Chapter 63

4.1K 125 2
                                    

Maine POV

Pagkalabas ko ng bahay nila Bea naabutan ko si Alden na nakatayo sa harap ng kotse nya hata to?

"Oh ano? Bat ayaw mo pang pumasok?" Simpleng tanong ko kailangan natural lang kahit kinakabahan na ko ng sobra

"Kasi yung susi ng kotse nasa bulsa ko! Pakuha naman" sabi nya buhat nya kasi si Chasel kaya hindi niya makuha yung susi

No choice kundi kunin yung susi sa buksa nya .. leche ang awkward talaga neto

"Oh" abot ko ng susi pagkakuha ko

"Pasok ka na" utos nya

"Amina muna si Chasel" sabi ko bago pumasok

"Mauna ka na pumasok para iabot ko sayo" sabi naman nya kaya sinunod ko na lang

*tug* *tug* *tug*

Tung inuuu! yung puso ko sobra na namang bilis bakit? Kasi pag kaabot nya kay Chasel sobrang lapit ng muka nya sa muka ko... anak ng tokwa talaga!

"HOY!! Umuwi na kayo" biglang sigaw nila Patring kaya natulak ko si Alden

"Aray" reklamo nya nung nauntog sya sa kotse pagkatulak ko

"Hahahaha" tawa naman nila Jake

"Mag si uwi na kayo" naka irap na sabi ng Alden at pumasok na sa kotse

"Saan ko kayo ihahatid?" Basag nya sa katahimikan pucha! Ang awkward talaga neto

"Sa condo ko" simpleng sagot ko
Ayokong magsasalita dahil baka sa sobrang kaba ko mautal utal ako

"Kamusta ka na?" Tanong na naman nya

"Okay lang naman ikaw?" Balik na tanong ko

"Okay lang din! May asawa ka na pala?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya na seryosong nakatutok lang sa daan

"Ha? Wala---"

*krriinngg** **kkrriinngg**

Natigil ako sa pagsagot ng biglang may tumawag sakin

"Hello Nanay" si Chase

"Bakit Baby?" Sagot ko kaya medyo napatingin sakin si Alden pero hindi ko muna sya pinansin dahil kausap ko yung anak ko

"Matagal pa po ba kayo?" Tanong nya

"Hindi! Pauwi na rin kami ngayon baby" sabi ko

"Aahh pwede po ba dito muna ako matulog kila Tita Ninang ?" Paalam nya

"Payagan mo na yan MM" dinig kong sabi ni Kath kay natawa ako

Talagang si Chase yung pinaglilihian nya hahaha

"Oo na hahaha, Good night baby" natatawang sabi ko

"Take care po! I love you Nay" sweet na sabi ni Chase

"I will, i love you too baby" sagot ko at binaba na ang tawag

"Nandito na tayo" nakasimangot na sabi bigla ni Alden at bumaba ng kotse para buhatin si Chasel

"Teka! Dito na lang" sabi ko sa kanya pero dere deretso lang syang lumakad papuntang condo ko

"Susi" simpleng sabi niya kaya binuksan ko naman yung room namin

'Wow ahh.. kwarto mo' gusto kong sabihin yan dahil pagkabukas ko ng pinto dere deretso sya pasok sa kwarto ko at hiniga si Chasel sa kama

"Ako na" sabi ko nung tinatanggal nya yung shoes ni Chasel

"Hindi... ako na" pilit nya kaya hindi na ko nakipagtalo pa

"Bye Chasel" bulong nya at hinalikan sa noo si Chasel

This Girl (AlDub/MaiDen)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant