Chapter 78

4.8K 126 8
                                    

Maine POV

"Nay bilisan nyo naman po" nagmamadaling sabi ni Chase

"Wait lang naman po pag ikaw iniintay ano ka rin dyan eh" sabi ko habang binibihisan si Chasel ... si Alden naman naliligo pa lang palibhasa si Chase tapos ng mag ayos... sya kasi ang nangunguna at sinasabing sya daw unang maligo

"Chase bakit ka ba nagmamadali dyan?" Tanong ni Chasel habang sinusuotan ko sya ng shoes

"I want to see Tita Sab" nakangiting sabi ni Chase... crush nya nga di ba

"Done baby" sabi ko kay Chasel

"Thanks mommy" nakangiting sagot niya

"Ang ganda naman ng baby ko" sabi ko at pinanggigilan sya... tumatawa lang naman sya

"Nay sabay ka na kay Tatay maligo ang bagal nyo po kasing maligo eh" sabat na naman ni Chase... nagsalita ang mabilis maligo

"Che! Tigilan mo ko ha! Maupo muna kayo dyan mamaya pawis na naman kayo" bilin ko bago pumunta sa banyo

**tok tok * * tok tok*

"Bilisan mo Alden! Nagmamadali na yung anak mo" katok ko sa kanya kaya binuksan nya yung pinto

"Matatapos na nga ko. Abot mo nga yung towel" utos nya kaya kinuha ko na agad yon.

Si Alden laging nandito sa condo ko dahil gusto nya daw kaming makasama nagpaalam naman daw sya kay Tito kaya halos dito na yan tumira.

*tok tok* *tok tok*

"Eto na Alden" katok ko ulit

"Bukas yan" sagot nya kaya pumasok na ko

Nanlaki yung mata ko nung nakita syang naliligo pa. Anak ng putakte akala ko tapos na syang maligo! Nakaboxer pa naman sya pero kasi ...syempre... aaiisshh basta!

"Girlfriend amina" nakangising sabi niya nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya! Pucha naman talaga oh

"Iiwan ko na lang dito! Ikaw na yung kumuha" iwas tingin kong sabi

"Abot mo na dito! Magbabasa pa ko dyan oh" sabi niya pa rin

"No! Bilisan mo na dyan maliligo na din ako" nakayukong sabi ko at aalis na sana pero mabilis nya kong nahawakan sa braso

"Alden sabing bilisan mo na dyan---"

"Girlfriend" malambing na sabi niya sa tenga ko

"Ako Alden tigil tigilan mo----- ayan basa na ko" reklamo ko nung niyakap nya ko

"Girlfriend bati na tayo di ba?" Bulong nya

"Hindi pa ba halata halos dito ka na tumira" kinakabahan na sabi ko Pucha naka akap ng naka akap sya sakin eh nakatopless lang sya

"I love you" bulong na naman nya hindi naman ako makasagot dahil parang nahihiya akong sabihan sya ng 'I love you too'

"Di mo na ba ko Love?" Tanong nya.... pambihira daig pa bata!

"Girlfriend" tawag nya ulit nung hindi ako sumasagot kaya hinarap ko sya sakin

"Sa tingin mo tatanggapin ulit kita kung hindi na kita mahal?" Seryosong tanong ko

"Ewan ko baka dahil lang sa mga bata kaya----"

"I love you" pagpuputol ko sa kanya kaya agad syang napangiti... asus kinilig ata hahahaa

"Mahal na mahal kita" sabi niya at hinalikan ako na agad ko namang tinugon

"Namiss kita" he said between our kisses... pinaikot ko naman yung braso ko sa leeg nya dahil nanlalambot yung tuhod ko sa kiss nya... Namiss ko rin sya sobra!

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now