Chapter 8

4.6K 192 5
                                    

Alden POV

"I like you" kusang lumabas sa bibig ko yan habang hinahaplos yung pisngi nya.

Ang ganda parang inosenteng inosente yung muka nya.

At yes dinala ko sya sa bahay namin dahil hindi ko naman alam kung san nakatira to no. Wala pa naman si Dad eh nasa japan pa.

**Bzzzzttt***

Biglang nagvibrate yung phone nya sa bag nya kaya tumayo ako at tinignan yung phone nya sakto namang walang password kaya nabuksan ko yung message.

Fr.Valeen
oyy meng naka uwi ka na?
..
Di na lang ako nag reply dahil di ko naman alam kung ano ang isasagot ko.

Nakita ko rin yung wallpaper nya sa phone nya na parang tanga syang nakawacky. Bumalik ako dun sa upuan ko kanina at tinitigan ulit sya.

"Gusto na ba talaga kita? Pero impossible dahil kakakilala lang kita at hindi ikaw ang dream girl ko at medyo may toyo ka rin. Ano bang nangyayari sakin? Anong ginawa mo?"

Nilabas ko na lang ang phone ko at pinicturan sya habang tulog napansin ko rin na 7:30 na ng gabi kaya bumaba muna ako para magluto baka magising sya eh.

Pagtapos kong magluto umakyat ulit ako sa kwarto ko para gisingin sya.

"Maine! Maine!" Tawag ko habang tinatapik ung braso nya

"Maine" tae to tulog mantika.

Engg turn off agad sakin yun kasi ayoko sa babae yung ganun pero bakit pag sa kanya parang turn on?

"Ano ba yon?" Tanong nya habang nagmumulat ng mata.

"NASAN AKO?" tarantang sabi nya.

Nawala na yung inosenteng muka habang natutulog sya kanina

"Relax nasa bahay kita"

"Bat ako nandito? Nasa jeep ako di ba?" Sabi nya habang nagtatanggal ng muta.

Ennggg wala na naman sa dream girl ko yan.

"Nakita kita sa jeep na natutulog eh may lalaking dikit ng dikit sayo kaya kinuha kita don at dinala dito kasi hindi ko naman alam bahay mo eh" mahabang paliwanag ko

"Bat di mo ko ginising?" Napasimangot naman ako sa tanong nya

"Anong hindi ginising halos alugin na nga kita hindi ka pa rin nagigising eh tulog mantika ka"

"Eh pagod ako eh. Salamat ahh mabait ka rin pala" sabi nya habang inaayos yung buhok nya

"Oo naman mabait to no" prenteng sabi ko

"Hindi kasi halata sa muka eh" sabi nya at tumayo

"Uuwi na ko" dagdag niya pa

"Teka sandali lang" napalingon naman sya sakin

"Bakit?" Tanong nya

"Kumain ka muna"

"Ha?" Parang tangang tanong nya
"Kumain ka muna bago ka umuwi nagluto ako" sabi ko at hinila na sya pababa

"Hindi mo naman dapat ako hinila eh kakain talaga ako no gutom ako eh" sabi nya sabay upo.

Nilagyan ko naman ng pagkain yung pinggan nya.

"Bakit?" Tanong ko kasi nakatulala lang sya sakin eh

"Wala" sabay iling

"Kain na" sabi ko at umupo sa harap nya para kumain din

"San ka ba galing?" Tanong ko

"D-dun k-kila V-val" sagot nya habang punong puno yung bibig.

Ennnggg wala na naman sa dream girl ko yan pero bakit hindi ako natuturn off?

"Anong ginawa nyo dun?" Uminom muna sya ng tubig bago nya sinagot yung tanong ko

"Nagpraktis ng sayaw sasali kasi si Patring sa Foundation day kaya ginawa kaming back up"
napatango na lang ako dun.

"Baba mo nga yung paa mo" utos ko sa kanya. Eh pano kumakain nakataas yung isang paa.

"Eh sanay akong nakataas yung paa ko pag kumakain... nangangawit kasi ako" simpleng sagot nya habang kumakain.

Eeennggg hindi na naman pasado yun sa dream girl ko puchat.

___________________________________

Maine POV

"Uwi na ko" sabi ko tapos na naman akong kumain eh

"Wait lang" awat na naman nya

"Ano na naman?"

"Hahatid na kita" nagulat naman ako sa sinabi nya

"Weh di nga? Ang bait mo ata ngayon? Una tinulungan mo ko sa jeep pangalawa pinakain mo ko tapos ngayon hahatid mo ko? Sabihin mo nga mamatay ka na ba? " seryosong tanong ko puta nakakapanibago eh ang bait nya ngayon baka kukunin na sya ni lord kaya ganto to.

"Engot hahatid na kita kasi gabi na" sabi nya habang kinukuha yung susi ng kotse nya.

"Oh" hagis nya sakin ng t-shirt

"Ano to? "

"T- shirt" simpleng sagot nya

"Gago anong gagawin ko dito?"

"Titigan mo lang baka maging sando yan" sinamaan ko naman sya ng tingin

"Syempre suotin mo tignan mo nga suot mo" tinignan ko naman yung suot ko. Oo nga no nakasando at short lang pala ako.

"Kanino ba to?" Tanong ko habang sinusuot yung damit

"Akin" sagot nya tapos lumabas na ng bahay aba syempre susunod ako dun uuwi na ko eh.

___________________________________

Vote and comment!

Salamat!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now