Chapter 61

4.2K 132 2
                                    

Alden POV

"Oh ano pumunta ka ah" pilit sakin ni Sam

"Busy nga ako" sagot ko naman

"Kahit darating daw si Nico" napatingin naman ako kay James

Darating sya?

"Maniwala ako sa inyo" sabi ko at nagbibusy busyhan

"Oo nga kausap sya nila Val kahapon at ang sabi pupunta daw sya sa birthday ni Bea" nakangising sabi ni Jerald

"Oh ano hindi ka pa rin pupunta?" Tanong ni Jake

"Pag wala sya don malilintikan kayo sakin" sabi ko

"Yown! Tara na alis na tayo busy si Pareng Alden eh" malokong sabi nila at lumabas na ng office

Noong nakaraang limang taon eto lang ginagawa ko office, bahay, hanap kay Meng ... pero ngayon uuwi na sya grabe! miss miss ko na sya! Napatawad na din ako ng Barkada at ng pamilya ni Meng talagang ginawa ko ang lahat mapatawad lang nila ako!

"Dad! Aabsent po ko next week ah" paalam ko

"Aba! Himala! Akala ko dyan ka na tumitira sa office mo eh bakit?" pang asar na sabi ni Dad

"Birthday kasi ni Bea pupunta ako" sabi ko

"Okay sige! Bala ka sa buhay mo" sagot ni Dad kaya lumabas na ko ng office nya

Hayysss Sana dumating nga sya ang tagal ko syang hinintay at hinanap! Miss na miss na kita at Mahal na mahal pa rin kita Maine.

***
"Ang aga mo Alden ah" nakangising bungad ni Nadz

Birthday na kasi ni Bea pumunta talaga ako baka nandito nga si Maine

"Syempre dadarating si Meng eh hahaha" tumatawang sabat ni Valeen

Sabi ko na nga ba dapat di ko inagahan ang punta eh aasarin lang nila ko pero excited kasi akong makita sya eh

"Sigurado ba kayong dadating sya?" Tanong ko sa kanila

"Sabi niya dadating daw sya eh" sabi ni Patring

"Subukan nyang hindi dumating sa birthday ko" sabat naman ni Bea

"Happy birthday nga pala" sabi ko kay Bea

"Tignan mo to! Pinuntahan mo lang dito si Meng hindi yung birthday ko no?" Nakairap na sabi ni Bea

"Hahaha oo eh" nakangising sagot ko at bumalik sa table naming mga lalaki

"Excited ka na bang makita sya?" Biglang tanong ni Jake

"Oo naman .... miss na miss ko na sya" sagot ko... open kaming magbabarkada wala naman kaming tinagatago sa isat isa

"Pano kung may Boyfriend na sya?" Tanong naman ni James kaya napatingin ako sa kanya

Pano nga ba pag may boyfriend na sya?

"Oh easy wag mo masyadong isipin yon pwede mo pa ring maagaw pag boyfriend pa lang" sulsol ni Sam

Tama! Pwede ko pa syang maagaw non!

"ang isipin mo .. pano kung may asawat anak na sya" sabi naman ni Jerald

May asawa? Anak? Mahirap na syang maagaw non!

"Tignan mo! Wala pa rin si Meng! Sabi ko na nga ba ine echos lang tayo non eh" dinig kong sabi ni Val

"Kahit nandito ako" automatikong lumingon ako kung saan nanggaling yung boses na yon...kilalaang kilala ko kung kanino yon!

My Maine. My Girlfriend. My Love. My Girl.

Lalo syang gumanda ngayon. Yun mga ngiti, muka sobra ko syang namiss

"MENG/NICO" tawag nila James sa kanya

"Hi" nakangiting sagot niya tapos lumapit sya sa table namin at nakipagbeso akala ko hindi nya ko papansin pero nanigas ako ng bumeso rin sya sakin ng nakangiti.... nakangiti? Nakamove on na sya? Nakalimutan nya na ko? Sana hindi pa please!

