Chapter 74

4.6K 132 8
                                    

Alden POV

" Ka-kasi si A-Alden yung ..........

..

Tatay nila Chase" napatingin naman ako kay Meng ng madinig ko yon

A-ako?

Y-yung tatay?

Daddy na ba ko?

Teka! Ano.... naguguluhan ako!!

"Anong sabi mo? So eto pala yung lalaking nang iwan sayo? Tapos ano? Babalikan mo sya Nicomaine? Tanga mo pala" galit na sabi nung Prince at umalis na

Tahimik lang naman kami pagka alis ni Prince walang nag sasalita kahit sino miski yung barkada! Wala! Walang maingay tanging hikbi lang ni Chasel ang nadidinig ko dahil buhat ko nga sya!

Anak ko sila?

Bat di nya sinabi agad?

Bat pa sya umalis non?

Bat nya kailangan itago?

"D-daddy" bulong pa rin ni Chasel

"Sshhhh tahan na baby" bulong ko habang hinahaplos yung buhok nya

"Meng/Nico" sigaw nila ng biglang tumakbo si Meng

"Wait lang Baby ahh" sabi ko at binigay kay James si Chasel

"Bantayan mo si Chasel Chase" bilin ko dito

"Yes Tay" nakangiting saludo nya

Sarap pala sa piling na tinatawag kang tatay o kaya Daddy ng mga anak mo

"Meng! Sandali lang" sabi ko pero patuloy pa rin syang tumatakbo papasok ng hotel

"Maine! Wait" sabi ko at hinarangan yung pagsarado nya sa pintuan ng kwarto namin

Pumasok sya sa loob kaya sinundan ko sya at nilock yung pinto naabutan ko syang nakayuko habang naka upo sa sofa

"Maine" sabi ko at umupo sa harap nya

"Meng" sabi ko nung hindi sya sumasagot

"Meng tumingin ka sakin" sabi ko pa rin at pilit inaangat yung muka nya

"Meng? Totoo ba?" Tanong ko dito

Gusto ko lang na sya mismo magsabi sa harapan ko

"Maine" inis na nasabi ko hindi kasi sya sumasagot

"Meng... nak ng pucha naman oh sagutin mo naman para hindi ako magmukang tanga dito" pikon na sabi ko

Nakakaloko lang kasi bat di nya sinabi?

"Ano? Maine? Totoo ba? Anak ko sila?" Tanong ko pa rin

"OO! Anak mo sila .... anak natin" diin nyang sabi

"Bat di mo sinabi agad?" Inis kong tanong

"Bakit? Pag sinabi ko ba may magbabago?" Inis din na sagot nya

"Oo maraming magbabago! Bakit mo pa ko iniwan kung buntis ka naman pala?"

"Wow! Ang lakas ng loob mong itanong sakin yan ah... baka nakakalimutan mo IKAW ang unang nang iwan sating dalawa" galit na sabi niya

Totoo naman yon! Oo at pinagsisisihan ko na yon .... pero kasi!

"Kahit na! Pero dapat sinabi mo pa rin sakin yan noon ikaw naman yung pipiliin ko eh"

"Yon nga eh! Kaya hindi ko sinabi sayo kasi Dapat sa una palang kung mahal mo talaga ko AKO yung pipiliin mo kahit wala tayong anak" galit na sagot nya

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now