Chapter 21

4.9K 175 1
                                    

Alden POV

"K-kapatid?" Nauutal kong tanong

Anong kapatid? Kapatid ni Maine si Kenneth? Teka lang ha! Naguguluhan ako.

"Ayoko na pala dito Meng.  Engot! Hindi alam yung Kapatid" nakangising sabi ni Kenneth

"Hahahaha" dinig kong tawanan nila Sam kaya tinignan ko sila ng masama

Putang mga kaibigan to oh oh di man lang sinabi sakin!

"A-hh a-ano" hindi ko alam anong sasabihin ko pahiyang pahiya ako eh

"Ano? Ano?" Pang asar nila Jerald

Gago!

"Richard si Kenneth kuya ko,  Kenneth si Richard Boyfriend ko" lalo naman akong natameme sa nadinig ko kay Maine

"Naks! Sinagot na pala eh"

"Nak ng puto naman oh! Sila na"

"Wahhh! Sinagot na ni Maine"

"Yieeee may boyfriend na siya"
Dinig kong sabi ng barkada

B-boyfriend?

Tang ina! Ano na bang nangyayari?

Para kong ngayon lang pina nganak wala kong masabi.

"B-boyfriend?" Nakaharap kong sabi kay Maine

"Oo! Ayaw mo ba?" Nakatawang sabi niya

"No! Hindi! I mean, sinasagot mo na ko?"

"Eh engot talaga tong napili mo Meng! Boyfriend na nga eh! Malamang sinagot na!" Sabat naman ni Kuya. Yes! Kumukuya na. Hahahaha

shet! Napapamura na lang ako sa saya!

Hinawakan ko naman ang pisnge niya

"Talaga ba?" Nakangiting sabi ko

"Oo nga! Ang kulit naman ng Boyfriend ko" nakatawa ding sagot niya

"YES! WOOOOOOHHHHH" sigaw ko sa canteen at binuhat siya paikot

Hahahaha parang nawala na yung hiya at inis ko kanina napalitan na ng saya!

Sobra sobra Saya ko ngayon!

"I love you girlfriend" sabi ko pagkalapag ko sa kanya

"Nag iskandalo pa kayo dito " dinig kong sabi ni Sam

"Panira ka talaga kahit kailan! Leche" sabi ko

"Oh? Tapos na ba? " biglang sabi ni Kuya

"Opo! Kuya! Tapos na" nakangising sabi ko

"Kuya? Tangnang to Meng sasapakin ko to! Tinawag akong kuya" naka simangot na sabi ni Kuya Kenneth

"Wag Kenneth! Hahaha" natatawang sabi ni Maine

"Wag mo kong tatawaging kuya! Si Meng nga Kenneth lang tawag tapos ikaw kukuya kuya ka pa" dagdag pa nito

"Syempre!  Magalang po ko kuya" pambwibwiset ko.... kanina ako iniinis neto eh hahahaha

"Isa pang kuya mo! Mabubura ka na dito" simangot na sabi nito nginisihan ko naman sya

"KENNETH" biglang may sumigaw sa Entrance ng canteen kaya napatingin kami doon

"Putang ina bat nandito yan?" Bulong ni Kenneth  sabay tago sa table

Palinga linga naman yung babae

"Hala! Kenneth si Sabrina" biglang sabi ni Maine

"Meng wag mo kong ituturo ah"  sabi naman ni Kenneth habang nagtatago

"Oo hindi kita tuturo" nakangising sabi ni Maine

"SABRINA!" sigaw ni Maine kaya napatingin sa kanya yung babae

"MENGGAY" sigaw din nung babae sabay takbo at yakap sa Girlfriend KO!

Girlfriend ko na talaga to no!
___________________________________

Maine POV

"MENGGAY" sigaw din ni Sab sabay takbo at yakap sakin

Humanda ka saking Kenneth ka kanina mo pa ko inaasar ah hahaha

"Yung kuya mo? Nakita mo ba?" sabi niya pagka tanggal ng yakap sakin

"Ha? Si Kenneth...." sabi ko sabay tingin kay Kenneth na nag mamaka awa yung muka kinindatan ko naman siya

"Oo Si Kenneth! Pektus talaga sakin yon pag nakita ko" inis na sabi ni Sab

Ano na naman kayang ginawa ni Kenneth dito?

"Bakit? Ano bang ginawa niya?"
Tanong ko

"Yung gagong yon iniwan ako sa airport! Muka akong tanga don na palingon lingon sa airport"  nang gigigil na sabi ni Sab

Gusto ko namang matawa sa ginawa ni Kenneth kay Sab! Abnormal talaga si Kenneth

"Ano nakita mo ba dito?" Naiinip na tanong niya

"Ha?" Sabi ko.... si Kenneth naman pinagpapawisan na don sa pinagtataguan niya

"Si Kenneth ba nandito?" Ulit niya. Napangisi naman ako

"Oo nandito! Ayun oh! Si Kenneth pinagtataguan ka" nakangising sabi ko sabay turo kay Kenneth

"Walangya ka talaga Meng! Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagtiwala sayo" sabi ni Kenneth habang tumatakbo palabas ng Canteen

"Sorry! Pinagpapawisan ka na kasi eh hahahaha" tawang tawang sabi ko

"Salamat Menggay! Babye kita  na lang tayo sa bahay" nagmamadaling sabi ni Sab

"Hayop kang Kenneth ka pag  naabutan lang talaga kita! Malilintikan ka talaga" dinig kong sabi ni Sab  habang tumatakbo at hinahabol si Kenneth

Hahahaha ang sweet talaga ng dalawang yon!

"Hahahaha---" nahinto naman ako sa pagtawa dahil nakatunganga lahat sila sakin

"Bakit?" Takang tanong ko

"Sino yong babae?" Tanong ni Sam

"Makapagsigawan kayo parang nasa bahay kayo ah" sabi naman ni Pat

"Girlfriend?" Sabi ni Alden

"Hmmm?" Sagot ko

"Wow! Snob ka na porket may bf na" sabi naman ni Val

"Loka hindi hahaha" sabi ko kila Val

"Sino nga sabi yung babae?" Tanong ulit ni Sam

"Tsk! Babaero" bulong ni Pat

"Si Sabrina fiancee ni Kenneth" simpleng sabi ko

"Tsss sayang!" Bulong ni Sam

"Fiancee? Bat niya iniwan sa airport? " tanong naman ni Jerald

"Eh abnormal si Kenneth eh!  Arranged Marriage lang sila" natatawang sabi ko

"Ahhh kaya pala"

KKKKKRRRRRRIIINNNGGGGG

"Tara na sa Room" sabi ko

"Wag na tayong pumasok sa next sub" sabi nila Jerald

"At bakit?" tanong nila Val

"Celebrate natin na sila na" sabi naman ni Sam

"Oo nga girlfriend" sabi ni Alden sabay Akbay

"Tsss mga bad influence kayo" sabi ko sabay kuha ng bag ko

"Oh san punta?" Tanong ni Pat

"Sabi niyo wag na pumasok? Tara na sa labas"  nakangising sabi ko

"Bad influence pala ahh" sabi naman ni Alden

____________________________________

Vote and comment!

Thanks ;)

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now