"Aaaayyyiieeehhh" asar ng barkada kaya napayuko ako at palihim na ngumiti... kinilig ako eh hahaha

"Che! Para kayong tanga! Nasan na ba yung mga inaanak ko?" Sabi niya

Namiss ko talaga sya... yung boses, muka,ngiti at lahat ng sa kanya... gusto ko syang yakapin at halikan para sabihin na sorry sa nagawa ko pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na itaboy nya ako at sabihin 'pagtapos mo kong iwan gaganyan ka'

"Palibhasa ikaw wala ka pang anak" dinig kong sabi ni Jerald kay Meng

Sana nga wala pa syang anak at asawa!

"Sino ba nagsabing wala akong anak?" Sagot ni Meng kaya napatingin ako sa kanya

"Mommy!" Biglang sigaw ng batang babae na karga karga ng isang lalaki

"Hi! Baby" nakangiting salubong ni Meng at kinuha nya yung bata dun sa lalaki

Anak niya?

"MM text ka na lang ahh... bye baby Chasel" sabi nung lalaki ...nakipagbeso kay Meng at hinalikan sa pinge yung bata

Tsk! May pa MM MM pa! Bwiset!

"Huli na pre" bulong ni Sam sakin kaya umiling iling ako ... hindi pa! Hindi pa!

" Hi Tito, Tita" masiglang bati ng bata at nagmano isa isa sa kanila

Huminto naman sya sa harapan ko pag tapos nyang mag bless sakin... ang ganda nya! Para syang angel kamukang kamuka nya si Meng

"Hi Tito Gwapo" nagpapacute na sabi neto kaya natatawa ako

"What is your name Tito gwapo? Crush na po kasi kita eh" nakangiting sabi niya kaya lumuhod ako sa harapan nya at hinawakan yung pisnge nya

Kung di ko ba sya iniwan... magkakaroon din kaya kami ng gantong kagandang angel?

"Hahaha manang mana sayo to Meng" dinig kong sabat nila Bea

"Oo nga! May pinagmanahan... anak mo nga to!" sabi naman nila Sam

"Im Alden and you are?" Nakangiting tanong ko sa kanya

"kkkyyaaahh may Dimple ka po!!! Maxine Chasel but you can call me Chasel for short" nagtititili na sabi niya kaya natawa ako... sobra nyang kahawig at katulad ni Meng!

"Chasel! halika nga dito! Sorry ha" sabi ni Maine at kinarga na si Chasel

"Okay lang" nakangiting sagot ko... ang cute nilang mag ina

Nasan yung asawa nya? Bat di sya sinamahan dito? Hindi nya ba alam na pwede ko silang agawin sa kanya.

"Ang gwapo nya po mommy no?" Nakita ko namang nagulat si Meng sa tanong ni Chasel sa kanya hahaha

"Meng Sagot!" Asar nila Val

"Gwapo daw ba?" Sabi naman nila Jerald

"H-ha? O-oo baby! Tara na doon na tayo" nauutal na sagot niya

"Mommy! Crush ko na po sya! Ang gwapo nya po eh tapos may dim----" tinakpan na ni Maine yung bibig ni Chasel bago pa ituloy yung sasabihin tapos nagmamadali silang pumunta sa table nilang mga babae

"May anak na si Nico! Pano na?" Biglang tanong ni James

"Okay lang sakin! Basta bumalik lang ulit sya" tumatangong sabi ko

"Syempre kung may anak... may asawa din" sabat naman ni Jerald

"Nasan sya ngayon? Bat di sya sumama dito? " sagot ko

"Malay mo yung kaninang lalaki" sabi naman ni Sam

"Oo nga! Sabi nga di ba? Tetext daw sya pag uuwi na" nakangising sabi ni Jake

"Tssss... Bahala na! Basta babawiin ko sya" determinadong sabi ko

Sana pwede pa maging tayo ulit kahit may anak ka na okay lang sakin.

__________________________________

Vote and comment!!!

Imagine you and me NOW SHOWING!!!! ;))))

Thankssss!!!

Aldub you all ;))))

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now