Chapter 88

4.6K 142 6
                                    

Alden POV

"I love you" bulong ko at pumaibabaw na sa kanya pero....

*tok* *tok * *tok*

"Mommy" dinig naming katok

Pucha! Yon palang eh! Simula pa lang!

"Daddy! Open the door I want to sleep with mommy" dinig naming sabi ni Chasel

"Oh anong tinutunga tunganga mo dyan! Alis bubuksan ko yung pinto" nakangising sabi ni Maine kaya lalo akong nasimangot... Nang aasar pa sya?

"Mommy" katok ulit ni Chasel

Nak ng tokwang buhay to oh first day naming mag asawa may istorbo agad?

"Tabi na sabi eh baka umiyak si Chasel sige ka" pananakot ni Meng kaya umalis na ko sa ibabaw nya ... Baka kasi umiyak nga si Chasel

"Misis....." Tawag ko sa kanya habang papatayo sya

"Malas ng konti" nakangiting sabi niya at lumakad na para buksan yun pinto

Malas nga!

"Mommy i want you to go to my room and sleep with me" bungad ni Chasel kay Meng habang ako nakasimangot na nakatingin lang sa kanila

"No baby Mommy will sleep with me tonight" sabat ko kaya tinignan ako ng masama ni Meng

"Alden!" Warning niya at nakita ko namang papaiyak na si Chasel

"Joke lang naman yon baby! Let's go! Tayo na lang ang tabi" mabilis kong sabi at binuhat si Chasel para pumunta sa kwarto nila

Nakita ko namang natatawa si Meng kaya binulungan ko sya

"Makakascore din ako " bulong ko sa kanya kaya lalo syang natawa

"Tignan natin" malokong sabi niya

Promise! Kundi ngayon... bukas na lang hahaha marami pa namang oras!

Mga isang oras din ng maramdaman kong tulog na talaga si Chasel kaya tinignan ko si Meng na nakapikit na rin sa tabi ni Chase kaya lumapit ako don at binuhat sya kaya nagising sya

"Hmmmm" nakapikit na sabi niya

"Lipat tayo ng kwarto" bulong ko sa kanya kaya tumango sya at nagpabuhat ng maayos... Yung buhat ng bagong kasal

Habang dahan dahan kami papalabas ng kwarto ng kambal eh nakapikit lang si Meng pero alam kong gising to... Napatingin naman ako sa labi nya pucha! Gusto ko tuloy syang halikan.

"Oh ano? Bat ka huminto?" Nakadilat na natanong nya ... Napahinto pala ako habang tinititigan yung labi niya

"Ha? Wala lang" simpleng sagot ko pero napapatingin pa rin talaga ako sa lips nya.. Nak ng teteng naman oh!

"Bakit? May dumi ba ko sa muka?" Tanong nya kaya umiling ako at lumakad na ulit

"Alden" tawag nya kaya napatingin ako sa kanya at nagulat ako nung hinalikan nya ko bigla

Gumalaw yung mga labi nya pero ako nanatiling nakahinto dahil nagulat ako na hinalikan nya ko.

"Tssss ayaw mo naman pala. Kaasar... Ako na nga nauna eh" parang nahihiyang sabi niya at tinago yung muka sa leeg ko kaya natawa ako hahahaha namumula sya eh

"Misis" tawag ko

"Oh?" Dabog na sagot nya

"Tingin ka sakin" utos ko pero umiling lang sya

"Tingin ka nga sakin" utos ko ulit

"Bakit ba?" Nakasimangot na sabi niya kaya hinalikan ko na agad sya... Smack lang naman

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon