Chapter 67

4.5K 137 3
                                    

Alden POV

Makalipas ng isang linggo simula nung pumayag si Meng na nakitulog ako sa kanila eh hindi ko pa sila nakikita ulit hanggang ngayon pero sobra sobrang saya ko nung araw na yon kasi nakasama ko sila .. siya! kahit isang gabi lang sana nga hindi na natapos yung araw na yon

"May sakit daw si Lucas" dinig kong sabi

Nasa Super Market kasi ako nag gogrocery wala na kasi akong stock sa condo ko ngayon don na muna ako umuuwi eh wala lang trip ko lang don

"Ano? May sakit? Tara umuwi na tayo" sagot naman nung babae

Parang pamilyar yung mga boses nila

"Pero teka san muna na nating iiwan si Chase" sabi nung lalaki

"Ayy oo nga baka mahawa sya pagsinama natin sya" sagot nung babae

Chase? Anak ni Meng kaya tinignan ko kung sino yung mga yon

"Pero kasi si Lucas may sakit nga daw" sagot naman ni.... Patring

"Its okay naman po kung isama nyo ko" sabat ni Chase

Bat kasama nila si Chase?

"No baby baka kasi mahawa ka at sapukin kami ng nanay mo" sabi ni Patring kay Chase

"Chase" tawag ko kaya patingin sila sakin

"Hey Tito Alden" casual na bati ni Chase

"Pre ang galing mong tumaming" sabi ni Sam

"Bakit?" Tanong ko

"Wala ka bang ginagawa? Pwedeng ikaw munang magbantay kay Chase?" Tanong ni Patring

"Bakit?" Tanong ko ulit

"May sakit daw bigla si Lucas eh" nag aalalang sabi ni Patring

"Sige! Come Chase" payag ko agad syempre anak to ni Meng

"Bye Ninong Ninang" nakangiting kaway ni Chase... si Sam naman inabot sakin yung gamit ni Chase

"Bye Chase! Next time na lang tayo ah sorry text ko na lang mommy mo" nagmamadaling sabi nila at labas na sa grocery

"Chase tara! Grocery muna tayo ah" sabi ko at nilagay sya sa cart

"Okay" simpleng sabi niya

"Tito Alden pabili naman po nun bayaran na lang po ni nanay" sabi ni Chase habang tinuturo yung Chocolait

"Here! Kahit wag ng bayaran! Sige turo ka lang kahit anong gusto mo! Treat ko" nakangiting sabi ko

"Sir anak nyo?" Tanong netong babae habang nasa counter kami tapos na kaming mamili eh

"Bakit?" Tanong ko habang buhat si Chase

"Wala lang po! Magkamuka po kasi kayo" nakangiting sabi nung babae

"Talaga?" Tanong ko

"Yes po" sabi niya habang inaayos yung pinamili namin

"Thanks" sabi ko at binuhat na ang pinamili namin

"San mo gusto pumunta Chase?" Tanong ko habang palakad

"Kahit saan po" simpleng sagot nya... hindi sya madaldal kumpara kay Chasel

"Arcade na lang tayo gusto mo? Lagay lang natin to sandali sa car" sabi ko tumango naman sya bilang sagot

Nasan kaya si Meng? Bat na kila Sam si Chase?

Pagkalagay ko nung pinamili namin sa kotse deretcho agad kaming arcade

"Bump car po tayo" nakangiting aya nya kaya pumayag agad ako

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now