Chapter 58

4K 110 5
                                    

Maine POV

"MM DITO" sigaw nila kaya napatakip ako ng muka habang papalapit sa kanila

Pucha! Nakakahiya talaga tong dalawang to may pagkalaki laking banner pa silang dala dito sa airport at ang nakalagay pa

'WELCOME TO ITALY MM'
'FROM:MAGANDA AT GWAPO MONG KAIBIGAN'

"BILISAN MO NAMANG MAGLAKAD" sigaw nila kaya lalo kong tinakpan yung muka ko pucha! Baka sabihin ng tao kakilala ko to hahaha

"WELCOME MM! WE MISS YOU" tumatalon na sabi nila at niyakap nila akong dalawa

"Wag nga kayong maingay! Nakakahiya" bulong ko

"Hahaha di mo ba kami namiss?" Madrama na sabi ni Kathryn kaya nabatukan ko sya

"Arte mo! San yung kotse? Gusto ko ng matulog! " sabi ko

"Ayy sige tara na! Yung baby nga pala baka pagod na haha" parang tangang sabi niya at hila sakin papalakad

"DJ! Dalhin mo na yang gamit ni MM ah" utos ni Kath kay Daniel na agad naman nya sinunod hahaha under pa rin hanggang ngayon

Sila Kath at Daniel kababata ko sila tapos si Daniel anak pa yan ni Ninang Mik kaya kinakapatid ko yan kaso nung 13 years old na kami eh pumunta na sila dito sa Italy para mag aral sinasama nila ko pero ayoko kasi ayoko pang malayo kila daddy non

"Namiss kita MM" sabi ni Kath habang nasa kotse kami

MM yung tawag nila sakin for Maine Mendoza daw ewan ko dyan sa dalawang yan

"Oo nga! Sino ba yung Alden na yon?" Tanong ni Daniel alam nila yung nangyari kaya todo payag sila na dito ako magstay sa Italy

"Wag na nating pag usapan yon" sabi ko hanggat maaari ayoko muna syang pag usapan dahil baka mastress lang ako at mapano yung baby ko

"Hahaha mag papasalamat lang kami kasi kung hindi nya ginawa yon hindi ka pa rin dito titira " sabi ni Kath ... pumayag sila Dad nung sinabi kong sa Italy na lang ako para kasama ko sila Kath at Dj kilala naman nila sila dahil nga magkababata kami at bestfriend ni mommy yung mommy ni Dj

"Parang gusto mo pa kong nasaktan ah" sabi ko

"HAhaha easy MM yung baby baka pumangit sya kaya kailangan smile ka lang" tumatawang sabi ni Kath

"Talaga pag nakasimangot lagi papangit yung baby ko?" Nakangiti ng sabi ko baka pumangit nga yung baby ko pag di ko sinunod yon

"Oo! Kaya! Ayan! Ngiti lang lagi MM" sabi ni Kath kaya ngumiti naman ako lalo syempre ilang araw akong nakasimangot kaya babawiin ko kahit natutulog nakangiti na ko

"Nagpapaniwala ka naman dyan" bulong ni Daniel

"Anong sabi mo?" Nakasingkit na mata ni Kath

"Wala po ang sabi ko po ang ganda mo po" sagot agad ni Daniel

Parang mag asawa na silang dalawa ang kulang na lang eh kasal dahil nagsasama na sila sa iisang bahay

"Wow! Ang laki naman netong bahay! Kayong dalawa lang nakatira dito?" Tanong ko pagkadating namin sa bahay nila ...ang laki ng bahay kung silang dalawa lang

"Oo kaming dalawa lang... don kwarto mo MM" turo ni Kath kaya umakyat na agad ako gusto ko ng matulog 7:00 Am pa lang dito

"Tulog muna ko" paalam ko sa kanila

"Sige lang" sabi nila

>>>\<<

"Hello MM kain ka muna" bungad ni Kath pag kababa ko kakagising ko lang eh

Pagkakain ko deretso ko sa Sala kung saan nandon si Kath at Dj ...si Kath nagcecellphone si Dj naman nanonood ng TV

"DJ abot mo nga yung remote" utos ko malapit kasi sa kanya yung remote eh ako ang layo kasi katabi ko si Kath

"Bakit? Ililipat mo yung TV? Hindi pwede NBA na oh" angal agad na sabi niya at hinawakan mabuti yung remote

"Shunga! Hindi ko ililipat yang TV ang bigat nyan no! Yung channel yung ililipat ko kasi Sponge bob na" sabi ko

"Hindi! NBA na... anong sponge bob? Ano ka bata?" Sagot naman nya

"Ilipat mo sabi yan eh spongebob na" nakangiting sabi ko kahit naiinis na ko syempre bawal nga daw nakasimagot dahil papangit daw yung baby ko

"Ayoko sabi non eh" sabi niya pa rin

Ayaw mong ilipat ahh

"Kath! Ayaw ilipat yung channel oh" sumbong ko kay Kath

"Ano bang channel?" tanong ni Kath

"Sponge Bob Kath" nakangiting sabi ko

"Nasan ba yung remote?" Tanong nya

"Na kay DJ! Ayaw ngang ibigay eh" sumbong ko pa rin

"Hoy! DJ amina yung remote" sabi ni Kath

"Bakit? Hindi pwede NBA na oh papanoorin lang nyan Sponge bob" sagot ni Daniel hahaha aba! Matatag ka! Kanina pa nag sisimula yung sponge bob ko

"Sabi ko sayo ayaw nyang ibigay eh" sulsol ko kay Kath

"Isa.. ibibigay mo o hindi?" Warning ni Kath

"Pero kasi----"

"Dalawa... hindi ka tatabi sakin mamaya"

"Ayan na! Sabi ko nga sponge bob yung papanoodin eh" nakasimangot na nasabi ni Daniel

"Ayan na! MM nood ka lang ah" nakangiting sabi ni Kath sakin tapos bumalik ulit sa pag cecellphone

"Bllleehhh" pang asar ko kay Dj nung nakatingin sya samin hahaha kala mo ah ako kakampihan nyan

"Tignan mo Kath! Nang aasar pa yan oh" sumbong ni Daniel kay Kath pero hindi naman sya pinansin ni Kath kaya lalong sumimangot si DJ hahaha

"Nye nye nye" pang aasar ko pa rin ang sarap nyang pagtripan eh pikon pa rin hanggang ngayon hahaha

"Kala mo ah lilipat ko nga to" nakangising sabi niya tssss.. nasa kanya pa pala yung remote

"Kath oh! Ililipat daw nya ulit" sumbong ko kaya tumingin si Kath kay DJ hahaha

"Eh kasi yan eh! Nang aasar pa" parang batang sagot nya

Sila na! Sila na yung makakasama ko simula ngayon hanggang lumabas yung baby ko! Bagong buhay.... bagong lugar... simula ngayon...

Wala ng Alden...

Wala ng Alden kasi iniwan nya na ko.... kami ng baby ko

Kakalimutan ko na sya at pagtuunan ko ng pansin yung baby... baby ko na lang ngayon....

Kasi may sarili ng pamilya si Alden mas pinili nya yon kesa samin.

Sana maging masaya sya!
___________________________________

Vote and comment ;)))

Imagine you and me!!! July 13 na pooo!!!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now