Chapter 16

4.5K 186 5
                                    

Maine POV

"Galingan mo baby ah" sabi ni Jerald kay Val.

Ngayon na kasi yung sayaw namin eh. Foundation day ngayon kaya walang klase puro contest lang actually one week to kaya happy happy lang hahaha eto lahat ang inaantay namin mga studyante hahaha

"Galingan mo future girlfriend" nakangiting sabi ni Alden.

Si Alden? Patuloy pa rin na nanliligaw lagi kaming sabay pumasok, kumain umuwi at kahit ano pa wag lang mag CR at matulog.

"Naman ako pa" nagmamayabang na sabi ko

"Makapag cheer kayo sa mga yan eh hindi naman kasali yan back up lang yan ako kaya yung kasali baka gusto nyo naman akong icheer" sarkastikong na sabi ni Patring

"Oh eto na iiyak ka na eh! Galingan mo Patring!" Nakakalokong sabi ni Sam

"Dont talk to me hindi tayo close" pairap na sabi ni Pat

"Galingan nyo ah" biglang sulpot na plastik na sabi ni Louisa

"Ayawan na hindi na masaya may papam pam kasi hindi naman kasale~~~~" pakantang sabi ko.

Aba syempre tuloy parin ang bwisitan nung mga nakaraang araw!

"Pero satingin ko hindi kayo mananalo" malditang sabi niya

"Mamatay na nagtanong sa opinyon mo" simpleng sabi ko

"At bakit naman?" Tanong naman nila Sam

"Eh kasi kasali din kami nila Nathalie eh" sabi niya! Yes. isa sila sa mga kalaban namin sumali siya sa grupo nila Nathalie.

"Eh ano naman kung kasali kayo? Pakelam namin" pambasag ko sakanya

"Den den igood luck mo naman ako" maarteng sabi niya

"Good luck" simpleng sabi ni Alden

"Ano ba yan? Den den wala man lang  bang hug" aba humihirit ka pa ng yakap

"Ah eh--" si Alden naman hindi alam kung anong sasabihin kaya si Louisa ang yayakap kay Alden

"Richard" sabi ko sabay hila at yakap kay Alden kaya si Louisa ewan ko kung sino nayakap nun hahaha kala mo ah!

"Hmmm" sabi ni Alden sabay yakap pabalik

"Ako ba hindi mo igugood luck?" Malakas na sabi ko para madinig ni Louisa na ngayon nakasimagot na!

"Good Luck Future Girlfriend! Galingan mo ah" sabi niya sabay angat sakin konti!
____________________________________

Alden POV

Shet kinikilig ako nung niyakap nya ako kanina hahaha parang bakla lang.

"Pre sila Louise na ...next na dyan sila Pat" sabi ni Sam

Habang pinapanood ko sila Louise. Yes! Sasabihin kong magaling sila pero syempre hindi ko pa naman nakikita yung kila Meng eh kasi tuwing praktis nila ayaw niya kong isama para daw surprise.

"Ano kaya suot nila Baby Val?" Tanong samin ni Jerald

"Aba malay namin" sagot namin eh kasi dun sila nag bihis sa backstage eh

"Woooohhh ang galing!"

"Galing mo Nathalie"

"Galing mo Louise" sigawan ng mga estudyante pag tapos ng sayaw nila Louise.

"Next! Last one!Number 6!" Sabi nung MC

"Wow" pabulong na sabi ko. Ang ganda ng suot nila nakashort lang pero hindi naman ganon kaiksi hindi katulad nung kila Louise kanina tapos naka hanging blouse with tube tas puting sapatos at may jacket pa sa bewang.

"Galingan nyo" sigaw namin tumingin naman sakin si Meng

"Go!" Sabi ko sa kanya isang ngiti lang naman ang sagot niya sakin.

Nang mag simula na ang tugtog nagpalakpakan agad yung mga tao dahil Sobrang galing agad nila kumbaga todo bigay agad.

"Tangna ang galing!"

"Wow"

"Ang galing nila" dinig kong sabi nung mga nanonood

"Tang ina ang galing ni Patring" dinig kong sabi ni Sam

"Ang sexy naman ng Baby Val ko" sabi naman ni Jerald

Ako naman? Wala kong masabi dahil ang galing talaga nila syempre lalo na si Maine kahit back up lang siya iisipin mong kasali din sila ni Val sa sobrang galing nila hindi sila nag sasapawan pantay-pantay lang sila.

"Boom"

"Akin ka na lang mga Miss"

"Ang galing nyong tatlo"

"Sure win na kayo" sigawan ng mga tao pagtapos nila Meng.

Kami naman nila Sam? Aba syempre nakatayo habang pumapalakpak ng todo.

"Ang galing mo baby ko" sigaw ni Jerald

"Bati na tayo Patring" sigaw din ni Sam

"I love you Future girlfriend" malakas na sigaw ko

____________________________________

Vote and comment!

Salamat po ;)

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon