Chapter 66

4.4K 137 7
                                    

Maine POV

"Oh Kath! Ubusin mo yan" sabi ko at abot ng pinabili nya

"Wala ka bang ikukwento dyan bat kasama mo yon?" Nakangising tanong nya ... sus makikitsismis lang to eh

"Wala! Wala lang yon hinatid lang kami" sagot ko

"Alam nya na?" Tanong nya

"Hindi pa"

"Bakit? Sabihin mo na karapatan nya rin yon" sabi niya habang lumalamon na ng fries

"Alam ko yon pero----"

"Apat na taon na nyang hindi nakasama yung mga bata siguro naman sapat na yon para mapatawad mo sya pero kahit hindi mo sya patawarin para na lang sa bata" putol nya sakin

"Pero pano kung kunin nya sakin sila Chase ?" Takot na sabi ko

Oo natatakot ako baka kunin nya sakin yung mga anak ko dahil galit syang nilayo ko sa kanya yung mga bata

"Pano kung hindi naman nya kunin?" Tanong nya

"Sa nakikita ko parang mabait naman sya biruin mo hinatid ka pa dito at buhat pa ang anak mo ah" napa isip naman ako bigla

"Bigyan mo sya ng chance MM" dagdag nya

Chance?

"Bahala na! Alis na ko naiinitan ako! Maliligo na ko" sabi ko at labas ng room nila

"Bukas gusto kong makita si Chase ah" pahabol nya

"Sige lang" sagot ko at pumasok na sa condo ko

Pagpasok ko sa kwarto naabutan ko silang natutulog... oo kasama si Alden nasa dibdib pa nga nya si Chasel eh

"Ang cute" nakangiting bulong ko

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sila pagtapos pumasok na sa banyo... maliligo muna ako bago ko sya gisingin medyo matagal naman ako maligo eh wag kayong ano dyan Medyo lang talaga hahaha

Nakarobe lang akong lumabas ng banyo tulog pa naman sila eh Pagkatapos kong magsuot ng pantulog ginising ko na sya.... 11:30 pm na pala!

Dito patutulugin o hindi?

Dito?

Hindi?

Pucha! Naguguluhan ako!

Apat na taon nya ng hindi nakasama yung mga bata siguro naman sapat na yon

Tssss... wala na! nakonsensya na ko kaya tumayo ako papuntang cabinet para tignan kung may damit pa si Alden dito ...kung sinuswerte nga naman sya oh meron pa at ang dami pa ahh kumuha ako ng boxer at sando tapos lumapit ako sa kaniya

"A-alden" nauutal na sabi ko pucha! Naiilang talaga ako.

"Alden" tapik ko sa kanya

"Hmmm"

"Alden gising" sabi ko at binuhat si Chasel para maka ayos syang higa

"S-sorry nakatulog pala ako" inaantok pa na sabi niya

"Okay lang! Oh" abot ko sa kanya ng damit nya

"A-ano to?" Takang tanong nya

Walang pinagbago shunga pa rin sya hanggang ngayon! Tssss malamang damit yon!

"Damit! Maligo ka muna bago ka matulog" sabi ko at pumunta sa cabinet ng kambal .... pupunasan ko na lang sila!

"D-dito ko matutulog?" Tanong na naman nya

'Makikiligo ka lang tas uwi ka na' gusto kong sabihin yan pero wag na lang hahaha baka isipin nya bati na kami!

"Ayaw mo? Gabi na kasi eh" sabi ko habang inaayos yung pamunas ng kambal

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now