Chapter 5

5.3K 215 6
                                    

Alden POV

Aba matalino rin pala tong Nicomaine na to ...may ibubuga din pala kala ko eng eng eng lang to eh

"Galing mo baby!" Nakangiting bungad ni Jerald kay Val

"Syempre ako pa" sagot ni Val sabay upo

"Galing mo Maine"sabi ni Sam at nag apir pa sila ni Maine

"Ako pa ba hahahaha" tumatawang sagot ni Maine tsss baka tsamba lang nya yan

**KRRRIIINNNGGG---

Hindi pa man tapos mag ring at hindi pa nag didissmiss ung prof nandon na sa labas si Maine

"Guys lika na sa Canteen nagugutom na ko" sigaw nya samin Sus! PG talaga to

"Class dismiss" sabi ng prof kaya nagsilabasan na kami

"Loka ka hindi pa nga nag didismiss ung prof nandito ka na sa labas" sabi ni Val sabay batok kay Maine

"Eh nag bell na naman kaya pwede na yon" sagot nya sabay ngiti

"Kahit na dapat inantay mo pa rin" pangaral ni Val

"Opo! Opo! Wag ka ngang mag dididikit kay Patricia masyado kang mapangaral" sabi ni Maine

Si Patricia yung isa naming kaibigan

"OO NGA" Laking pang sang ayon naman ni Sam aba syempre tutor nya yon

"Gaga praktis lang yon kasali kasi ako sa acting sa foundation day" nakangiting sabi ni Val

"Ahhh next week na yon diba?" Tanong ni Maine

"Oo ayos ba acting skills ko?" Tanong ni Val

"OO NAMAN Baby Ikaw pa" mabilis na sagot ni Jerald

"Shut up hindi kita kausap" sabi nya na may kasama pang irap... kakamot kamot lang naman si Jerald sa batok

Pag dating namin sa canteen nagsi upuan na kami katapat ko ulit si Maine

"Oy andito na pala kayo" biglang sulpot ni Patricia

"Tsss nandito na ang asungot" bulong ni Sam na katabi ko lang

"Hindi wala pa picture lang to" pambabasag ni Sam

"Manahimik ka hindi kita kausap nga pala mamaya may tutor ah kaltok ka sakin pag hindi ka pumunta" sabi Patricia sabay upo sa tabi ni Val at Maine

"Nako! Ayoko nga baka bugbug sarado na naman ako sayo" bulong ni Sam

"Ano sabi mo?" tanong ni Patricia na nakataas ang kilay

"Wala po sabi ko.. Opo pupunta po ako takot ko lang sayo" mabilis na sagot ni Sam

"Pre ayan na naman mga alagad mo" sabi sakin ni Jerald sus eto na naman sila Nathalie

"Hi babe!" Sabi ni Nathalie... hindi ko na lang sya pinansin

"Ikaw na naman" sabi ni Nathalie kay Maine

"Kayo na naman mga clown? Ano ba yan wala pa ngang 2 hours namiss nyo na agad ako" sabay ngisi ni Maine.... lahat ng atensyon nasa kanila na

"Damn you! Sabing hindi kami clown" gigil na sabi ni Nathalie

"Ayy sorry kala ko kasi eh bawasan nyo naman kasi yung make up nyo napagkakamalan tuloy kayong clown" sabi Maine kaya nagsitawanan naman lahat lalo na si Sam

"Hahahaha ang galing mo Maine" sabi ni Sam sakanya

"Ako pa ba" mayabang na sabi ni Maine

"Oy babae ka di ba sabi ko sayo lumayo at wag ka ng didikit kay Alden " sabi ni Nathalie sa kanya

Tignan nga natin kung matapang to

"Oh tinupad ko naman yon ah" prenteng prenteng sabi ni Maine

"Eh anong ginagawa mo ngayon?" Inis na sabi ni Nathalie

"Hmmm. Oorder ng pagkain dahil gutom na ko kanina pa?" sabay tayo at talikod pero hinawakan agad sya ni Nathalie at hinarap ulit sa kanya napatayo na rin sila Val at Patricia

"Wag kang tumalikod kinakausap pa kita" mataray na sabi ni Nathalie

"Mamaya na lang nagugutom na ko eh" malokong sagot ni Maine

"NGAYON NA" pasigaw na sabi ni Nathalie

"Okay! Ngayon na! Beastmode ka na naman eh siguraduhin mo lang na may kwenta yang sasabihin mo" nakangiti pero matapang na sabi ni Maine

"Di ba sabi ko sayo wag ka ng didikit kay Alden kung hindi ---" hindi nya na natapos yung sasabihin nya dahil tinapalan na ni Maine ng monay yung bibig nya.

