Chapter 76

4.5K 143 7
                                    

Maine POV

Sorry na kung nagalit ka
Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipiliting kong magbago pangako sa iyo

Napalingon agad ako ng marinig kong may kumanta sa likuran ko....

Sorry na nakikinig ka ba?
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto

Sorry talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag iisip nauuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang mag tampo
Sorry na

Nakatitig lang sya sakin habang kumakanta sya ng seryoso

Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit uulit kang hindi sadyang nasasaktan

Parang naiiyak na ko kasi parang bumalik lahat ng ala ala namin kung pano sya nanligaw...

"Akin ka na lang, akin ka na lang! I love you future girlfriend"

Kung pano naging kami....

" Kenneth si Richard boyfriend ko"

Kung pano kami naging masaya...

"I love you girlfriend"

"I love you too"

Sorry na saan ka pupunta?
Please naman eag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko

Kung pano kami nag break at iwan nya ko......

"If you go its over between us"

"Sorry Maine"

Dumating sakin yung mga bata....

"I love you mommy"

"Mahal kita Nanay"

Sorry talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag iisip nauuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang mag tampo

At ngayon bumalik sya ulit.....

"Bigyan mo sya ng second chance"

Sorry na....sorry na

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng tumulo ito at nag iwas ng tingin sa kanya pero napatingin ulit ako dahil may humawak sa kamay ko

Mahal kita, sobrang mahal kita
Wala na kong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga, di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala
Sorry na....

"Maine Im sorry!. Sorry sa lahat ng nagawa ko ... sa nangyari!. Sorry na talaga! Promise hindi ko na uulitin yung katangahan na yon... hindi ko maipapangako na hindi ka na masasaktan sakin pero pipilitin kong hindi na ulit mangyayari yon! Please... patawarin mo na ko babawi ako promise sa lahat ng pagkukulang ko sayo... sa mga bata gagawin ko ang lahat mabigyan lang kayo ng maganda at maayos na buhay! Kahit anong ipagawa mo gagawin ko para lang mapatawad at bumalik ka na sakin! M-mahal na mahal na mahal pa rin kita! S-sa mga araw, buwan at taon na lumipas ikaw pa rin. I-ikaw pa rin ang m-mahal ko kasi nag iisa ka lang na babaeng mamahalin ko. Ikaw lang talaga! I-i love you! P-please I-im s-sorry" parang naiiyak na nasabi nya at niyakap ako

Sya pa yung iiyak? Dapat ako yung iiyak eh

"Nagdrama ka agad dyan yung anak natin nawawala" bulong ko sa kanya pero umiling iling lang naman sya

"Nandyan lang si Chase" sagot nya kaya don na ko naiyak Pucha! Nag alala ako ng sobra tapos nasa kanya lang pala si Chase?

"B-bat di ka nagpaalam na nasayo sya? I-ilabas mo muna yung anak ko bago kita patawarin" parang tangang iyak ko sa kanya

"Shhhh syempre surprise to edi pagnalaman mo hindi na surprise" sagot naman nya at humiwalay sa yakap tas hinawakan yung magkabilang pisngi ko

"I love you Maine" sincere na sabi nya kaya hinawakan ko din yung pisngi nya

"Alam ko na yon! Kanina mo pa sinasabi.... paulit ulit ka" nakangiting sagot ko

Parang Nahihiya kasi akong mag i love you too sa kanya hahahaha naging pabebe na ko

"Bati na ba tayo? Tayo na ulit?" Nakangiting tanong nya

"Paalam ka muna sa tatay ko" mabilis na sagot ko

"Pinaalam na kita kanina at todo payag sila kung pwede nga lang daw pakasalan na kita para wala na daw syang sakit sa ulo" nakangising sagot nya

Aba!

"Nay! Tay! Stop na dyan! Im hungry na po" biglang sulpot ni Chase kaya kinarga sya ni Alden

Aba! Himala hindi nagrereklamo si Chase pag buhat sya? Maarte yan eh ayaw magpakarga dahil big boy na daw sya

"Tara" aya ni Alden at hinawakan yung kamay ko habang naglalakad kami dito sa parang cotage dito

"Anak wala ka naman sa timing pumasok eh! Di ba sabi ko sayo dadating ka pagkatapos ng kiss namin" dinig kong bulong ni Alden kay Chase

"Ehh Tay ang dami nyo po kasing sinasabi eh nagugutom na ko" bulong naman pabalik ni Chase

"Mommy" bungad agad ni Chasel ng marating namin yung cotage

Wow! Ang daming pagkain!

"Mommy dito ka po" utos ni Chasel kaya umupo ako sa tabi sa kabila ko naman eh sila Alden

"Mommy ano pong ginawa nyo don? Hinanap si Chase? Eh nandito lang po pala si Chase pagkahatid sakin ni Ninang Nadine dito" daldal ni Chasel habang hinahanda ko yung kakainin namin

"Talaga? nandito lang pala si Chase hinanap ko pa don" nakangiting sagot ko

"Yes po! Hi Tito gwapo" nakangiting bati ni Chasel kay Alden

Ahh di pa nga pala nya alam na si Alden yung Daddy nya dahil umiiyak sya non nung sinabi ko siguro natakot nga kay Prince tsss.

"Hello baby" sagot naman ni Alden

"Tay! Paabot nga po nung Chicken" biglang sabi ni Chase kaya inabot naman ni Alden yung chicken sa kanya

"Tay? What are you saying Chase? Why did you call him tatay?" Takang tanong ni Chasel

Pinabayaan na lang namin silang mag usap magkapatid kaya na nila yan!

"Because he is our father" simpleng sagot ni Chase habang kumakain

Ako din kumain na ....eh sa nagugutom na ko eh

"W-what? Father?" Gulat na tanong ni Chasel kaya tinanguan lang sya ni Chase

"Mommy sya po yung Daddy namin?" Baling sakin ni Chasel kaya tinanguan ko rin sya

"Why are you crying?" Tanong ko bigla ng umiyak si Chasel

"B-bat ka umiiyak? Ayaw mo ba kong maging daddy?" Natatarantang tanong ni Alden

"Sya po talaga yung daddy ko?" Umiiyak na tanong ni Chasel

"Yes baby" lalo namang umiyak si Chasel nang marinig yung sagot ko

Bat ba to umiiyak? Ayaw nya ba si Alden? Kala ko close sila? Si Alden tuloy parang natatakot na natataranta dahil umiiyak si Chasel

"Bakit ka ba umiiyak?" Pag aalo ko kay Chasel

"K-kasi sya yung daddy ko? E-edi bawal ko na rin syang maging crush" umiiyak na sagot nya

Eh kung ihagis ko kaya tong si Chasel? Pambihira naman oh! Kala ko pa naman ayaw nya kay Alden.... kala ko may problema na naman pero umiyak sya para lang sabihin na hindi nya na pwedeng maging crush si Alden kasi Daddy nya yon? Anak ng Menggay talaga oh!

___________________________________

Vote and comment!!!!

Salamat po haahahahahaaah









This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon