Chapter 70

4.6K 134 4
                                    

Alden POV

Pagtapos ng gabing yon napapansin kong parang iniiwasan ako ni Meng

"Ano pre?" Tanong ni James

"Bat mo ba kami pinapunta dito?" Si Sam naman

Pinapunta ko kasi sila sa office ko

"Tara bakasyon tayo" aya ko sa kanila

"Bakasyon tayo? O bakasyon kayo nila Meng?" Pang asar na tanong ni Jerald

"Bakasyon kami nila Meng" mabilis kong sagot

"Oh bat mo pa kami isasama? Ano kami? Alipores nyo?" Sabi naman ni Jake

"Tanga! Hindi naman kasi sasama si Meng pag ako lang ang kasama kaya sasabihin natin outing ng barkada to" mahabang paliwanag ko

"Bakit? Kala ko ba Okay na kayo?" Intriga ni Sam

"Oo nga! Okay naman talaga kami nung isang araw kaso simula kahapon at ngayon parang iniiwasan nya ko" simpleng paliwanag ko

"Pano mo naman nasabi? " tanong ni Jake

"Kahapon pumunta ako sa condo nila hindi nya ko pinapansin atsaka yung mga text ko hindi sya nagrereply" parang batang nagsusumbong na sabi ko

"Baka may topak lang" dahilan ni James

"Hindi eh! Alam ko naman pagmay toyo yon" sagot ko agad

"Eh baka pinagbawalan na ng asawa nya kaya lumalayo na sayo" sabi ni Jerald kaya napatingin agad ako

"A-asawa?" Na uutal na tanong ko

"Oo syempre ikaw tong lapit ng lapit baka may asawa na yung tao o kaya yung tatay nila Chase" paliwanag ni James

"H-hindi wala silang nababanggit na ganon" pilit ko

"Bakit? Nagtanong ka ba?" Tanong ni Jerald

"Hindi"

"Kita mo na"

"Oh easy wag kang kabahan di pa naman tayo sure dyan! Magbakasyon na tayo" sabat ni Jake

"Tawagan na natin si Meng kung sasama sya" sabi ni Sam at nilabas ang phone nya

***kkrriinngg*** *** kkkrriinngg** ***kkrriinngg**

Dinig namin nakaloud speak eh

***kkrriinng*** **kkrr----

"Bakit ba? Istorbo ka pinapaliguan ko yung kambal" bungad agad ni Meng

"Hello din Meng aah" sarcastic na sabi ni Sam

"Leche! Bakit nga?...... Stay there Chase... wait for me Chasel" dinig naming sabi ni Meng

"Bakasyon tayo" sabi ni Sam

"Ano? Bakasyon? Sinu sino?" Tanong ni Meng

"Gusto mo ikaw lang Nico... syempre tayong barkada" singit ni James

"Che! Kailan ba yan? Baka marami kasi akong gagawin s-----"

"Libre to" putol ni Jake

"Sasama kami text nyo kung kailan" mabilis na sagot ni Meng at pinatay ang tawag

Tssss basta libre sasama sya

"Tignan mo tong babaeng to walang manners hindi man lang nag babye" reklamo ni Sam

"Hoyy! Sila Meng lang libre ko ahh" paalala ko agad

"Bakit? Ikaw nag aya tapos hindi mo kami ililibre" kana agad ni Jerald

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now