Chapter 71

4.1K 141 0
                                    

Maine POV

"Oh" abot ni Alden sakin ng.... Candy

Ano naman to? Malamang candy shunga din ako minsan eh

'I love you'

Yan yung nakalagay sa candy kaya napatingin ako sa kanya habang sya eh nakangiting nagdadrive...

Mahal nya ko? Bat hindi ako yung pinili nya non?

Kung mahal nya ko ako ang pipiliin hindi yung iba...

Sumusulyap ako kay Alden ng tingin dahil nalilito na ko. Pucha namang buhay to oh! Pagnahuhuli nya kong nakatingin eh iniiba ko yung tingin ko minsan haharap ako sa bintana o kaya kakausapin yung kambal

"Wooaaahhh ang ganda" sabi agad ni Chasel pagbaba namin sa kotse

"Oh ano? Meng? Ang tagal nyo kanina ahh" sabi agad nila Pat

"Edi dapat nauna na kayo! tsk" pairap na sabi ko sa kanila

"Hoyyy! Etong si Magaling na Alden ang ayaw kaming paunahin" dakdak ni Nadz

Bakit?

"Kasi baka hindi ka daw sumama pag hindi mo kami nakita" sumbong ni Bea

Tssss... sasama talaga ako no! Libre to oyy!

"Lets go" singit ni Jerald ng makapagbayad na sila para sa hotel

Medyo maglalakad pa kami papuntang hotel kaya nakita kong kinarga nya si Chasel.

"Ikaw Chase? Karga?" Tanong ko habang hawak ko sya sa kamay

"No" simpleng iling nya

"NICOMAINE" dinig kong sigaw dito habang naglalakad kami

N-nicomaine? Isa lang tumatawag nyan sakin....... wag mong sabihin nandito sya?

"NICOMAINE" kaway ni...........

Prince? Bat nandito to?

"PAPA"sigaw ni Chasel habang karga sya ni Alden

"PAPA" sabi pa ni Chasel at nagpababa kay Alden para makalapit kay Prince

Pucha! Pinagtataguan ko nga tong echos na to eh!

"Sino yan Meng?" Intriga nila Val

Nakita ko namang nakasimangot si Alden.... bumitaw ng hawak sakin si Chase na nakasimangot din at humawak kay Alden

"Ako ba yung Nicomaine? Pucha bat nandito yan?" Parang tangang sabi ko

"Sino ba kasi----"

"Nicomaine" dating ni Prince habang karga nya si Chasel

"Prince" simpleng sabi ko

"Dito lang pala kita makikita Nicomaine ilang linggo rin kitang hinanap" nakangiting sabi nito

"Anong pakelam namin?" Dinig kong bulong ni Alden

"Ha? Oo nga eh! Sige alis na kami! Chasel tara na" aya ko sa kanila

"Wait! San ba yung hotel nyo?" Tanong nya at hindi pa rin binibigay si Chasel na nakangiti ... close kasi sila nyan ewan ko kung pano nya nauto yang si Chasel samantalang si Chase ayaw na ayaw sa kanya

"Don lang pre" singit ni Sam kaya sinamaan ko sya ng tingin

Leche! Tinuro pa!

"Sakto don din ako! Tara Nicomaine hatid ko na kayo" sabi niya sabay akbay sakin sa kabilang kamay kasi yung kabila karga nya si Chasel eh

"Damn" dinig kong bulong

Nung naglakad na kami tinaggal ko agad yung pagkaka akbay ni Prince sakin at humawak sa kabilang kamay ni Chase yung kabila naman hawak ni Alden

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now