magmomovie marathon na lang kami dito sa kwarto kesa sa labas may asungot!

This Girl (AlDub/MaiDen)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu