Chapter 12

4.9K 187 1
                                    

Alden POV

Hanggang matapos yung klase hindi ako pinapansin ni Maine.

Ngayon nasa canteen kami kakain.

"Oh ano sayo?" Tanong ko pero inirapan nya lang ako hahaha ang cute mapikon ng future girlfriend ko ahh.

"Sakin Alden Tocilog at coke" singit ni Sam

"Sakin hotsilog at royal" sabi naman ni Jerald

"Wala kong pake kung ano yung order nyo" sabi ko

"Baby" sabi ko kay Maine tas tumabi pa ko sa kanya

"BABY? Ewww" nandidiring sabi niya

"Hahahaha" nagtawanan naman sila Val

"Babe" sabi ko pa

"BABE? Mas lalong ewww " pairap na sabi ni Maine

"Eh ano ba gusto mo para bati na tayo?"

"Wala! Wag mo na lang ako kausapin atsaka ---"

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko

"Meron ka?" Na eexcite na tanong niya. Tssss. Ice cream lang pala makakapagbago ng mood netong babaeng to

"Bibili ako basta bati na tayo" napairap naman siya sinabi ko

"Anong kala mo sakin uto uto?" Nakasimangot na sabi niya

"Hindi! Pero gusto mo ng ice cream diba?" Umiiling na sabi ko

"Oo" mabilis niyang sagot.
Ang gulo din neto kausap eh.

"Oh edi bati na tayo pagbinili kita ng ice cream" parang tangang paliwanag ko

"Sige na nga para lang sa ice cream gusto ko chocolate flavor" hiling nya

"Tara sumama ka para makapili ka kung anong gusto mo" hindi ko na siya hinantay sumagot hinila ko na agad siya palabas ng canteen

"Para-paraan ka Alden"

"Gusto mo lang masolo yan eh"
Nadinig kong sabi nila Sam.

Oo gusto ko lang masolo to hahaha.

"San ba tayo? Gusto ko lang ng ice cream" sabi niya habang nasa kotse kami

"Bibili nga tayo ng ice cream"

"Saan?"

"Sa mall"

"Ice cream lang sa mall pa"

"Syempre! Ayaw mo ba?"

"Gusto! Maglalaro tayo sa arcade ah" Hindi hiling yung sinabi niya kundi utos

"Opo" mabait na sagot ko

Nasa supermarket kami ngayon para bumili ng icecream. Iniwan ko muna dun si Maine para makapili siya ng flavor bibili kasi ako ng tubig eh

"Nauna ako dyan eh" nadinig kong sabi ni Maine dun sa babae.
"Eh ano naman? Eto gusto ko eh" sabi naman nung babae.

Tumakbo naman agad ako kay Maine.

"Oh may napili ka na?" Parang bata naman niya tinuro yung ice cream na hawak nung babae

"Nauna ako dyan eh" nakakunot noong sabi niya

"Pumili ka na lang ng iba. Eto! madami pa oh" sabi ko habang tinuturo ung maraming icecream

"Eehhhh ayoko isa na lang yung flavor na chocolate eh! Yan na lang!" Nakasimangot na sabi niya

"Den den?" Dinig kong sabi nung babaeng kaagawan ni Maine.

"Louise?" Parang tangang sabi ko

"Den den ikaw nga" sabi ni Louise sabay yakap sakin. 

Napatingin naman ako kay Maine na nakasalubong yung kilay habang nakatingin samin kaya humiwalay naman ako agad kay Louise

"Kamusta ka na? " tanong ni Louise

"Ahhh okay lang ikaw?"

"Okay lang din" nakangiting sabi ni Louise

"Ahhh--"

"I miss you!" Biglang sabi ni Louise

"Ahhh hehehe" parang tangang tawa ko.

"Maine" sabi ko nung bigla siyang naglakad palayo syempre nahabol ko naman siya agad. Sabay hinarap siya kay Louise

"Maine si Louise kababata ko"

"Louise si Maine future girlfriend ko" sabi ko sabay akbay kay Maine.
____________________________________

Maine POV

"Louise si Maine future girlfriend ko"

Natawa naman ako sa sinabi ni Alden kasi biglang naging binagsakan ng langit at lupa yung muka nitong si Louise na to hahahaha.

"F-future g-girlfriend?" Nauutal na sabi niya. Parang di matae puta hahaha

"Oo" proud na sabi ni Alden

"Proud ahh" ngiting sabi ni Louise. Lol plastik!

"Hello Im Louise" nakangiting sabi niya sakin. Plastik naman neto.

"Hi" walang ganang sabi ko ayoko makipag usap sa mga plastik na tao eh buti nga nag hi pa ko sa kanya

"Sige Louise una na kami"singit ni Alden napansin niya sigurong badvibes ako

"Pero yung icecream ko" nagmamaktol na sabi ko

"Ahh eto na ohh" sabi ni Louise
Sabay abot nung icecream feeling mabait naman to

"Ako naman talaga nauna dito" sabi ko sabay kuha ng icecream.

Totoo naman na ako yung nauna kinuha niya lang bigla eh.

"Sige Louise una na kami ah" sabi ni Alden

"Sige kita tayo next time" sabi ni Louise. Edi magkita kayo anong pakelam ko.

"San mo gusto?" Tanong ni Alden pagkalabas ng SuperMarket

"Sa school" masungit na sabi ko

"Kala ko ba magaarcade kapa?" Takang tanong niya

"Ayoko na! Tinatamad na ko. Sa kotse ko na lang to kakainin" sabi ko

Habang nasa kotse kami talagang kinain ko yung icecream ko no akin to eh

"Bakit ba?" Inis kong tanong eh pano palingon lingon sakin eh alam mong nag dadrive siya

"Kung gusto mo ng mamatay wag mo kong idamay" sabi ko pa habang kumakain ng ice cream

"Ang sungit naman ng future girlfriend ko" nakangiting sabi niya habang nagmamaneho

"Tssssss" sabi ko sabay irap .

Hanggang sa makarating kami ng school di pa ko tapos kumain ng ice cream kaya nandito pa rin kami sa kotse nasa parking lot.

"Ang kalat naman kumain" sabi niya sabay punas sa gilid ng bibig ko.

Eto na naman yung puso ko parang tanga na naman.

"Picture tayo" sabi niya sabay labas ng phone

"Ayoko" nakasimangot na sabi ko pero kumakain pa rin ng ice cream

"Ayoko sabi eh" inis na sabi ko pano picture pa rin siya ng picture

"Hala delete mo yan" sabi ko kinuhanan niya kasi ako habang nakain ng ice cream eh

"Ehhh ang cute nga eh" sabi niya sabay tago ng phone sa bulsa

"Oh ubos na ba yan?" Tanong niya

"Teka konti na lang"

"Hindi mo naman kaylangang ubusin yan may mamaya pa"

"Ehhh gusto ko ngayon eh"

____________________________________

Vote and comment!

Thanks po hahaha

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now