___________________________________

Maine POV

"Di ba sabi ko sayo wag ka ng didikit kay Alden kung hindi ---"
Hindi ko na sya pinatapos dahil tinapalan ko na yung bunganga nya... Tangnang to wala naman palang sasabihin na maganda! Pinag antay pa ko ... gutom na ko oh

"Una sa lahat wala akong pakelam dyan kay Richard o kay Alden na yan pangalawa sinunod ko yung deal natin kaya wag--"

"Hindi mo naman sinu---" sabi nung nasa kanan

"Wag kang magsalita hindi pa ko tapos. " diin kong sabi sa kanya.

Tahimik lang naman yung nasa canteen dahil may show na nagaganap hahaha maganda to

"Pangalawa gaya ng sinabi ko sinunod ko ang deal na hindi ako didikit o lalapit kay Alden oh sinunod ko naman ah kasama ko sya pero hindi naman kami magkadikit anong pinuputok ng butchi nyo dyan?" simpleng sabi ko

"Hindi--- " sasagot ka pa Nathalie ahh

"Oppss hindi pa ko tapos wag ka munang magsalita" sabi ko sa kanya with matching taas kamay pa

"Pangatlo hindi ko naman yan sinasamahan no sina Valeen at Patricia ang kasama ko" sabi ko
sabay talikod eh sa nagugutom na ko eh pero hindi pa ko nakakalakad nahawakan nya na ulit yung braso ko...bwiset to ha nakakarami na

"Oh bakit na naman? Nakapag paliwanag na ko ohh atsaka hello gutom na ko" pabaliw baliw kong sabi diniinan naman nya yung hawak nya sa braso ko

"Aray! Masakit na yang hawak mo ah ginutom mo na nga ako sinasaktan mo pa ko ano to 2 in 1" sabi ko sa kanya kaya tinulak nya ko. Gago to ah nakakarami na talaga ah wag nya kong subukan gutom pa naman ako ngayon. Sasagot na sana sina Val pero pinigilan ko

"Ano ba yan yung mga CLOWN pala ngayon eh nananakit na kala ko pa naman nag papasaya sila" sabi ko habang pinapagpag ung damit ko na hinawakan nya baka may germs hahaha

"Umayos ka kasi para hindi ka na masaktan" sabi ni Nathalie

"Ayos naman ako ah kayo nga tong hindi maayos kasi ang gara ng make up nyo muka talaga kayong clown" pang asar na sabi ko kaya nagtawanan naman ung mga tao hahaha super beastmode na sya at sasampalin nya na sana ako pero mabilis kong hinawakan yung kamay nya

"Opppsss pangatlong beses mo na kong sinasaktan may kasabihan tayo dyan One is enough Two is up Three is too much" simple pero may diing sabi ko sabay balibag sa kamay nya tulala naman ang mga gaga. Sus yon pa lang ginagawa ko nga nga na agad pano pa kaya kung nginudngod ko na to sa sahig

"Atsaka wala ka namang karapatan para diktahan kung sino ang lalapit kay Alden kasi HINDI NAMAN KAYO diba Alden?"  Habang sinasabi ko yan naglakad ako palapit kay Alden
Tumango lang naman ito sa tanong ko

"Ohh see! Hindi naman kayo kaya wala kang karapatan sa kanya" sabay halik sa pisngi ni Alden hahaha pangbwiset lang hahaha

Lahat naman ng tao sa Canteen nakanganga miski si Alden. Sus mga echos kayo makaalis na nga gutom na ko.

"Val Patring uwi muna ko gugutom na ko eh" wala ako sa mood dito kumain may pang gulo.

Iniwan ko silang tulala don.

___________________________________

Vote and comment!

Salamat po!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now